Chapter 1

3 0 0
                                    

Sipping my cookies and cream shake, I started to highlight the important information I read on my codal. I needed to read everything dahil may exam kami sa Monday.

Andito ako sa usual spot ko sa paboritong coffee shop na matatagpuan sa city time square. Gusto ko dito kasi makikita mo ang dumadaan sa labas and at the same time napagmamasdan ko ang butil nang tubig na dumadausdos sa babasaging dingding tuwing umuulan.
Hindi rin masyadong matao kaya walang nakakaistorbo sa pagbabasa ko.

Simple lang naman ang gusto ko, ang maging successful na abogado because I'm hoping na baka sa ganung paraan ma aappreciate na ako ni daddy.

My dad's a formidable layer. Lahat nang kasong nahahawakan niya ay naipapanalo niya. He's astounding on his field kaya grabe ang paghanga nang mga kaklase ko o nang ibang tao sa kanya.

Kaya lang, kung gaano siya kagaling sa pagiging lawyer, talunan naman siya sa pagiging ama at asawa. I am his only daughter dahil na rin siguro sa pagiging busy sa trabaho. He was not able to give his full attention when dealing with his daughter or even with his wife. Pati nga asawa niya di na niya halos uwian. Pero kahit papaano sumusustento pa din naman siya sa amin. But money ain't just enough for someone who has family. Madalas ko ngang nakikita si Mommy na umiiyak gabi-gabi. Hindi naman ako expressive na tao at di rin ako magaling makinig kaya hindi ko siya matanong sa problema niya. I understand her though, ikaw ba naman ang uwian nang tatlong beses sa isang linggo. Minsan nga nakikita ko pa si mama na umiinom mag isa sa sala kaya kung minsan ayaw ko na lang lumabas sa kwarto.

Sana kasi di na lang nagpakasal si daddy kung mas mahal naman niya ang trabaho niya. Noong una akala ko nagtatrabaho ang mga tao para sa pamilya nila pero nang dahil kay daddy napagtanto kung may mga tao rin talagang mas mahal ang trabaho kaysa sa pamilya nila.

Sometimes I think na mag rebelde na lang para mabigyan ako nang atensyon ni daddy pero naisip ko rin na bakit ko naman sisirain ang buhay ko nang dahil lang sa atensyong di mabigay nang daddy ko? I mean there are ways on how I can let my dad appreciate my efforts gaya na lang nang mga achievement ko sa school. Gustong gusto ko ang reaksyon ni dad habang nakikita akong umaakyat sa stage. Masaya at proud kaya nga ginagawa ko ang best ko para palaging manalo. Minsan nga lang di siya nakakapunta sa recognition ko pero may binibigay naman siyang regalo. Nakakainis lang na may mga panahon talagang naipaparamdam niya sa amin ni mama na mas mahalaga ang trabaho niya.

I am in a middle of reading nang may mapansin ako sa gilid nang coffee table. Isang hugis puso na sticky note.
Out of curiousity ay binasa ko ang note na nakasulat.

" Your beauty never fails to amaze me.
I hope next time I will be brave enough to meet you in person"

Anong ginagawa nito dito? Palinga linga ako para tingnan kung may nakatingin ba dito o baka naman may nakaiwan ba...pero mukhang wala naman..

Ibinalik ko na lang yung note sa pinaglalagyan at nagbasa na lang ulit.

It's past four pm nang matapos akong magbasa. I was about to go nang napansin ko ulit ang sticky note sa table.

Kung sino man ang sumulat nito sigurado pinag titripan lang ako. One of my personality is that I never let anyone make fun of me...

I harshly get my pink rectangular sticky note

"Whoever you are please stop this non-sense hindi nakakatuwa"
Maddy

Nakarating na ako sa bahay at ang gaya nang dati tahimik pa din. I was about to go upstairs nang napansin ko ang maleta sa sala.

"Kanino yan?"

My mom went down crying at mukhang nagulat pa siya na nakita ako kaya agad niyang pinunasan ang mga luhang malayang umaagos sa pisngi niya.

Love noteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon