Chapter 34

66 2 1
                                    

FINALS

Halos ingudngod ko na ang ulo ko sa desk ko dahil finals na mamaya at hindi ako nakapag aral masyado. Well nakapag aral naman ako, pero alam mo yung hindi ka pa confident na masasagot mo ba ng tama yung mga tanong

O kung may masasagot ka

"Oh, anyare sayo dyan? Nagmumukmok?"

Nag angat ako ng tingin, only to see Kevin looking at me concerned

Oh, oh, oh, hindi ko boyfriend yan. Matalik ko syang kaibigan dito sa London

"Eh hindi ako sigurado kung may masasagot ba akong tama mamaya sa finals" problemado kong sabi sa kanya

He looked at me disbelief, "Really Kee An? Ikaw pa ngayon ang nomomorblema? Sino kaya yung nasa DL mula first year college hanggang ngayong fifth year"

Umiling ako. I know he's just comforting me by using those words pero hindi gumagana sa akin ngayon. Ibang usapan na pag finals na at 5th year pa!

Anak ng tinapa naman!

"Lets go, baka mahuli pa tayo sa room" aya nya sa akin at tumango ako

Nandito kasi ako sa library kung nasaan nya ako nakita kanina. Sabay kaming naglakad papunta sa room kung saan magaganap ang finals

Hindi nag tagal ay pumasok na ang prof namin na magbabantay ngayong finals namin. Ito na ang huling araw namin bilang estudyante at bilang college. After namin ipasa at grumaduate sa pag aaral na ito

Boom! Hello real world na!

Walang kung ano-anong intro na sinabi yung prof at agad na pinapasa yung mga papel at questionnaire papuntang likod. Since nasa harap ako nakaupo, ako ang unang nakatanggap at nakakita ng mga papel

Oh, help me God

Minutes passed by like a blur at natapos nga namin ang finals. Ngayon, inaabangan nalang namin ang resulta ng exam kung pasado ba kami o bagsak

"Oh, tapos na Holy week pero yung mukha mo pang Biyernes Santo pa rin" biro sa akin ni Kevin paglabas namin ng room

Inakbayan pa nya ako at bahagyang ginulo buhok ko, "Umayos ka nga. Think positive Kee An. Ikaw pa eh halos lumuhod na nga sayo si dean dahil sa sobrang hanga at talino mo"

Umirap ako sa kawalan, "Not now. I feel drained"

Narinig kong tumawa sya, "Then lets go outside. My treat"

Kahit tinatamad ay tumango nalang din ako. Baka makatulong pa nga kung magliwaliw kami ni Kevin dito bago ako umuwi. Nga pala, si Kevin ay British-Filipino. Yung nanay nya ay British habang ang tatay nya ay Pinoy. Laking Samar sya pero lumipat silang pamilya dito sa London nung 1st year high school nya

"Ice cream parlor tayo, tara" aya nya sa akin at hinatak ako sa palgi naming pinagtatambayan na ice cream parlor

I can see alot of University students na tumatabay rin dito. Mukhang nandito sila upang pagaanin nila sarili nila

"Hi mam, sir. May I take your order?" Tanong nung babae na nasa cashier

"Two Burnt Butter Caramel" sabi ni Kevin sa cashier

Agad namang binayaran ni Kevin yung ice cream namin at kinuha iyon. Pumwesto kami dito sa magkaharapan na upuan malapit sa door ng ice cream shop

"Kelan ka uuwi sa Pilipinas?" Tanong nya sa akin habang kumakain sya

Tinignan ko sya, "Siguro after graduation na. Kailangan ko pang kunin yung diploma ko dito"

Tumango tango sya, "Sana makasama ako. Kaso wala kasing maiiwan sa kapatid ko"

Crazy Enough To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon