Chapter 33
"I booked a flight for us to Palawan," sabi ni C sa akin habang nakaupo kami sa sofa at nanonood sa Netflix. Bumaling ako sakanya.
"Kailan? Okay lang ba sa pamilya mong umalis ka dito?" I asked. He rested his head on my shoulder habang nakakalong si Chasty sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. I never felt this whole again. After all this years, kami lang dalawa ni Chasty ang magkasama pero ngayon, buo nakami.
"Bukas. Don't mind them," he lazily said. Pinatay na namin ang tv at pumasok na kami sa kwarto. Dahan-dahan na inilapag ni C si Chasty sa higaan namin. Humiga na ako sa kabila nang bigla niyang hatakin mg marahan ang braso ko. Tinapik niya niya ang pwesto sa gilid niya at sumunod naman ako. Humiga ako sa kanyang tabi at pinatay na ang lamp. Naramdaman ko ang maharan niyang yakap sa aking baywang. I can feel his lips touching a sensitive part of my neck. He started giving me feathery kisses. I craned my neck to give him more access then he suddenly stop!
"Let's sleep," I half-heartedly said. Mukhang naa-adik na yata ako! Narinig ko ang mahina niyang tawa at niyakap nalang ako ng mahigpit. I miss cuddles! Lalo na kung siya ang ka-cuddle ko! Hay, ang landi.
Kinabukasan ay agad akong nagising. Inayos ko sa isang malaking bag ang mga damit na dadalhin namin papunta sa Palawan. Mamayang 10 am palang ang alis namin at alas sais palang naman. Sabi ni C ay mags-stay kami ng 3 days at 2 nights sa Palawan. Chasty will not go to school by Monday kaya tinext ko nalang ang kanyang teacher. I put Chasty's necessities, wipes, towel, extra shirts, atsaka bicuits sa maliit niyang bag kung sakali mang magutom siya sa byahe. Habang ako naman ay nilagay doon ang kakailanganin ko, toiletries, clothes ko at ni Chasty sa isang maliit na luggage. Habang sa extra sling bag na dala ko ay nilagay ko naman doon ang passport ko at ni Chasty. Inayos ko rin ang mga damit ni C sa kanyang duffle bag.
Matapos kong mag-ayos ng dadalhin namin mamaya ay lumabas na muna ako para makapagluto ng almusal. Natutulog pa naman ang dalawa. I cooked spam, bacon, eggs and fried rice. Pagkatapos kong magluto ay nagpunta na muna ako sa gym ng Condo Building. Nagexercise lang ako ng halos isang oras at kaagad ng bumalik. Nadatnan kong nakaupo silang dalawa sa sofa habang nanonood ng palabas sa Netflix. Lumapit ako kay Chasty at ginawaran siya ng halik sa pisngi.
"Ako, wala ba akong kiss?" C pouted.
"Malaki ka na, 'di na pwede kiss sa'yo," I jokingly said. Tumawa lang siya at pagkatapos ay inaya ko na sila para magalmusal.
"Mama, where are we going?" tanong ni Chasty habang naglalakad kami papasok sa airport. Nilapag ni C ang bagahe namin sa scanner at sunod naman kaming pumasok.
"Dad, don't ruin this. We're just going to have a family vacation," bulong ni C pero narinig ko naman. Lumayo ako ng kaunti sakanya dahil baka sensitive ang pinaguusapan nila.
"Punta tayong Palawan, baby," sabi ko sa anak ko. I explained to him about our plans. Lumingon ako kay C nang tumabi siya sa akin. Hinihilot niya ang kanyang sentido na tila may isang malaking problema, baka nga meron.
"Where's Palawan, Mama?" he innocetly ask. "Malapit lang 'yon dito, baby. You'll see later," sagot ko sakanya.
Nakasakay na kami ng eroplano at naging mabilis lang ang byahe namin. We arrived early at Puerto Princesa International Airport. Pagkarating namin sa airport ay agad kaming nagtungo sa isang malaking hotel. May sumundo sa aming isang puting van at hinatid sa hotel na binook ni C. The hotel staff knows him! They all bowed at him when we entered the elevator! Bitbit ni Carlos si Chasty habang dala naman niya ang Dino stuff toy niya. Nakarecieve ako ng text mula kay Wendy.
Wendy:
Girl! May pa bakasyon ka na ha! Ang rupok mo din no? Btw, nasa Coron kami. Send me you location, 'di ko matiis na hindi bisitahin ang anak mo.
BINABASA MO ANG
Marked by Prince C | Royal Series #1
Ficción GeneralMikayla Janelle, the lowkey girl of the City. Living a low profile and peaceful life. A nursing student from a Royal University. Tahimik ang buhay niya ngunit hindi masayang tumira sa isang bahay na walang kinalakihang magulang. She's the unwanted...