Mga tanong

8 0 0
                                    

Masaya naman tayo dati sobrang perfect ng lahat. Bigla na lang nagbago. Hindi na ikaw yung dating kilala ko. Yung matatamis na salita napalitan ng masasakit. Hindi ko akalain na masasabi mo yun. Ano ba ang nagawa ko para iparamdam mo yun sa akin? Ano pa ba yung kulang? Isang araw lang sinabi mo mahal mo ako pero sa isang kisapmata biglang nagbago ang iyong sinabi. Bakit ganon na lang kadali ? Bakit ang bilis mo makalimot? Ang daming tanong sa aking isipan. Ikaw ay kinausap para malinawan, pero bakit ganun? Sakit lang ang aking nakuha. 

Hindi mo na ba maalala yung dating tayo? Kahit konti ba wala ng natira? Bakit ganon ka katigas? Huling pagkakataon lang naman ang aking hinihingi ngunit hindi mo ako mapagbigyan sa aking kahilingan. Ganon ba ako kasama? Hindi kana ba babalik?  Hindi ko matanggap ang nangyayari, ang biglang pagbago ng iyong nararamdaman. May iba na ba kaya ganon na lang kung itulak mo ako palayo?

Minahal mo ba talaga ako? Bakit kaya mo akong tiisin? Baka tama ka, Hindi sasang ayon ang mundo sa ating nadarama. Pero di ba tayo ang gumagawa ng ating tadhana? Baka nga hindi tayo ang naka tadhana para sa isa't-isa. Ayaw mo ako maging parte ng iyong kasalukuyan. Sana hindi ka na lang din naging parte ng aking mundo.

Madaming katanongan sa aking isipan pero ni isa ay hindi na masasagot. Magiging palaisipan na lamang. Iaasa sa panahon na ikaw ay makalimutan. Hindi na ikaw ang dating nakilala, hindi na ikaw ang dating iniibig. Ibabaon na lang lahat sa limot ang nakaraan. Mahal kita ng sobra pero nakalimutan ko ng mahalin ang aking sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tanong Na Walang KasagutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon