Chapter 23: Hopeless

103 13 19
                                    

Chapter XXIII: Hopeless

Bella's POV

"Magkape ka muna."

Napamulat ako nang marinig ang nanay ni sir Tyrron na si Yula mula sa pintuan na may dala-dalang tray na naglalaman ng dalawang baso. Halatang mainit pa ito dahil umuusok pa.

Tiningnan ko muna si Vee sa gilid ko bago ko hinrap si Yula. Nagpalit-palitan kasi kami ng bantay sa kanya kagabi.

"Anong oras na ba po? "

"Alas syete na ng umaga. " Napatingin ako sa orasan ko sa sinabi nya. Ilang oras ba akong nakatulog? Bakit parang antagal? Buti na lang at walang nangyari kay Vee.

Inabot niya sa akin ang isang tasa ng kape bago kinuha nya naman ang isa at umupo sa harap ko.

Ngayong kami na lang ni Yula sa loob napansin kong magkahawig nga talaga sila ni sir Tyrron. Parehas sila ng hugis ng ilong at labi maliban na lang sa mata.

"Kung hindi nyo po mamasamain, sa inyo po ba ang bahay na ito? " pagpapasimula ko sa usapan.

"Ah hindi iha. Bago namatay ang asawa ko dito kami dati nakatira. Pinamana pa itong bahay na ito mula sa mga magulang nya. Hindi nga din namin maintindihan kung bakit sa gitna pa ng gubat nila itinayo ito. Ngunit sabi naman ng asawa ko mas mainam na daw iyon upang mas matiwasay. " Napangiti ako sa sinabi nya. Mahilig din kasi ako sa mga tahimik na lugar.

"Nang natanggap kami ng asawa ko sa organisasyon hindi pa namin alam nun ang tunay na ginagawa nila. Napilitan kaming lumipat dahil masyadong malayo ang lugar na ito sa aming pinagtatrabahuan. Doon na nga binawian ng buhay ang asawa ko dahil sa sakit at labing anim na taong gulang pa lamang si Willson nun. Simula nun hindi na kami nakabalik pa sa bahay na ito. Nang nakapagtapos na si Willson pumasok sya bilang Programmer sa organisasyon. Ilang taon din at nakilala nya ang ate mo. Nung una tutol ako dahil masyadong bata pa ang kapatid mo ngunit nung makita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa ay pumayag na lang din ako.

"Hanggang sa unti-unti nang nabubuo ang pagdududa namin ni Willson sa organisasyon. Marami silang mga pinapagawa sa amin na hindi namin alam kung para saan. Isang araw nalaman ng anak ko na nandudukot sila ng tao. Sa una sinubukan naming huwag makialam ngunit nang malaman naming may kailangan din sila sa ate mo ay nagpasya na kaming tumigil sa pagtatrabaho upang matulungan ang ate mo.

"Bumalik ako dito sa bahay na ito upang manirahan at si Willson naman ay nagpalit ng katauhan bilang Tyrron. Ngunit dumating na nga ang aming kinatatakutan. Nawala ang ate mo. Halos mapunit ang puso ko nun habang pinagmamasdan ang anak ko kung gaano sya nasaktan. Hinanap nya ito ng hinanap hanggang sa isang araw ay may nabunggo sya at yun nga ay si Stephanie. Parehas naming napagpasyahan na dito na lang muna sya mamalagi para na rin sa kaligtasan nya at simula nun kami ng dalawa ni Stephanie ang nakatira rito. "

Napatango na lang ako sa lahat ng kanyang kinuwento kahit nauna nang sinabi sa akin ni ate ang ilan sa mga iyon.

"Hmmm." Sabay kaming napalingon ni Yula sa direksyon ni Vee at laking tuwa ko nang makitang unti-unting bumubukas ang mga mata nito.

"Vee, Vee, are you alright? " Sinubukan nyang tumayo ngunit pinigilan ko sya.

"Shhh, take a rest. Don't force it. "

"Tatawagin ko lang si Stephanie at William," pagpapaalam ni Yula at lumabas.

"What happened? Where are we? "

"I'll explain everything to you later. Just take a rest first. You had lost a lot of blood. "

Biglang bumukas ang pinto at niluwal nun sina Yula, sir Tyroon at Stephanie. Mabilis na lumapit si ate kay Vee at gulat na gulat naman si Vee sa nakita.

After Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon