Pafall (His Side)

124 5 2
                                    

Dati sobrang wala akong gana mag-aral. Pumapasok lang ako para sa baon at wala akong ibang ginawa sa school kundi matulog. Wala namang palag yung mga teachers sakin kasi mayaman kami. Nagdodonate kami ng computers and stuffs sa school.

Ayos lang din naman kahit hindi na ko makinig kasi matalino naman na ko. Hindi ako nag yayabang. I'm just stating the truth. Even if I dont listen, even if I dont pay attention, and even if I sleep all day, I can pass all my subjects with flying colours. Kahit bagong gising, kayang-kaya kong sagutin ang mga tanong nila. So, what's the use of listening, eh, parang mas matalino pa nga yata ko sa mga techers ko. Kaya nga nakakawalang gana eh. But 'twas before. Not until I met Her.

She's a transferee in our school. First day of class pa lang s'ya na agad napansin ko, and I think it's kinda weird. Dati naman kasi wala akong pakialam sa mga kaklase ko. Specially the girls kasi puro pacute sila at halatang patay na patay sakin. Hindi rin ako nakikipag kaibigan. What for? Eh, hindi naman sila ang ipinasok ko dito. I came here to sleep so why bother making friends with them, 'diba?!

Hindi ko alam kung anong nangyari sakin that day at naisipan kong kaibiganin sya. Thats right! I made friends with a transferee. With a stranger. With Nicki.

Yeah, Nicki is her name. To be honest, I find her pretty and very attractive. Her beauty is simple yet unique. And I really like her. NO! Her personality I mean. Urghh! Who am I kidding? I admit, I had this feeling towards her that I've never felt for anyone before. I think this is what they call "crush".

Oo, sa maniwala kayo't sa hindi, first time kong magkacrush. Hindi pa nga rin ako nagkaka girlfriend eh. Kaya itong nararamdaman ko, nakakabakla mang isipin, pero "crush" ko na nga si Nicki. Tae! Ang bading pakinggan ng crush! Gusto na nga lang. Oo, gusto ko na si Nicki. Gustong-gusto.

Nag-isip ako ng paraan para mapalapit sa kanya. And I came up with a stupid idea. Binagsak ko ang exams ko at nagpanggap na walang natututunan sa Science so she could teach me. Ang hirap din palang magpanggap na walang alam, when the truth is, its so fucking easy. Easy as one, two, three. I know my plan is ridiculous. Pero 'di bale nang magmukha kong tanga, kung ang kapalit naman ay mapapalapit ako sa kanya.

Pero nagkaroon kami ng problema ng family ko. Mom and Dad refused to tell me the problem at first pero nalaman ko rin 'di kalaunan. Nalulugi na pala ang family business namin. Pero sabi nila Dad wala na daw problema dahil may tumulong sa kanilang ayusin yung problema.

One time, my mom introduced me to a girl. Anak daw sya ng mga Carpio. Sila yung tumulong kila dad para maayos yung business namin. Her name is Claire. She looks elegant at hindi maipagkakailang mayaman at matalino sya. Sabi nya classmate ko daw sya nung gr.5. Siguro nga. Hindi ko alam eh. Wala nga kasi akong pakialam sa mga kaklase ko dati diba?

Kinausap naman ako ni mommy at sinabi nyang head over heels daw sakin si Claire. At gusto nya daw na ligawan ko si Claire kasi malaki daw ang naitulong ng kumpanya nila sa kumpanya namin.

Ilang beses kong tinanggihan si mommy. Sinubukan ko rin syang kumbinsihin na may iba pang paraan para tumanaw ng utang na loob at makabayad sa pagkakautang sa kanila. At ayokong lokohin si Claire. Mukha kasi syang mabait.

Pero napaka tigas ng bungo ng nanay ko. Pinagpilitan nya talagang ligawan ko si Claire kaya wala na 'kong nagawa. I don't want to do this but I have to. Labag man sa kalooban ko, I have to do this for the sake of my family.

Niligawan ko na nga si Claire nun. Pero bago ko sya ligawan, nilinaw ko muna sa kanya na wala talaga kong gusto sa kanya at si mommy ang may gustong ligawan ko sya. Sabi naman nya okay lang daw. Subukan ko daw na mahalin sya. Sabi nya pa, alam naman daw nya na sooner or later magiging sakanya din daw ako. Sa isip-isip ko, "Ha! Hindi yun mangyayari. Cause my heart already belongs to someone else. Someone named Nicki."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pafall (His Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon