Lawrance
"Anak, gising na! Aalis na kami ng Papa mo."
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko dahil naiirita ako sa busis ni Mama. Buti na kang dahil sinara ko ang pinto ng kwarto ko.
"Andyan na Ma!" tumayo na ako at tinignan ko ang ka buohan ng kwarto ko.
"Bilisan mo Lawrance. Kahit saan ang bagal bagal mo talaga."
"Susunod na lang ako sayo sa baba."
Ang kalat kalat bahala na, may bago naman kaming kasambahay siya na lang ang maglilinis ng kwarto ko. Kasama naman kasi yun sa trabaho niya. Pumasok mo na ako sa banyo para magtoothbrush at maghilamon mamaya na lang ako maliligo dahil na ligo naman ako ka gabi.
Pagkalabas ko ng kwarto agad na akong bumaba at nagtungo sa kusina. Kasaloyan sila ngayon nagaalmosal. Kong hindi lang sana ako ginising ni Mama sana mahimbing pa akong natutulog ngayon. Umopo na ako sa tabi ni Dad baka saki masirmonan na namana ko ni Mama.
"Anak, ang bilin namin ng Papa mo. Please wag kang gagawa ng kaluhan para tumagal ang kasamabahay natin dito."
"Alam ko nayun ba, ka gabi mo pa sinasabi sakin yan."
"Pinapaalala ko lang sayo. Nagmana ka talaga sa Papa mo."
"Sweetie, kumain ka na lang. Ang aga aga sinisirmonan mo naman ang anak natin. Malaki na si Lawrance alam na niya ang gagawin niya."
"Kinakampihan mo pa ang anak mo. Pag malaman kong may ginawa naman siyang kalokohan hahanap na talaga ako mapapangasawa niya para tumino na siya."
"Sweetie, kumain ka na lang. Hindi na bata ang anak natin."
Ganyan nga Dad ipaglaban mo ko kay Mama. Ikaw lang naman kasi ang kakampi ko dito sa bahay. Sige lang ipagtanggol mo lang ako sa kanya. Hindi ko na lang sila pinakinggan dahil hindi naman makabulohan ang pinagaawayan nika.
Pagkatapus namin kumain nagpaalam na sila Mama at Dad sakin. Ngayon ako na lang magisa ang nasa bahay. Umakyat na muli ako sa kwarto at nahiga. Matutulog mo na ako ang aga pa kasi. Ni lock ko na ang pinto baka kasi pumasok bigla ang katulong namin. Mahirap na baka pagnasaan niya pa ako.
Bago ipinik ang mga mata ko, nag play mo na ang ng music. Now playing The Way I love You by: Taylor Swift.
Hindi ko alam kong anong klasing gayuma ang ginawa nong babae sakin at unti unti ko ng nagugustohan ang kanta. Akala ko noong una badoy kasi girl stuff yong kanta pero nong pinakignan ko ito hindi naman pala. Ito lang ang tangin naalala ko sa kanya.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
"Sino yan?" sigaw ko.
"Sir nan dyan na po sa baba ang bago yong ka tulong."
"Ganon ba, sabihin mo maghintay siya muna. Maliligo lang ako."
"Sige po Sir."
Tumayo na ako at pumunta sa banyo. Oras na para pagtripan ang bago naming kasam bahay.
---
Gracella
Nakaupo lang ako ngayon sa sala. Hindi ko aakalain na sa isang napakayaman na pamilya ako magtra-trabaho, bigtime talaga ang sweldo dito. Tinignan ko lang kabuohan ng bahay, malaki talaga ito at sa subrang laki hindi ko alam kong makakaya ko bang linisin ito ng isang araw lang.
Ang ganda lang dito wala akong uniform na susuotin. Hindi katulad ng ibang kasambahay na na kikita ko para silang mga anime na nagco-cosplay sa mga unifrom nila.
"Ma'am maghintay na lang kayo dito may ginagawa pa po si Sir. Kukuha na lang mo na akong ng makakain mo"
"Ganon po ba, salamat talaga. Ako nga pala si Gracella."
"Aling Yamang, 18 years na ako nagtra-trabaho dito at hindi basta basta si Sir Law dahil pilyong bata talaga yun."
"Kakayain ko na lang po. Palaban naman kasi ako."
"Dapat lang. O siya ma iwan mo na kita kukunin ko lang ang pagkain mo."
Nang makaalis na si Aling Mayang kinuha ko na mo na ang magazine na nasa harapan ko lang. Para hindi ako ma bagot sa kakahintay sa kanya magtitingin tingin mo na ako. Tinignan ko lang ang cover ng magazine at isa lang masasabi ko ang ganda ganda talaga ng babae.
Diane Javison? Posible kaya na siya ang amo ko. Ang ganda naman niya. Saktong ililipat kona ang pahina ng makarinig ako na may mga paa na bumababa sa hagdanan. Kaya na patingin agad ako sa pero nan laki ang mata ko ng makita ko si Sir na naka top less. Kaya dali dali kong nilagay ang magazine sa mukha ko.
Bakit naman nakahubad siya. Ano bang trip niya sa buhay. Hindi talaga ako sanay kapag nakakakita ko na mga tao na naghuhubad. Paano ko ba siya kakausapin nito kong wala siyang damit.
"Bakit na ka takip ang mukha mo?" pagtatanong nito.
Hadan dahan ko lang itinaas ang magazine na hawak ko para ma kita ang paa niya. Patay nasa harap ko na siya. Anong gagawin ko nito. Ayoko pa naman na makakita ng mga hubad na katawan. Para kasing masusuka ako sa mga ganon.
"Hindi mo ba ako kakausapin?"
"Sir pwedi bang magdamit ka muna naiilang kasi ako sayo."
"Tsk! Nasa bahay kita kaya pweding gawin kahit anong gusto ko. Bakit masama ba walang damit na pang itaas."
"Sir, hindi nga ako sanay. Nasusuka ka si ako."
"Kainis naman to! Paghindi mo pa binaba ang hawak mong magazine kukunin ko talaga yan."
"Sir. Kahit anong sabihin mo hindi ko pa rin tatanggalin ito sa mukha ko. Magbihis ka mo na."
Bahala siya sa buhay niya hindi ko talaga aalisin ang magazine sa mukha ko. Ano ba kasing trip nito at nagawa pang maghubad sa harapan ko.
"Hindi mo pa aalisin yan? Isa, dalawa tatlo. Ang tigas talaga ng ulo mo?"
Naramdaman ko na lang bigla ang kamay niya na nakahawak na sa magazine. Patay hindi ko dapat ma kita ang pagmo-mukha niya. Ayokong ma dumihan ang mga mata ko.
"Ang tigas talaga ng ulo mo! Sabi nang ibaba mo na ang magazine para makapagusap na tayo ng maayos" wika pa nito at pilit niya kinukoha ang maganize ka kamay ko.
"Sir magbihis ka kasi mo na nakakailangan ka."
"Bahala ka,"
Nagulat na lang ako ng buong lakas niyang kinuha ang magazine sa kamay ko at sa hindi ko inaasahan bigla itong na out of balance at na tumba siya sakin. Kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko para hindi ko makita ang katawan niya.
Ngayon ramdam na ramdam ko na ang katawan niya na ka ditik sakit sakin na kakadiri lang talaga at sa hindi inaasahan na ramdaman ko na lang bigla ang labi niya. Sa subrang gulat ko na imulat ko ang mga mata ko at buong lakas siyang itinulak.
Pinunasan ko na ang labi ko, nakakadiri talaga.
"Walang hiya ka talaga!" sigaw to.
"Ang lakas rin pala ng loob mo na itulak ako." wika niya at dahan dahan itong tumayo at iniharap ako.
Shit! Nan laki lang ang mga mata ko ng makita ko ang pagmumukha niya.
"IKAW!" sigaw naming pareho.
Kahit siya, hindi ren ma ka paniwala na makita ako. Bakit siya pa? Para akong binuhosan ng malamig na tubig ngayon. Hindi ko man lang magawang kumilos.
"Welcome to my world" wika nito sabay tawa ng napakalakas.
----
BINABASA MO ANG
The Way I love You - COMPLETE
Lãng mạnYou make me smile in a special kind of way. I love you without knowing how, or when, or from where. l just love you.