Chapter 6

6 2 0
                                    

Matapos ang panghuling exam tinawag agad ako ni Lhea upang pagusapan ang mangyayaring outing.

Ngumiti ako nang nasa harapan ko sina Damir, Halder, Zina, Vien at Luz.

"Hi," sabi ko nang pinakilala namin ang isa't-isa.

"Totoo ngang pumayag ka!" si Vien. Tumango at ngumiti ako. Pinakilala ako ni Lhea sa kanila.

"Crush ka ni Damir El!" si Luz. Nahihiyang ngumiti ako.

"Hi-hindi ah? Si Halder oh ang may crush kay El!" napakamot si Damir sa kanyang batok. Manipis ang kanyang kilay at maputi. Nakasout ng leather jacket.

"Tss." sabi ni Halder at tumingin sa akin saka ibinalik kay Damir ang tingin.

Naghiyawan pa sila pero pumalag na si Zina at minabuting pag usapan na namin ang plano.

"Okay, so bukas biyernes pagkatapos ng klase deretso na tayo sa South para hindi masayang ang oras. Uuwi na tayo hapon sa linggo. Okay ba 'yon?" Si Lhea.

"Okay sige, isang sakayan lang ba tayo?" tanong ni Damir.

"Oo." Si Lhea.

"Sinong sasakyan ba gagamitin natin?" tanong ni Luz.

"Mine, kung okay sa inyo." tumaas ang kamay ni Halder sa suhestyon.

Tumango naman kami upang sumang ayon. "Okay, nakapag book narin ako roon. Kaya wala na tayong problema." Si Zina.

"Sige sa parking lot nalang tayo magkikita-kita." Sabi ni Lhea. Tumango na lamang ako.

"See you tomorrow."

Umalis na kami at nagpasyang pumuntang mall kasama ko si Vien at Lhea.

"El, pwede ba tayo mag selfie?" sabi niya ng kumain kami sa isang restaurant. Kumain muna kami bago magpasyang pumunta sa grocery store. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Pwede ko bang ipost sa instagram?"

"Sige," sabi ko. Tinag niya pa ako. Ngumiti lang ako at tinapos ang kinain.

"Nakakahiya naman kapag kasama ka El."

Napalingon ako kay Vien ng naglalakad kami upang bumili ng mga baon bukas.

"Bakit ka naman nahihiya Viena?" si Lhea.

Ngumiti lang siya kaya nagsalita ako. "Huwag ka mahiya. Kaklase mo naman ako."

Nagkwentuhan kami habang namimili ng mga pagkain. Dala dala ni Lhea ang cart at ako'y namimili ng gustong bilhin.

"Lhea, ito pa oh." Nilagay ni Vien ang kinuha niyang pagkain.

May mga nagpapa-picture sa akin kaya pinagbibigyan ko. Minsan ngumingiti naman ako kapag tinatawag nila ako o kinakamayan.

Pumunta ako sa mga chocolates section upang mamili rin.

"Ito pa! at ito!" rinig ko sa di kalayuan, nakita ko si Cron na kuha ng kuha ng tsokolate.

Kaya napatago ako at sumilip.

"Ano ba'yan ang gusto mo lang binibili mo!" reklamo ni Janrix.

"Pati ba naman dito? Kain parin iniisip ni Cron?" bulong ko.

"Sino 'yan?" nagulat ako ng marinig nila ang sinabi ko. Agad akong lumayas doon pero pag lingon ko nakita ko sa di kalayuan si Hex, kausap si Zina. Nagtatawanan sila at napapahawak pa si Zina sa braso ni Hex kapag may nakakatawa.

Napalingon si Zina sa banda ko, nawala ang ngiti niya kaya napatingin din si Hex sa banda ko. Nanlaki ang mata kong tumingin siya. Agad akong nagmamadali at pinuntahan agad sila Lhea.

A Wild WorrisomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon