Take Her to the Moon (One shot)
Sa buhay ng babae, ang pagpapakasal ang isa sa mga pinakamagandang tagpo ng kwento. It is one of the best dream for every girl to marry the man of their life. To build a family with him. To grow old together. To keep their vows in each other until their last breathe. Such a beautiful scenery.
Happy reminiscing the old days...
"Mara Alejandro, ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Pwede ba kitang ligawan?" mas lalong nagsigawan ang mga tao sa gym. At lahat sila ay nakatingin sakin. Napatingin naman ako sa taong nasa unahan na may hawak na tsokolate at rosas na ngiting-ngiti, tila ba ay hindi niya alintana ang nakapaligid na tao sa amin.
"Oo o oo?"
"O-oo?"
"Yes, pinapayagan kita." tinanggap ko ang bigay niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Sismars! Ang swerte ni Mara kay Papa Mark, no'?" kinikilig na sabi ng isa sa mga babaeng nakapaligid samin.
"Sinabi mo pa!" kinikilig na sagot ng kanyang kasama.
Oo nga, swerte ako sa kanya. Kasi siya lang naman si Mark de Guzman. Hinahangaan ng karamihan sa aming unibersidad.
Oh well!
Sino bang hindi mahuhumaling sa kagwapuhan niyang taglay at magandang kurba ng katawan? Kahit siguro bakla ay mapapalingon at ang mga tomboy ay baka bumalik na sa pagiging babae. Kidding aside.
Siya kasi yung tipong pang boy next door ang datingan. Para bang lahat ng hihilingin mo sa isang lalaki ay nasa kanya na. He is just to good to be true.
And hindi siya mahirap magustuhan at mahalin.
"Sinasagot na kita." sambit ko sa kanya habang naglalakad kami sa dalampasigan.
"Nabibingi na ata ako, paki-ulit nga!" napatawa naman ako sa reaksyon niya. Para siyang bata na nakakita ng laruan.
"Ang sabi ko tayo na!" natatawa ngunit kinikilig kong sabi. Bigla naman niyang akong binuhat at niyakap ng mahigpit na akala mo ay wala ng bukas.
"Ito na ang pinakamagandang regalong natanggap ko sa buong buhay ko. Di ka magsisi na sinagot mo ako. I love you." hinalikan naman niya ako sa labi. Hindi ko alam kung saan ko pa ilalagay ang kilig na nararamdaman ko.
"I love you too."
Ang mga oras na yun ay isa sa mga masasayang oras sa buhay ko.
"So, anong gusto mong tawagan natin?" nangingiti niyang tanong sakin.
Hmmm... ano bang maganda?
"Uhm. Baby? Babe? Sweetiepie? Honeypie? Applepie? Love?" suggest niya sakin. Hala! Ang babaduy naman.
"Ay alam ko na! Hubby at wifey!" masigla kong sabi sa kanya. Uso kasi yun ngayon at cute pakinggan. Napangiti naman siya sa sinabi ko at kinurot ang ilong ko.
"Okay wifey, yun nalang. Duon din naman tayo patungo, asawa ko." and that time, narealize ko na. Siya nga ang gusto kong mahalin until the end. Gusto ko ako yung makikita niya tuwing magigising siya sa umaga. Morning kisses and hugs. Gusto ko siyang ipagluto at ipagtimpla ng kape bago pumasok ng opisina. Gusto ko siyang imasahe pagkakadating sa bahay. I wanna grow old with him.
Nasa may veranda kami ng bahay nila habang pinagmamasdan ang buwan. Ang ganda at ang liwanag nito.
"Gustong-gusto mo talaga pagmasdan ang buwan, ano?" bulong niya sakin habang nakayakap sa likod ko.
YOU ARE READING
Take Her to the Moon
Short StoryOne shot Warning: Bitter si author kaya wag mag-expect. Wag mag-expect na sobrang ganda nito dahil baguhan pa lamang ako sa larangang ito. Iyon lang, thank you. Pero hindi ibig sabihin nun, libre lait na. Wala nang libre sa mundo kaya limang piso ka...