CHAPTER 15

24 8 0
                                    

Sharpton POV

Dahan dahan kaming naglakad ni harnold papalapit kay kila Tanasia

At nag silabasan naman ang mga katauhan ni harnold at pinalibutan silang dalawa

Nagulat ako ng makita ko si Tanasia na nakangisi samantalang si margo ay nanginginig na sa tabi niya

"T-tanasia anong gagawin natin? Natatakot na ako..."sabi ni margo at lumapit naman siya lalo kay tanasia

"Haring Harnold na mukhang Hotdog???HAHAHA akalain mo yun dito kalang pala nagtatago"kalmado na sabi ni tanasia kay harnold

Nagulat ako ng malaman niya na si harnold ang katabi ko kahit nakamaskara na ito

"Perfect timing nga ang dating mo eh...."siga na sabi harnold

Tahimik lang ako sa tabi ni harnold at hindi nagsasalita para hindi malaman ni tanasia na ako ito

"Sino bayang katabi mo??"sabi ni tanasia na tinititigan ako

"wala kanang pake dun..."sabi ni harnold at hinawakan ako sa balikat

"bat ayaw mong mag salita??"bulong nito saakin

Umiling lang ako dito, nakita ko si tanasia na may nilabas sa bulsa niya na kung ano

"ito na nga ang tamang oras para pabagsakin kita tanasia..."sabi ni harnold

"attakeee!!!"sigaw niya sa mga katauhan niya na nakapalibot kay kila tanasia

"Wait!!"sigaw ko pero hindi ako narinig ng mga ito

Napatingin ako kay tanasia sa sobrang bilis ng galaw nito, pinaikot ikot niya sa kamay niya ang balisong at pinag sasaksak sa mga kamay at braso ang mga tauhan ni harnold

Napalunok ako at aatras na sana kaso bigla akong pinatigil ni harnold

"wag kang tumakas..."sabi nito

Wala akong nagawa kundi panoodin si tanasia na pinaguubos ang tauhan ni harnold

At mas nagulat ako ng inikot ikot niya nanaman ang balisong niya at binato ito na parang dart papunta kay harnold

"ugh!!!"sigaw ni harnold ng tumama sa braso niya ang dart at ito ang dahilan ng pag bagsak niya sa sahig

Syems!!!!paano na ako.....

Nakangising lumapit si tanasia papunta kay harnold at inupuan niya ang dibdib nito

"yun naba yun??.."sabi ni tanasia kay harnold

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil alam kong isang hakbang ko lang paatras ay ibabato niya saakin ang balisong niya

"so basic....mahina ka talaga..."sabi ni tanasia at hinila ang nakabaong balisong nito sa braso ni harnold

"ahhggghhh!!"sigaw ni harnold sa sakit

Huhuhu....bakit naman ngayon pa ng yari ito..

Dahan dahan akong umatras para tumakas pero...

"wag kang gagalaw.."bulong na sabi ni tanasia

Tumayo ito at lumapit saakin ng dahan dahan

Mamamatay tao pala siya....huhuhu..

Napatingin ako sa balisong niyang may tumutulo pangdugo

"natatakot ka ba??"sarkastiko nitong sabi saakin

Dinikit niya sa leeg ko ang balisong niya

Eto naba katapusan ko??? Hindi ko pa nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko...

"ikaw na ata ang pinagyayabang ni harnold na prinsipe HAHA sobrang corny..."bulong nitong sabi

Nararamdaman ko ang pawis ko na tumutulo na sa mukha ko sa sobrang kaba at nararamdaman ko ang blade ng balisong nito sa leeg ko

"Huy tanasia!!!"sigaw ni margo

Napalunok naman ako at naramdaman ko ang adams apple ko na tumama sa balisong niya dahilan ng pagdugo nito

Biglang hinila ni tanasia ang maskara ko kaya agad akong nagulat

"S-SHARPTON?!!"sigaw nito sa sobrang gulat ay nabitawan niya ang balisong niya

"ako nga..."nakayuko kung sabi sakanya dahil sa sobrang hiya

Agad naman lumapit saakin si margo at nagaalalang tumingin saakin

"okay ka lang ba??"sabi ni margo at tinignan ang leeg ko na bahagyang dumugo

Itinulak ko siya ng bahagya sakin dahil halos mag yakap na kami

"o-okay lang ako wag na kayo mag alala..."sabi ko at hinawakan ang leeg ko

"traydor ka sharpton!!!"sigaw ni harnold na nakatayo na at inaalalayan siya ng katauhan niya

"hindi ito ang huli nating pagkikita kaya mag handa ka..."sabi nito at tumakbo sila paalis

Lumapit saakin si tanasia at binigyan ako ng panyo

"para saan yan??"sabi ko dito

"kainin mo...syempre ilagay mo sa leeg mo"sabi nito at nilagay sa leeg ko ang panyo

Medyo nailang ako sa ginawa niya kaya nilayo ko ito

"ako nalang kaya ko naman.."sabi ko at kinuha ang panyo sa kanya at nilagay ko sa leeg ko

"Buti naman alam mo.."sabi nito at dinampot ang balisong niya

Pinunasan niya ito gamit ang braso niya

"uy!!akala ko ba lilibutin natin itong buong building??wala naman na sila diba?"sabi ni margo na kinalabit si tanasia

"aalis na ako.."naka ngiting sabi ko sa kanilang dalawa

"wait!!sumama kana saamin tutal wala naman kaming kasamang lalaki kaya ikaw nalang"sabi ni margo at tinapik ang balikat ko

"eh?!yan si miss tanasia nalang magaling naman siya makipaglaban eh..."sabi ko at tumingin ako kay tanasia na nakatingin rin saakin

"eh basta!!diba kaibigan mo naman may ari nito edi ilakbay mo na kami!!"sabi ni margo saakin

Napakamot naman ako sa ulo at tinitignan ko silang dalawa dahil parang ayaw naman ni tanasia

"sige papayag ako...."bulong ni tanasia

Napatango nalang ako dahil sumangayon na si tanasia

"Yes!!"malakas na sigaw ni margo at pumunta siya sa kotse na pula

"ikaw..."sabi ni tanasia na masamang nakatingin saakin

"ano?"sabi ko dito

"may gusto lang akong itanong sayo.."sabi nito

Lumapit naman ako ng dahan dahan sakanya dahil ang mukha nito ay hindi ko malaman

"isa ka din ba sa myembro ni harnold?..."sabi nito

"a-ah hindi!...."sabi ko at umiling iling pa

"then bakit ka niya kilala at bakit ka dito nag punta?"sabi nito

"gusto lang naman niya akong imbitahan at mag inuman kasi matagal na kaming hindi nag kikita.."
Sinabi ko sakanya ang totoong dahilan ko

"bakit ka nga niya kilala?...."tanong nito

Napakamot ako sa ulo dahil sa kaba at kung ano pang isipin niya

My Perfect LawyerWhere stories live. Discover now