"Ano, Shanaya. Mamili ka na." Sabi sa akin ni mama habang nakaupo sa sofa. Kakalabas lang ng result ng exam ko sa isang private school at pumasa ako sa full scholarship program nila. "Mas maganda rito kasi private tapos walking distance lang sa atin. Hindi ka na gagastos sa pamasahe, wala ka pa babayarang tuition." Dagdag ni mama.Ang rason kung bakit niya ako pinapapili ay dahil nag audition ako sa programa na inilulunsad sa isang public school. Programa 'yon para sa mga kabataang may talento sa pag awit, sayaw, pagguhit, at pag arte. Gusto kong matutong sumayaw kaya nag audition ako roon at hindi inaasahang nakapasa ako.
Gusto ko talaga ang programang 'yon dahil maeensayo ako ng husto. Siguro ay magiging masaya ang high school ko roon dahil magagawa ko na ang isang bagay na gustong gusto ko.
Tinignan ko si mama na nag aantay ng sagot ko. Oo pinapapili niya ko at okay naman siya kahit saan ako mag enroll. Pero ramdam ko ring mas gusto niyang pumasok ako sa private school.
Napabuntong hininga ako. Nakapagdesisyon na ko. "Dun na lang sa private school ma."
"Sigurado ka? Pag isipan mong mabuti." Sabi pa niya habang nakatitig pa rin sa akin.
"Sure na ko. Mas practical." Paninigurado ko sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa labi ni mama.
"Sige. Mag enroll na tayo sa isang araw." Tumango na lang ako at binuksan ang tv para manuod.
Makalipas ang isang buwan ay pasukan na. First day at excited akong pumasok. Pero minsan ay naiisip ko pa rin na kung pinagpatuloy ko yung sa public school, siguro first day pa lang nag papractice na kami ng sayaw.
Pinukpok ko ng bahagya ang ulo ko dahil sa isiping 'yon. No but's miss. Nandito ka na kaya panindigan mo na 'to.
Pagkapasok sa room ay tahimik ang mga classmates ko. Syempre hindi pa magkakakilala ey.
May kumaway sa akin at nakita kong si Camille 'yon, katabi niya si Maria at Aira. Nagulat pa ko nang makita sila, dito rin pala sila nag enroll. Mga classmates ko sila noong elementary ako. Nakakahalubilo ko sila dahil madalas kaming sumayaw kapag may event sa school.
Nginitian ko sila at naupo sa bakanteng upuan bandang likod. Wala rin naman pwesto sa tabi nila kaya dito na ko naupo.
Lumipas ang klase ay puro introduce yourself ang ginawa namin. Nakakasawa at hindi naman ako interesado kasi makikilala ko rin naman sila paglipas ng ilang buwan.
Naging normal naman ang takbo ng high school life ko. Napapanatili ko rin ang scholarship ko. Marami ang nalagas sa amin dahil hindi na achieve ang standard average hanggang sa sampu na lang kaming natira. Pilit kami pinaglalaban sa posisyon ng adviser naming masungit pero maalaga naman. Sumasali rin ako sa mga patimpalak at activities sa school.
-----------
Sabado ngayon at walang pasok. Inutusan ako bumili ni mama ng burger para sa meryenda. Habang inaantay maluto yung burger ay natanaw ko ang tatlong lalaki sa tapat ng eskinita papasok sa amin. Sa tabi nila ay mga appliances at kung ano ano pang gamit sa bahay. Ngayon ko lang sila nakita at mukhang bagong lipat sila.
Pinasadahan ko sila ng tingin. Magkakamukha sila at halatang magkakapatid. Payat sila at kayumanggi ang kulay ng balat. Napadako ang tingin ko sa lalaking kaedad ko, isang tingin palang ay mahahalata mo na siya ang panganay sa tatlo. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagtatawanan silang magkakapatid.
"Eto na oh, luto na yung burger." Sabi ni ate Tess sa akin na pumutol sa pagtitig ko sa lalaki. Lumingon ako kay ate Tess at kinuha sa kaniya ang burger at binayaran 'yon.
Habang naglalakad pabalik ay parang kinabahan ako. Kasi nandoon pa rin nakatayo yung magkakapatid, nakaharang sa daraanan ko. Nang makarating sa tapat nila ay nakayuko akong magsalita. "E-excuse me po."
BINABASA MO ANG
Step Close Into Your Heart (One Shot)
Short StoryDance has different impression in our life. Sometimes it means to relax our mind and to exercise our body. Sometimes it means passion and excitement. We also build unexpected friendship and enemies. It also teach us sportsmanship. But dance can also...