POV- Bianca Concepcion
Sino sila? anong kailangan nila? May masama din ba silang balak saakin? bakit yung mama ko pa. Bakit siya pa? pwede naman na ako nalang eh.
"Bia, kilala ko sila! at Alam ko kung ano kailangan nila" sabi ng Tita ko na tila di matigil sa kakaiyak.
"Sino po sila Tita?" tanong ko.
"Sila yung pinagkautangan ng iyong Ina. Matagal nayon. pero hinanap talaga siya" sagot ng Tita ko.
"Magkano po ba utang ng mama ko? At saan niya iyon nilaan?" tanong ko.
"100,000 pesos. Para yun sa pang pa opera ko. Patawad" sabi nya.
Lumuhod sya saakin at nagsosorry. wala akong magawa kundi patawarin sya. Tita ko parin siya. At Alam Kong malaki ang utang ng loob niya sa mama ko.
"Patawad dahil mama mo pa ang napatay. Sana ako nalang" sabi ng Tita ko.
"Tita wag mo ng isipin yon. Nangyare napo eh. Alam Kong masaya na sya ngayon kasama si Lord" sabi ko na biglang tumulo ang luha sa aking mga Mata.
Umalis ako saglit para makapaglibang. Pero bigla kong napansin na parang may sumusunod sakin. Mga lalaki sila, Di ko Alam pero tingin ko sila yung mga pinagkakautangan ng nanay ko.
Nung Tumingin ako sa likod ko. Nakatingin sila saakin. Medyo kinabahan ako. naisipan kong mag c.r. Buti nalang madaming tao kaya madali lang sila lituhin. nagpalit ako ng t-shirt. Naglagay ako ng shades at naglagay ng hood.
Lumabas na ako ng C.R at nakita ko sila na nag aantay. di nila ako nahalata. Nice Galing ko magtago. pero nakakakaba kasi baka may makahalata padin.
lumabas na ako ng Mall. Nakita ko sila nag aabang sa exit. Buti nalang di ko pa tinatanggal lahat ng nasa katawan ko. Pero lalo ako kinabahan nang mapansin ko na nakatitig sakin yung isang ka grupo at bumulong sa isa niyang kasama. napadali ang paglakad ko.
"Ang sakit na ng paa ko" nasabi ko sa sarili ko.
Sasakay na ako ng jeep nang makita ko yung mga lalaki na sumusunod sakin kanina sasakay din sa jeep ko. nasabi ko sa sarili ko na "Nakikilala kaya nila ako? Di lang nila pinapahalata siguro. Sheeeeeet of paper naman oh"
"Bayad po" sabi ko.
"Ate wag na. Bayad kana kanina pa" sabi ni manong driver.
"Ha? Ako? Hindi pa naman ako nagbabayad ah. Sinong nagbayad sakin?" sabi ko kay manong driver.
"yung mga lalaki pong nakaitim" sabi ni manong driver.
napatingin ako sa paligid ng jeep. At sila Ay yung mga gangs. nagulat ako kasi kahit pala anong gawin ko makikila at makikilala padin nila ako. Nang medyo malapit na ako bumaba. biglang nagpara yung isa sa kanila at lahat sila bumaba.
"Whooo! Nakahinga din ako sa wakas" sabi ko sa sarili ko.
"Para po manong driver." sabi ko.
pagbaba ko ng jeep nakita ko si Daniel at alliyah nasa tapat ng bahay. ano kayang ginagawa netong dalawang to dito?!
"Bes, Condolence" sabi ni Alliyah at Daniel.
"welcome mga tol" sabi ko sabay yakap sa kanila.
"Pano na ko ngayon? di ko Alam kung saan nako titira at kukuha ng trabaho para makapag Aral pa. di naman ako pwede sa Tita ko. Madami sila sa bahay niya at madami syang pinag aaral. San na ako ngayon??" sabi ko.
"Saamin. Hahanapin kita ng trabaho" nagulat ako sa sinabi at sa nagsabi.
"Ha? Talaga? totoo ba yan Christian?" sabi ko.
"Oo totoo! ako lang naman mag is a sa bahay. ang lola ko minsan lang umuwi yun " sabi niya.
"Salamat christian ah. Malaki utang na loob ko sayo Ito. Hayaan mo pag nagkatrabaho nako babayaran kita" sabi ko.
"Sows. kahit wag na. Tulong ko nalang sayo yun" sabi nya. sabay killersmile.
Isang oras nalang ililibing na ang mama ko. Naglalakad na kami sa sementeryo. Lahat kami nakaputi. Umiiyak ako ng todo kasi sya nalang natira sakin nawala pa.
pagkatapos simentuhan ang puntod ng mama ko. napatingin ako sa rightside ko and guess what? Ang mga gang nakita ko.
ngayong wala na mama ko. anong pa kailangan nila? Ako? papatayin din ba nila ako? Sasaktan din ba nila ako katulad ng ginawa nila sa mama ko? Para akong nakakulong ang daming nagmamasid at nagbabantay sakin.
Papasok nako ng school nang biglang may humarang saakin na sasakyan.
"Ano bayan! paharang harang. kung magpapakamatay ka wag moko idamay." sabi ko.
"Hoyy. Ikaw! May utang sakin ang nanay mo. pag di mo to nabayaran ng 1buwan ikaw naman ang papatayin namin. Subukan mong magsumbong sa mga pulis papatayin ko mga kaibigan mo" sabi ng gang.
naiyak nalang ako sa sobrang takot at naging tulala sa school. Medyo di maganda tong nangyayari.
BINABASA MO ANG
My Happiness ❤
Novela JuvenilMay isang Girl na ang pangalan ay Bianca Concepcion at nag aaral sa St. John Academy. May isa ding boy na ang pangalan ay Christian Delos Santos. Magkakatagpo kaya sila sa iisang school na punong puno gulo? :*