"Natatakot ako"
Walang sariling sambit ni jelenKaya nagtaka naman kami kung bakit sya natatakot
"Bakit ka naman natatakot?"
Baling na tanong naman sa kanya ni Kenneth"Baka kasi bumalik na naman sya sa dati,sa dati na cold at sa dati na weirdo"
Kaya napapaisip din ako,oo nga baka bumalik na naman sya"Kasi si mondraine ang dahilan kung bakit sya nagbago pero mukhang si mondraine lang din pala ang magpapabalik sa dating sya"
Dagdag pa ni jelen...Sinabi kona yan kay mondraine huh,baka inulit niya lang
"Diko hahayaan na mangyari yan,diko hahayaan na bumalik sya sa pagiging cold"
Walang sariling sambit ko habang nakatingin kay meanieyahKaya napatingin silang apat sa akin,alam kung may katanungan na sa kanilang mga isip ngunit walang lumalabas sa kanilang bibig
"Diba di natin hahayaan na bumalik sya sa dati? Kasi kaibigan niya tayo kaya dapat tulungan natin syang maka move-on"
Dagdag ko kaya nagkatinginan silang apat bago binaling ang tingin sa akin"Oo naman...tulungan natin syang maka move-on ng mabilis"
Nakangiti namang sambit ni jelenAt nang matapos na kami sa aming pag-uusap ay naisipan na nilang umuwi sinabi ko naman sa kanila na ako nalang ang magbabantay kay meanieyah dito at pumayag naman sila
Sinundan ko muna sila ng tingin bago tuluyang lumabas sa pinto
Binuhat ko muna si Meanieyah papunta sa kama
Sa sofa lamang ako natulog
Meanieyah POV,
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking balat
Biglang kong naalala ang ginawa nung lalaking yun sa akin kaya agad kong tinignan ang aking katawan at napanatag naman Ang aking loob ng may saplot naman ako
Agad akong bumangon at naligo pagkalabas ko sa pinto ay agad kong natanaw si harold na nakahiga sa sofa habang ang himbing ng tulog
Sana ikaw nalang nga ang minahal ko baka sakaling hindi mo ako saktan ng ganito
Unti-unti naman niyang iminulat ang kanyang mga mata
"Sorry kung dyan ka nakatulog sa sofa...bahay mopa naman to"
Saad ko habang nakatingin lamang sa kanya...ang suot niya kagabi ay sya paring suot niya ngayonNgunit imbis na sumagot at ngumiti lamang sya
"Salamat nga pala sayo...dahil kung hindi ka dumating baka may nangyari nang masama sakin"
"Hmm...bakit ka nga pala naglasing?"
"Para sana sa makalimutan ko si mondraine"
"Pero nakalimutan moba?"
Baling na tanong naman niya sa akinHindi,mas lalong hindi ko sya nakalimotan
Umiling lamang ako bilang sagot
"Sa susunod wag kanang magpakalasing kung hindi mo naman pala kayang ipagtanggol ang sarili mo"
Saad niya kaya nainsulto ako"Kaya kung ipagtanggol ang sarili ko kaso naubusan lang talaga ako ng lakas nung time nayun!"
Inis kung saad sa kanya"Sabi mo eh"
"Tskkkk...maligo ka muna"
"Bakit mabaho naba talaga ako? Umaalingawngaw na ba talaga ang amo'y ko?"
Turan niya habang inaamoy yung T-shirt niya
BINABASA MO ANG
The COLD PERSON (Season 1)
AksiIsang babae na subrang cold or subrang sungit.Hindi man lang ito namamansin kapag hindi mo inuunahan. Pilosopo din itong babaeng to. Pero ano Kaya ang mangyayari sa kanya kapag nakatagpo sya ng isang lalaking subrang bully at napaka kulit? Magbaba...