Chapter 1

83.6K 1.2K 150
                                    

Chapter 1: Night

It seems the sun is setting slowly. The chilly wind gently passes through the area, leaving tracks like leaves sways along before landing on the ground. Green nature, golden sun, and the sound of air, it is a perfect day to unwind and forget what is at hand. In between the plantation of coconut trees, lies a creek, a small stream of water into the clear seas, making a soft, melodic sound of its passing.

Niyakap ko ang aking tuhod na nakahakod. Maaliwalas ang hapon sa malakas ng hangin lalo na at nasa tuktok ako ng bukid. Hinayaan ko ang aking kulay itim na mahabang buhok sa aking likuran na dinuduyan ng hangin.

Small ripples happen when a leaf fell into the river. The sun's glow reflects on the clear water, a reciprocal image of the golden hour. And a chirp of a bird mixed into the serenity. Unti unting natabunan ng ulap ang panghapong sinag ng araw ngunit bakas pa rin ang dilaw na kulay nito. Ang mga dahon ng niyog at saging na nakatayo sa bawat gilid ay patuloy na sumasayaw sa haplos ng panghapong hangin. Even the small flowers beside me and there on the hills were dancing.

"Ate Stella! Ate Stella!" narinig kong tawag galing sa ibaba.

Kumakaway si Undoy habang malapad na nakangiti. Madungis ang kanyang mukha kaya napahinga ako ng malalim saka tumayo para puntahan siya.

Sinalubong niya agad ako at niyakap ang aking baywang. Pinunasan ko naman ang kanyang mukha gamit ang laylayan ng aking damit.

"Saan ka na naman naglalaro?" malambing kong tanong sa kanya.

Ngumiwi siya. "Nadapa—" aniya pero agad tinakpan ang kanyang bibig.

Nagkasalubong ang aking kilay. "Nadapa ka na naman?"

Agad silang umiling. Kinarga ko siya at nagsimulang naglakad pabalik ng bahay.

From afar, a house made of native wood and bamboo stood in the middle of the forest, in a wide clean green grass. Not too small, not too big. With a rectangular table and a long wooden chair settled outside the house and a smoke from the kitchen all the way up. Isang palapag lang ang bahay na may dalawang kwarto. Sa kaliwa mula sa tanggapan naroon ang kusina, walang dibisyon. Ganito ang karaniwang bahay dito, yari sa kahoy, cemento para sa sahig, at plywood para sa pagbabahagi ng mga silid.

May malaking hardin rin sa labas na puno ng klase klaseng gulay, talong, okra, alugbati, kamatis, mga sili, malunggay, kalabasa, at singkamas. May kamanihan rin sa likod ng bahay at maliit na kubo gawa sa nipa, imbakan ng pangumpay para sa alagang kalabaw.

Tagapangalaga si Tiyo Francing at Tiya Dolores ng isang malawak na lupain. Sa kanila ako tumira ngayon. Dahil malayo kami sa bayan, limitado ang elektrisidad namin. Sapat lamang iyon sa tatlong 8 watts, dalawang 25 watts na ilaw at maliit na fridge.

Sumapit ng dahan dahan ang dilim. Kinakain ang magandang kulay sa langit. The colors of the afternoon skies were painted in pastel colors, not too saturated and not too low vibrance. It is calm and soft.

A ten year-old, golden skinned, black haired, round eyes, pointy nose, and cheerful Undoy stretched my cheeks the way he wants it to. Hindi naman ako umapila dahil iyon talaga ang ginagawa niya sa aking pisngi kapag hinawakan niya ito. He pressed both of my cheeks with his two small hands and my lips twisted at umalik-ik siya sa ginagawa.

Tuwing hapon, dinadala ako sa sariling mga paa roon sa bungtod. Palagi akong nawawala habang nakatingin sa malawak na lupain na naghihintay ng ulan upang sumibol ang mga mais na tinatanim ng mga magsasaka.

"Stella! Naku, naparito si Angie. May lakad daw kayo?" salubong sa akin ni Tiya Dolores.

Kinuha naman niya si Undoy sa akin. "Naku, ikaw Undoy, paluin talaga kita kapag may sugat ka na naman!" sabi niya sa anak.

Bear In Mind (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon