Kabanata 1

110 5 1
                                    

+ × + × + × + × + × + × + × + × + × + × + × +

-- Kabanata 1 --

' Two boys living in the streets '

+ × + × + × + × + × + × + × + × + × + × + × +

6 years later

3rd Person's View

"Ano?" Nagtatakang tanong ng batang lalaki habang nakatingin sa dalawang lalaking kuma-usap sa kanya.

"Wala kayong tinitirhan 'di ba? Balita ko, nagnanakaw daw kayo ng kasama mo dito." Anang ng lalaki sabay turo sa kasama nitong natutulog sa gilid ng sidewalk.

"B-Bakit? Huhulihin niyo kami?!" Lakas-loob nitong tanong sa dalawa. Nagtinginan ang dalawa at ngumisi imbis na sagutin ang tanong ng bata. Mukhang natakot ang bata at sinipa ang kasama nito para magising. "H-Hoy, gising. Dylan, gising! P*ta!" Sigaw sa kasama.

"Ano ba?! Animal ka!" Reklamo nito at umupo. Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan pero nawala agad ng makita nito ang dalawang lalaki.

"Ano kayong dalawa?" Kalmadong tanong niya sa dalawang lalaki. Tiningnan niya ang kasama niya na mukhang kinakabahan na.

"Kami? Gusto namin kayong tulungan. Gusto namin ibigay 'yong tulong na hindi nabigay sa inyo ng gobyerno." Sagot ng isa. The boys looked at each other confused. Can they trust these guys? Totoo ang sinabi nila, wala sa gobyerno ang gustong tumulong sa mga taong tulad nila.

"Anong tulong naman?" Lakas-loob na tanong nito sa dalawa. Sasagot na sana ang lalaki nang may marinig silang sunod-sunod na putok ng baril. Nagulat ang mga bata pati na ang dalawang lalaki.

"Ivan!" Pabulong na sigaw nito sa kasama. Tumango naman siya at sabay silang kumaripas ng takbo papalayo sa dalawang lalaki.

.

.

"Hoy, Dylan. Tingnan mo 'to!" Tawag ng bata sa kasama niya. Nagtatakang lumapit naman ito sa kasama niya na nakiki nood lang ng tv ng may-bahay.

"Ano?" Tanong niya sa kasama. Hindi naman ito sumagot dahil nasa pinapanood na laro ng basketball ang buong atensyon nito kaya nakinood na lang din siya. Ilang saglit pa ay natigil ang palabas at napalitan 'yon ng balita.

"Matapos ang anim na taong karumaldumal na pangyayari sa Mariana Province, Herena City, inatake ng grupo ng mga terorista na mas kilala bilang 'Vindicta'. Tinatayang umabot sa mahigit sampung-libong mga biktima ang pinaslang ng naturang grupo. Pati ang mga rumespunding pulis galing sa Los Brendas City, pinatay."

"At tulad ng ginawang pag-atake sa Mariana Province, halos kalahati lamang ng populasyon ng mga bata ang naiwan sa naturang lugar. Hinala ng mga awtoridad, nasa kamay ng mga terorista ang ilang bata. May nadakip naman ang mga awtoridad na isang miyembro ng grupo, ngunit agad nitong kinitil ang sariling buhay bago pa makarating sa prisinto. Ngayon pinag-aaralan pa ng gobyerno kung paano masosolusyunan ang malaking problemang ito at kung paano ma-ililigtas ang mga batang nasa kamay ng mga terorista."

Nagtinginan ang dalawa sa isa't isa bago magyakapan. "Buti umalis tayo!" Laking-gulat na sigaw ni Dylan. Dahil malapit lang ang tinutuluyan nila sa Los Brendas City, nakarating na sila sa labas ng Herena City kakatakbo palayo do'n sa dalawang lalaking kuma-usap sa kanila.

ɪᴜꜱᴛɪᴛɪᴀ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍɪᴀ || ᴏɴ-ɢᴏɪɴɢ 🌹Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon