September, isa sa maulang buwan ng taon.
Kasama ko ang bestfriend ko. Napaaga ang pasok namin dahil galing kaming practice para sa project namin.
Sa public kami nag aaral kaya asahan nyong half day lang talaga ang klase. May pang umaga at pang hapon, at dahil 2nd year kami sa pang hapon kami.
Naisipan namin ng kaibigan kong si Eya na pumunta na kaagad sa room kasi patapos na rin naman ang klase ng mga 3rd year.
Nagsilabasan na nga sila eh.
Nagulat ako ng may lalaking papalapit kay Eya.
Tall
Dark
And handsome
Yun agad ang unang naisip ko ng makita ko sya.
"Ate Ella, peram ng payong pwede?"
"O sya sya sige, basta pag umulan mamayang uwian namin pumunta ka dito sa school at ibigay sakin yang payong."
"Hahaha, opo ate Ella."
"Tol, sino yan? Bagong chikks?"
"Di ah, kaibigan ko lang to. Ate Ella una na ko."
"Geh, bye."
Tulala pa rin ako at gulat na gulat. O_O
"Uy! Bhie anong nangyare sayo?"
"Ha? Ah wala. Sino yun?"
"Ano ka ba Bhie! Sya yung sinasabi ko sayong childhood friend kong gwapo. Sya si kuya Vj."
"Shete lang Eya! Gwapo nga! Kyaaaah! Crush ko na sya!"
"Nakks! Agad agad? Ano to Love Rain?"
"Kyaaaaaah! Ipakilala mo ko sa kanya ah!"
"Okay. HahahaXD!"
Simula ng araw na makilala ko sya, di na sya naalis sa isip ko.
Palagi ko din syang napapaginipan.
Maaga na rin akong pumapasok para lang makita sya.
At sa tuwing nakikita ko sya, bumibilis ang tibok ng puso ko na para bang may mga nagkakarerahang kabayo.
Feeling ko may nagsasayawang libo libong paro paro sa tyan ko.
At higit sa lahat parang nag iislowmo ang buong paligid at sya lang ang nakikita ko.
Ewan ko ba, baliw na ata ako. Baliw sa kanya.
BINABASA MO ANG
My First Love is a Cassanova who break my Heart.
Novela JuvenilAuthor's Note: Ang storyang ito ay hango sa TUNAY na storya ng aking Bestfriend na si Bhie. Binago ko ang mga pangalan at lugar sa kadahilanang may mga dahilan ako. Bow. Magustuhan nyo po sana ito. Pakipagtyagaan na rin ang intro, walang prolouge...