***
Sa twing nakikita ko sya hindi ko mapigilan ang mapanganga, sa sobrang macho nya at sa sobrang gwapo nya. Idagdag mo pa ang pagiging varsity player nya grabe na.
Sa twing napapanganga ako lagi to the rescue ang kaibigan kong si Rey, mabait at matalino. Hindi ko ba alam kung ano ang gusto neto eh, kung babae ba o lalake, kasi minsan nagagwapuhan sa mga lalake tapos minsan nagagandahan sa mga babae basta ang gulo.
"Mahal, tara na kain na tayo!"
Yaya sakin ni rey at oo, mahal ang tawagan namin pero hindi kami haha trip lang namin.
"Ok, po mahal! Saan ba tayo kakain?"
"Malamang sa quek quekain may iba pa ba?"
"Hehe. Tinan0ng ko lang malay ko ba naalog yang ulo mo at ilebre m0 ako sa jollibee."
"Sus, wag ka ng umasa. Tara na!"
Ang sweet nya nuh, ang sarap sapakin, mangyayang kumain sa quekquekan lang naman at ito pa! KKB, kanya kanyang bayad. Fish tea go0d.
Linggo ngayon at may pasok kami. Oo, kahit linggo may pasok kami pero mula lunes hanggang miyerkules wala kaming pasok bale 4 na araw ang pasok namin.
Isa sa mga inaabangan ko ay yung praktis ng mga varsity player. Twing linggo din kasi yun at ang maswerte lang ay may free time kami lage. Huhu. Grabe ang galing talaga ni Gelo, ang crush ko.
Lagi silang nag fefriendly game tapos si crush hataw ng hataw, two points ng two points. Ako naman tamang no0d lang. Syempre hamak ng fan nya lang ako. Hmm. kasad naman.
"Mahal, ang galing ng crush mo ah?"
"Syempre nandito ako eh."
"Landi mo!"
"Che!"
"Mahal, nakatingin sayo oh."
Sabi ni rey kaya agad akong napatingin.
"Hindi naman eh!"
Ayun kinurot kurot ko sya.
"Aray! Aray!"
Ang sweet naming tignan, haha, kaya tuloy pinagtitinginan kaming dalawa ng mga students. Tapos na yung free time namin kaya pumasok na kami.
THURSTDAY
Umaga ang pasok namin, P.E., kaya naman maaga ako pumasok, wala pa si rey, natraffic ata, anlayo kasi ng bahay nun eh.
Tumambay muna ako sa may upuan na parang putol na puno tapos may lamesa din na parang putol na puno.
Nakayuko ako kasi hinahanap ko yung suklay, magsusuklay sana ako pero napansin ko na biglang may umupo sa harapan ko. Hindi ko muna pinansin tapos ng patuloy ako sa pag hahanap ng suklay. Nung makita ko na bigla ko inangat yung mukha ko at sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw. Grabe parang tuod ako nun.
He smile.
"Mis, ok ka lang?"
Hindi ako makasagot. Ayaw gumalaw ng katawan ko.
"Youho!"
Kinaway kaway na yung kamay nya sa harapan ko.
Nang bumalik na ko sa katinuan agad ko syang sinagod ang kaso lang nabubulol ako.
"O-o-ok lang ako."
"Ah, hi! Im angelo."
He smile again.
Grabe ready na akong mamatay. Right now. At alam ko ikaw si angelo, crush kaya kita nuh.
Nag smile na lang ako.
Tapos may mga dumating na mga lalake, at tinawag na sya. Ayun umalis na sila.
Pagkaalis nya para ako baliw nag lumpasay ako sa sobrang towa grabe! Kilig na kilig talaga ako sobra.
Tapos sinira lahat ni rey ang m0ment ko ng bigla nya akong batukan.
Hoy! Anyare sayo at para kang baliw?
Ewan ko sa yo!
Tara na nandyan na si maam.
Ako naman lumakad lang na nakangiting tagumpay.
CLASSDISMISS
**********************************************************************************
Dear diary,
Grabe, sobrang gwapo nya sa malapitan, at ito pa nag HI! Sya sakin. 0 my god! Im g0nna die na! Grabe mukha ako tanga kanina. Nabigla lang ako kasi dati sa court ko lang sya nakikita. haaaaah! Kinikilig talaga ako.
***********************************************************************************
BINABASA MO ANG
Diary ng Feeling Pretty
Teen FictionLove is something unexplainable. it comes and it goes. Hindi natin alam kung kailan ito darating at kung kailan aalis. Sometimes Destiny play game for those people who didn't believe with it. Wag malito! Dahil ang destiny ay ako! Wag shunga! Please...