MY SERENDIPITY (PART 1)

249 3 1
                                    

Ako'y nandito sa isang palengke sa aming probinsya.

Naghahanap at bibili ng gulay at iba pang pagkain upang ihanda saming umagahan.

"Ginang magkano ang iyong gulay?" tanging tanong ko sa isang ginang.

"Nako iha, libre na iyan, kunin mo na" sagot nito.

Ako'y nagulat dahil sa kaniyang sinabi.

"Pero ginang kailangan niyo din ng pera upang may pangtustos kayo sa inyong pamilya" ani ko. Sabay kuha ng gulay na aking bibilhin at bigay ng pera sa matandang ginang na nasa animnapu na ng edad.

"Kuhanin niyo napo yung bayad ko sa inyo ginang" sabi ko at ngumiti.

"Maraming salamat iha, nawa'y ikaw ay gabayan ng panginoon lagi, napakabuti mong dilag" sagot nito.

Ako'y napangiti sa kanyang sinabi.

Agad akong umalis, dala dala ang aking paninda ng biglang

Bigla nalang akong nahilo at nandilim ang aking paningin.

Ang huli kong nakita ay isang karwahe na nakapatong sakin.

Ako'y nagising sa lugar kung saan hindi ko alam.

"Nasan ako?" tanging ani ko na may halong kaba at takot.

Napapaligiran ito ng mga puno, sobrang dilim at iilan lang ang mga hayop.

"Panginoong Diyos, ako'y gabayan mo kung nasan man ako ngayon." mangiyak-ngiyak kong sabi.

Ako'y naglakad upang hanapin kung saan ang labasan ng ganitong lugar.

Ngunit ako'y nabigo, dahil nadin sa gutom at pagod ako'y nagpahinga sa ilalim ng puno.

Nang biglang may isang matandang ginang lumapit sakin.

"Iha anong ginagawa mo dito?" tanong ng ginang sakin.

"Hindi ko po alam ginang kung bakit ako napadpad dito" may kabang sagot ko.

"Halika ka iha, alam ko kung saan ka makakalabas dito" ani nito at kinuha ang aking kamay.

Wala akong magawa kundi sumunod sa matandang ginang na kasama ko.

Sa haba ng aming paglalakad naabot nadin namin ang lugar kung saan yung sinasabi niyang labasan.

Nandito kami ngayon sa tapat ng isang malaking pintoan.

"Iha, may isang mission akong ipapagawa sa iyo" seryosong ani nito.

"At ano naman po iyon ginang?" kabadong sagot ko.

"Ngunit kailangan mo ito matapos ng dalawang buwan, May isang lalaking kailangan mong bagohin ang kanyang ugali kapalit na ika'y makalabas dito" ani nito.

"Siya ay nag ngangalang Sora, isang lalaking sobrang sungit, anak siya ng isang gobernador sa lugar na iyong patutungoan"

"Saan ko po makikita ang lalaking tinutukoy niyo ginang?" nalilitong tanong ko.

"Hali ka dito iha" sabi nito.

Hinala ako ng ginang papalit sa isang malaking pinto.

Dahan dahan niya itong binuksan at

"Hanggang sa muling pag kikita natin iha" ani niya.

At tinulak niya ako papasok sa isang malaking pinto.

Nagising ako sa ingay ng isang orasan sa tapat ng aking higaan.

Nasa isang magarbong kwarto ako.

Teka ako'y nagugulohan sa nangyare.

"Magandang umaga, señorita" sabi ng isang babaeng na nakauniporme.

"Asan po ako ngayon?" litong lito kong tanong.

"Nandito po tayo ngayon sa inyong mansion, señorita" masayahang ani nito.

Lumabas ako sa aking silid at na pasabi

"Ako'y nasa bagong henerasyon, ang gara ng bahay na ito."

Naalala ko ang sabi ng matandang ginang sakin "May mission akong ipapagawa sa iyo iha, kailangan mo ito matapos sa loob ng dalawang buwan, May isang lalaking kailangan mong bagohin ang kanyang ugali kapalit na ika'y makalabas dito, Siya ay nag ngangalang Sora, isang lalaki sobrang sungit, anak siya ng isang gobernador sa lugar na iyong patutungoan".

Simula na ito ng aking mission at kailangan ko ito matapos sa loob ng dalawang buwan upang ako'y makaalis dito.

"Anak may irereto kami sayo." ani ng ina ko sa panahong ito.

"Sige po inay, sino po iyon?" ani ko't ngumiti

"Aba anak Sein, bakit bigla kang nagbago? Noon kapag may irereto kami sayo ay tumakbo ka at hindi babalik ng isang araw. At saan nanggaling yang 'po' na yan?" sabi ng inay ko.

At bakit Sein ang pangalan ko? Diba si Seinna ako?--ah oo pala, naghiram lang ako ng buhay at katawan.

Kung ganon, may pagkasungit pala ang nagmamay-ari sa katawang ito?

Kailangan kong magpanggap.

"Aba syempre biro lang iyon." sabi ko't tumawa at tumakbo gaya ng paglalarawan ng ina sa nagmamay ari ng katawang ito.

Lumabas ako sa mansyon nang may nabangga ako.

"Tsk. Sino kaba? Tumabi ka't para makatakas ako." sabi ng isang lalaki.

"Paumanhin po, pero bakit po kayo tumakas?" ani ko.

"Tss. May irereto ang mga magulang ko DAW saakin." sabi niya.

"Pareho pala tayo! Pero paumanhin ginoo at pwede bang malaman ang pangalan mo?"

"Ang pangalan ko ay Sora kaya tumabi kana kung sino ka man at AALIS. NA. AKO."

Nanlaki ang mata ko.

"Isama mo ako ginoo!" maligayang sambit ko.

"SORAKUN!!! BUMALIK KA DITO" may sumigaw na matanda.

"Sora ang pangalan ko, Lintek na matanda" mura ni Sora at hinila ako para makatakas kami.

Nasa tabi kami ng ilog tumatago at nag uusap usap sa mga bagay. Ang sungit nga niya.

Ang dumi na ng ilog sa panahong ito. Ang usok galing sa mga sasakyan ay nabaguhan ako. Gilid sa mga bahay ay may basurang nagkakalat.

Hindi ako makapaniwala kung anong ginawa nila sa mundong ito sa makabagong henerasyon.

"Hoy, ano pala ang pangalan mo?" nagulat ako kasi ngayon lang siya nagtanong saakin, madalas kasi ako yung nagtatanong ay ang sagot niya'y palaging maikli.

"Ako si Seinna" ngiti kong ani.

Nakita kong natigilan siya at may sumibol na ngiti sa kanyang labi.

"Ikaw pala si Seinna. Maghanda kana binibini."

note: this has a three part, and a collab story with a friend

ONE SHOT STORIES (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon