Kabanata 25

400 20 7
                                    

Nakakapagod ang araw na ito dahil nag-usap na kami ng mga kagrupo ko para sa research namin,sayang lang at hindi ko kagrupo si aira

Sobrang pagod ang utak ko kaya hindi ako masiyadong nakipag-usap kela aira ngayon pero bukas babawi din ako sakanila

Nag-paalam na kami sa isa't isa ni aira at hindi naman namin nakita sila shina kaya nauna na kami pareho

Habang nag-lalakad ako naisip ko bigla na pumunta sa 7-eleven at bumili ng ice cream,para sana sumigla ako

Pumunta na ako agad dito at binili na ang ice cream na gusto ko,ayoko namang tumambay sa 7-eleven at pupunta sana ako sa park pero ang daming mga couple na naglalampungan,mag-break sana kayo

Kaya naman napag-isipan kong sa playground nalang pumunta,hindi pa man ako nakakalapit nakita ko na agad ang lalaking naka-upo sa swing habang nanunuod sa kaniyang cellphone at walang pake sa mga batang nagtatakbuhan sa harap niya

Mabilis akong tumakbo papunta sakaniya pero bigla kong naisip kung bakit ba ako nagmamadali,kaya binagalan ko ang pag-lalakad ko papunta sakaniya

"Hoy",tawag ko sakaniya

Bigla naman niya akong napansin at natawa bigla

"Sabi na nga ba", natatawa niyang sinabi

"B-bakit!?",mataray kong tinanong

"Kapag talaga last episode na ako ng anime na pinapanuod ko dun ka sumusulpot",tinanggal na niya ang earphone sa tenga niya at tumingin lang sa'kin

Tumabi ako sa swing na inuupuan niya

"Close ba tayo dati?", tanong ko sakaniya habang naka-tingin sa kalangitan

"Hinde", matipid niyang sagot

Napa-tingin ako sakaniya at medyo nagbago ang expression ng kaniyang mukha

"Bakit naman?", tanong ko

"Simula grade 1 malapit ako sa kinauupuan mo", sambit niya

Naka-tingin lang ako sakaniya at inaabangan ang susunod niya pang sasabihin

"Actually nasa likod mo ako palagi,nakakapagtaka nga at hindi mo ako napapansin", natatawa siya habang inaalala ito

Grabe bakit hindi ko siya pinapansin noon?

"Pero hindi din naman kita masisise,dahil wala akong kinakaibigan sa room at minsan lang ako mag-salita", sambit niya

"At suplado pa!", singit ko sa sinasabi niya

"Ang ganda mo dati", tumingin siya sa'kin kaya't agad naman akong namula sa sinabi niya

Pero "DATI!?", so ibig sabihin hindi na ako maganda ngayon!?

"Anong dati!?, maganda pa din naman ako ah!", reklamo ko sa sinabi niya

"Pinagmamasdan lang kita palagi noon,sa tuwing mag-jojoke ka sa mga kaibigan mo,sa tuwing iiyak ka kasi nawawalan ka ng lapis,at sa pag-mamaktol mo tuwing nauubusan ka ng soup sa canteen", natawa kami pareho sa mga sinasabi niya

Oo,naalala ko ang mga 'yon noong bata ako,tanging siya lang ang hinde dahil siguro sa sobrang katahimikan niya

"Sayang kung napansin kita dati pa edi sana magbestfriend tayo ngayon tulad ni aira", sambit ko

"Hindi mo ako mapapansin noon dahil never mo ako tinignan",sabi niya sa akin habang seryoso ang mukha

Medyo nasaktan ako para sakaniya dahil sa sinabi niya pero anong magagawa ko?, bata pa ako noon

"Sorry",mahina kong sinabi

"Bata pa naman tayo noon,tignan mo ngayon ikaw na nanggugulo sa akin", sambit niya

Nginitian ko nalang siya at bigla kong nahalata na nabigla siya sa pag-ngiti ko kaya umiwas siya ng tingin

Ano nanaman kaya ang problema nito?

"Malapit na gumabi,delikado na sa daan umuwi ka na", utos niya sa'kin

"Edi ihatid mo ako!", biro ko sakaniya at bigla siya tumayo at inayos ang uniporme niya

"Tara na", aya niya sa'kin

Nabigla ako sa sinabi niya dahil biro lang naman ang sinabi ko,hindi ko akalaing seseryosohin niya

Pero hindi ko din alam bakit ako tumayo bigla at nag-lakad din kasabay niya

Habang nag-lalakad kami ay may makakasalubong kaming mga grupo ng lalaki na galing ata sa pagbabasketball at nagulat nalang ako ng paurungin ako ni estevan sa gilid niya

"Para safe", mahina niyang sinabi

Aaminin kong kinilig ako sa ginawa niya at hindi ko alam kung bakit

Dahil sa pag-urong niya sa'kin naamoy ko ang kaniyang polo,sobrang bango nito,ayoko na ialis ang ilong ko dahil sa amoy nito

Estevannnnnn paamoyyyyy

Sininok ako bigla dahil sa mga iniisip ko at narinig naman ito ni estevan

Bigla nalang niyang binuksan ang bag niya at binigay sa'kin ang tumbler niya

"Inumin mo", utos niya sa'kin

Ininuman ko din naman ito at naisip ko na iniinuman din ito ni estevan,edi parang nahalikan ko na siya!!

at hindi ko namalayan na andito na pala kami sa tapat ng bahay

"Dito na pala ako estevan,thank you s--", hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nasinok ako bigla

"Walang anuman,iuwi mo na muna yan,bye", sambit niya at dumiretso na para umalis

Tinignan ko ang tumbler niya,hindi ko alam bakit ako napapangiti habang tinitignan ito

Nawala ang pagkalamya ko buong araw dahil kay estevan

Ano kayang nangyayare sa'kin?

Nababaliw na ba ako?

Jusko

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon