September 16,1999
"Ang araw na ito ay importante sapagkat ipapanganak na ang ikatlong mamumuno sa ating lahi! Ngayon ang araw na makukumpleto na ang tatlong mga anak ng mga magigiting at matataas na rangong napili ng ating mga lahi! Ipagdiriwang at bigyang kasiyahan ang araw na ito!"
Naghiyawan at nagsigawan ang mga kasapi nila, nag taas sila ng basong may dugo at sabay sigaw ng 'bigay pugay sa ikatlong kalahi!' At ininom ito. Hindi sila normal na tao na kagaya ng iba. Marami silang kayang gawin na hindi kayagang gawin ng mga mortal.
Hindi sila bampera o lubo sadyang kakaiba lang sila, Malalakas at makapangyarehan.Sa kabila ng kasiyahan at pagdiriwang na sa loob naman ng kastilyo si Prinsesa Primavera at nanganganak sa ikatlong mamumuno.
"Prinsesa iri pa't sa makakaya,malapit ng lumabas ang iyong anak,nakikita kuna ang ulo nito"
Sumigaw pa ng masmalakas ang Prinsesa't matagumpay na nakalabas ang bata.
"Prinsesa Primavera ito na ang iyong anak, pe-pero hi-hindi ito maaari. Ba-babae ang iyong a-anak"
"Babae? Hindi magandang biro yan! Isa kalang mababang uri para't magbiro ng ganyan sa harap ng Prinsesa!" Sumulpot ang tagapagbantay ng Prinsesa at kinuha ang sanggol.
"Prinsesa Pri-primavera babae nga ta-talaga ang iyong a-anak,hindi ito pwede mahihirapan ang iyong anak sa pagsasanay at pag intindi at hindi pwede na babae ang mamumunon sa ating mga lahi. Alam mo narin Prinsesa ano ang mangyayari sa sanggol. Dapat itong paslangin sa masmadaling panahon bago paman makarating sa nakakataas" inilapag niya ang sanggol sa tabi ng ina nito.
Hindi makapagsalita ang Prinsesa at walang na gawa,nahihirapan siyang gumalaw dahil bago pa siyang nanganak. Umiyak siya at hinalikan ang sanggol at binigay ito sa kanyang taga pagbantay. Alam niya na papatayin na ito.
Tinitigan ng tagapagbantay ang sanggol para patayin gamit ang mata na kayang makawala ng hininga. Umiyak ng umiyak ang sanggol pero bagu pa ang lahat may sumigaw at biglang pumasok sa silid.
"Prinsesa! Ang mga mortal ay sumalakay at sinira ang pagdidiriwang! Nahanap nila ang lungga natin!"
"Ilabas ang lahat nang mga kauri natin! Paslangin niyo sila! Siguraduhin niyong hindi makapasok sa kastilyo at protektahan ang mga nakakataas!" Utos ng tagapagbantay "Kunin mo itong sanggol at dalhin sa kagubatan,kailangan kung protektahan ang Prinsesa. Tignan mo ang sanggol at alam muna ano ang kasunod" ibinigay niya ang sanggol at inilabas na ito't dinala sa kagubatan
Nag away na't nagkagulo ang mga mortal at immortal. May dalang mga iba't ibang uri ng baril ang mga mortal habang sila ay ang kanilang kapangyarihan lang gamit,ang kahinaan nila ay kapag nabaril sa ulo o puso,agad-agad itong mamatay at kapag sa ibang parte naman ng katawan pwede pa itong gumaling sa loob ng sampong minuto gamit lang ang kanilang kapangyarihan.
Nasa gitna na ng kagubatan ang kalahi at ang sanggol "Hindi na pala matutuloy ang ikatlong mamumuno dahil isa kang babae, sayang lang ang aming pagpugay at pagdiriwang! Sumalakay pa ang mga mortal!" Sinakal niya ang leeg ng sanggol ngunit may dumating.
"Ibaba mo ang sanggol! Pati kalahi ninyo papatayin mo?! Wala talaga kayong awa! Ibaba mo yan kung hindi babarilin kita sa ulo!"
'Mga mortal na walang alam!'- bulong nito at sabay inilapag ang sanggol.
Humarap ang kalahi at pinagmasdan ang dalawang mortal,walang alinglangan na binaril ng mortal ito dahil alam nilang sa tingin lang ay mamatay na sila. Agad nilang nilapitan ang sanggol at pinatahan sa iyak.Pansin nilang namumutla na ang bata dahil sa pagsakal nito.
Inuwi nila sa bahay ang sanggol at pinatulog. "Martel? Sigurado kabang aalagaan natin yan? Isa rin yang halimaw! Kauri nila yan! Dapat nga hindi natin yan inuwi dito!"
"Hindi kaba na awa sa sanggol? Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid niya! Tapos itatapon lang natin? Mas halimaw pa tayo kung ganun!. Kung palalakihin natin siya ng normal at maypagmamahal, magiging normal rin ang pag iisip niya. Iparamdam natin na isa rin siyang ordinaryong tao."
"Pero hindi maiiwasang isipin niyang hindi natin siya kauri! Lalabas at lalabas rin ang kapangyarihan niyan gustuhin o hindi man natin gustuhin! Walang sekretong hindi mabubunyag Martel!"
"Wala akong paki,palalakihin ko ito at aalagaan. Sasabihin ko rin sa kanya at ipapaliwanag ang katutuhanan. Pangangalangan ko siyang Ellis Alcantara"
"Malamang ang iyong apelyido ang gamitin mo sa batang yan! Huwag na huwag ang aking pangalan,masisira ang kompanya ko! Atsyaka desisyon mo yan Martel,wala ng atrasan. Asawa kita at wala narin akong magagawa kung hindi suportahan ka"
"Salamat Luis,mahal kita"
YOU ARE READING
PRIMAVERA'S IMMORTAL
Random[on going] Isang bata ipinanganak na mamumuno sa kanilang kaharian ngunit may isang malaking trahidyang naganap, inataki ng mga mortal na tao ang kanilang pag pupulong kaya ay nakuha at nadala ng mga mortal ang sanggol. Papatayin na sana ito ngunit...