ß∞ɧ Wedding Dress (one-shot)

131 5 3
                                    

©2012 BlurredHeart

All rights reserved. These stories or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.

LALALALALALA~

" WAAAHHH! Ang duga duga mo! "

" Wala talo ka talaga! Ako na ! " pero ayaw pa rin niya ibigay ang psp sa'kin. Ang babaeng 'to talaga! Hindi siya titigil hangga't hindi niya ako natatalo. Eh ako naman laging panalo sa'min!

" Hmmp! Saglit lang Jay! Wag ka makulit please! " seryosong seryoso talaga siya sa laro. At hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kaniya. Ang ganda ganda niya. Sobrang ganda niya. Hindi ko maipaliwanag kong anong meron sa mukha niya pero maganda siya. At hindi lang sa panlabas niyang anyo, kahit sa loob niya, maganda din. Kaya nga--

" BOOO! " at nakita ko na lang na ginulat ni Xavier si Cindy. 

" Arggh! Ang pasaway mo! Hays! "

" Eto naman.. " at nilapit niya ang mukha niya kay Cindy. 

" HAHAHA! YES! Tignan mo Jay! Look how great I am! Nalamangan kita! " at tumawa nalang ako! At nagtawanan kami. 

Masaya na akong makita siyang ganyan. Ang pinakamamahal kong Cindy.

+++

" Akala mo naman ang ganda ganda nila! " at inirapan niya yung mga babaeng nakatalikod na sa'min. 

Ganito kasi ang nangyari.

Nagtatawanan kami ni Cindy at dumaan yung grupo ng mga babae at sinabihan siya na wag lalapit kay Xavier. Siguro may gusto yung kay Xavier. Eh hini ata nila alam na magkakaibigan kaming tatlo mula pa noong mga bata kami. Hays! Mga babae talaga!

" Halika na nga Jay! Nakakainis talaga sila! Mga insecures! "

ß∞ɧ Wedding Dress (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon