Prologue

6 0 0
                                    

𝐇𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐧𝐚 talaga 𝐬𝐢 𝐑𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐧𝐥𝐲 𝐨𝐧𝐞 𝐠𝐢𝐫𝐥𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 𝐧𝐚 𝐬𝐢 𝐀𝐫𝐢𝐳 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐝𝐮𝐧 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠
𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐝𝐚𝐭𝐞. Alam niyang malapit na itong dumating kaya naman ininahanda na niya ang bulaklak at chocolate na paborito nito.

'Tuk tuk tuk tuk'.

Katok ng pinto…

Andyan na nga si mylife Ariz. Kailangan kong maging formal sa kanya. Sinigurado ko munang maayos ang aking sarili bago ko binuksan ang pinto.

"Mylife Ariz, goodmorning. Salamat sa pagdating." sabay yakap ko sa kanya.

"Syempre naman , first date natin to kaya hinding hindi ko ito palalampasin." aniya Ariz.

"Halika rito mylife maupo ka dun sa inihanda kong dining natin." at dun nga ay sabay na kaming naupo.

Nakahanda sa mesa lahat ng pagkain na paborito naming dalawa. Pinakapaborito niya yung spaghetti at leche flan na ako pa mismo ang nagluto para sa amin. Special recipe ko yun. Kahit na isa siyang sikat na artista ay hindi siya maarte kaya naman napakalucky guy ko sa kanya.

Tinitigan ko siya sa muka niya at talagang napakaganda niya. Pero hindi lang yun ang nagustuhan ko sa kaniya. Kundi yung galing niya sa pagkanta.

"Di ko talaga akalain na ang isang artistang gaya mo ay aking akin na talaga." nakangiting sambit ko kay Ariz pagkatapos ay iniabot sa kanya ang paborito niyang chocolate at bulaklak."Napakaswerte ko sa'yo Ron kasi dumating ka sa buhay ko.Huwag mo ako iiwan ha."anya Ariz.

Sobrang sarap talaga sa pakiramdam na yung artista na dati mo lang pinapanood sa telebisyon ay kaharap mo na ngayon, kasama at kadate mo pa. "Yieeeehh, syempre naman Ariz my life." Sobrang sweet sa akin ni Ariz kaya naman talagang hangang hanga ako sa kaniya, na sa sobrang pagkagusto ko sa kaniya ay hindi ko na siya kayang pakawalan pa.

"So tara simulan na nating kainin itong recipe na inihanda ko para sa atin mylife." nakangiti kong pang aalok sa kaniya.

"Sige po Ron. This is my favorite kaya thank you sa pag abala mo ha."

"Walang anuman yun mylife, ikaw pa ba."

Sabay nga kaming kumain ni Ariz at hindi ko itatangging napakasarap ng mga niluto ko.

"Ron may tanong ako." anya Ariz

"Yieehhh Ano po iyon mylife?" sambit ko habang malawak ang aking pagkakangiti.

"Paano kung magkaroon ako ng ka kissing scene sa gaganapan kong palabas balang araw, magagalit ka ba sa akin? Magseselos ka ba?" tanong niya sa akin habang kinakain yung chocolate na binigay ko.

"Ano ka ba 'mylife' , una sa lahat alam mo naman suportado kita sa pinili mong buhay na pag aartista.
Alam kong kahit may iba kang makakakissing scene sa kung ano mang project na gaganapan mo eh ako pa din mahal mo. Pero syempre hindi mo maaalis sa akin ang konting pagseselos kasi mahal kita eh." sambit ko sa kanya habang napakamot sa ulo.

"Ngunit sa kabila nun ay di ako magagalit mylife alam mo kung bakit?" tanong ko sa kanya.
"Bakit Ron?"sagot niya. "Kasi ikaw ang buhay ko eh, hindi naman na isyu yung ganung eksena kasi parte yun ng pag aartista mo, gaya ng sabi ko suportado kita mylife. Mas swerte ako na dumating ka sa buhay ko kasi hindi hamak naman na mas maganda ang katayuan niyo kaysa sa amin. Subalit sa kabila nun minahal mo pa din ako. Ayaw ko na magkahiwalay tayo kaya hindi ko gagawing malaking isyu yung mga ganong eksena mo. I love you my lifee Ariz." matamis na paliwanag ko sa kaniya.

"Ang sweet naman talaga ni mylife Ron. I love you too. Di ko talaga alam ang gagawin ko Ron kung wala ka sa akin. Promise ko sayo na kahit may kakissing scene man ako sa mga gaganapan kong project ay ikaw pa rin ang mahal ko." kinikilig na sabi niya sa akin pagkatapos ay bigla niya akong niyakap nang napakahigpit.

'Tug dug tug dug Tug dug tug dug Tug dug tug dug Tug dug tug dugTug dug tug dug Tug dug tug dug'

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso kong iyon habang niyayakap ako ni Ariz. Lalo iyong bumilis nung bigla niya akong hinalikan sa labi. Di ko na alam ang mararamdaman ko kasi first kiss namin iyon ni Ariz.

Palibhasa sa bahay namin kami nagdate at ako lang ang tao dun kasi sina mama at papa ay nasa kanilang mga trabaho. Tumagal ang kiss na iyon ng 5 minuto at bumitaw na siya.

"Sorryyy." sabay naming bigkas.

"Ron sorry" nahihiyang sambit sa akin ni Ariz.

"Wala yun, ako dapat magsorry kasi di ko napigilan sarili ko." napahiya kong sambit sa kanya.

"Pareho natin tong ginusto kaya ayos lang rin Ron." natawa niyang sinabi sa akin.

"I love you mylifeee Ariz." kinikilig kong sambit muli kay Ariz.

"I love you too mylife Ron." sagot niya sa akin.

Muli niya akong niyakap at…  kiniss ulit. Grabe na ang nararamdaman kong kilig, mas matagal na namin itong ginawa ni Ariz. "I love you mylifee Ariz." malakas na pagbanggit ko nang may kasamang kilig.

Hanggang sa.…… .

" Hoyyyyyyyyyyyyyyy Ronnnnn gisinggggg." sigaw ni mommy Milda habang ginigising mula sa aking kama.

Nagising na nga ako dahil sa lakas ng boses niyang iyon. "Hayssss panaginip nanaman pala." bulong ko sa sarili ko.

"Ano iyon Ron?" sambit ni mommy.

"Ah wala po mommy hehe, may napanaginipan lang po."

"Siguro napanaginipan mo nanaman yung babaeng artista na lagi mong pinapanood ano haha." natatawang banggit ni mommy.

"Si mommy talaga inaasar nanaman ako. Opo yun nga po, si Ariz GF ko na po sa panaginip ko , ginising niyo lang po ako kaya naputol." panghihinayang na sagot ko.

"Ikaw talaga ha, Ron artista siya kaya wag mo na pangarapin haha. "

"Mommy, hangga't may buhay, may pag asa and I really like her. Balang araw makukuha ko rin siya because She's 'My Dream Actress'."

"Sige ikaw bahala haha. Bangon na ikaw dyan at magsimula ng magsipilyo nang sa gayon ay makakain na tayo." sambit ni mommy.

"Sige po mommy."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Dream ActressWhere stories live. Discover now