The man in my DREAMS (ONE-SHOT)

24 2 0
                                    




"Crush na kita, mayor!" sabi ko kay mayor, ang pinakabata, gwapo, at kauna-unahang pinakabatang nahalal bilang mayor sa lugar namin.

Papalapit na ang mukha nya sa akin. Parang gusto ko na syang halikan! Pero..........



KRIIIIING!!!!!!

"Syyeeet! Panaginip lang pala yun!"

"Ate gising na! mali-late ka na sa school!" bungad sakin ni Alexandra, ang aking bunsong kapatid na napakakulit. Sanay na akong makarinig sa nakakarindi at napakatulis nyang boses. Sarap ngang tadyakan, pero joke lang, kapatid ko iyun. HAHAHA

"Oo! Teka lang. Ito na! babangon na." ako na galing nakabalot sa kumot.


Pagkatapos kong maligo, at maihanda ang sarili ko ay kumain na ako ng breakfast.

"Naku. Ang sarap naman po ng breakfast natin ngayon mommy!" si Alexandra na parang gutom na gutom na.

"Ang daddy po pala mom?" tanong ko kay mommy dahil pansin kong kulang kami sa bahay.

"Ah, Maaga sya ngayon sa opisina. May tatapusin daw sya na kakailanganin sa kompanya." sagot naman ni mommy. "Halika na, kumain na tayo."




Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako ng school. By the way, I'm Charm Marie Ascunsion. 18 years old, at graduating na for Senior High School.

Andito na ako sa lobby at tinawag na ako ng teacher namin na si Miss Connie.

"Ah, miss Ascunsion, pakidala nga muna tong gamit ko sa room natin..May babalikan lang ako sandali sa office." si ma'am na binigay sa akin ang dala-dala nya na kakailanganin sa klase nya mamaya.

"Okay ma'am." sagot ko.













Sa kalagitnaan ng klase ni Miss Connie ay natigilan sya ng nakita nya sa labas ang Principal namin na si Mrs. Alenita kasama ang......(insert 'napanganga scene' HAHAHAH)

Ang gwapo nya! Teka! parang pamilyar sakin to! Teka! s-----

"Okay class. Andito nga pala si Mayor Harry Smith Galvez ngayon. Magbibigay sya ng konting activities na sobra kayong mag-eenjoy ngayon, kaya mag behave kayo ha." sabi ni Miss Connie at iniwan na sa kanya ng principal si Mayor Harry!

Habang ako'y nakaupo malapit sa aisle, sa ikalawang upuan malapit sa harapan.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa umalis na si Miss Connie muna sandali at eto na nga, nagsalita na ang crush ko!

"Hello students! If you're wondering why I'm here. Siguro kilala nyo naman ako diba?" si Mayor na naka eyeglasses, naka braces, at may dalawa pang dimples sa kaliwa't kanan.

"Yes, po. You're Mayor Harry Smith Galvez." ako na biglang napatayo sa kilig na ikinagulat ng lahat pati na din si mayor.

"Oh, you're right! You're attentive ha." sagot ko na halos ikatunaw ko na. My Ghaaaaad!.

Hanggang sa in'explain na nya kung bakit sya narito. Binibisita nya lahat ng classroom kung ang lahat ba ng maintenance sa school ay okay o may aayusin pa ba. Kaya lang sya nagpa-activity dahil gusto daw sana nyang mag-teacher (na gusto nyang subukan ngayon)  kaya hindi ito natupad dahil Political Science ang gustong ipakuha sa kanya ng daddy nya. Oh diba! May pa-story telling pa si mayor! HAHAHA

"Okay, so ang first activity natin ngayon is "Bring me' ,kung sino man ang unang makakita ay may premyo"' sabi ni Crush   este mayor na sya namang ikinatuwa ng lahat.

"okay, bring me, a blackboard eraser! sabi niya na sya namang pagkataranta ng lahat habang akoy nakikipag-unahan din. Hanggang sa meron na ngang nakakuha at ibinigay kay Mayor! Ayshh, sayang!..

"Okay, next bring me a chalk!" sabi nya nang may nakita akong chalk sa paa ko, pinulot ko ito kaagad at binigay ko sa kanya nang bigla akong na out balance dahil bigla akong nabangga ng kaklase kong may pagka amoy-araw pa kahit umaga pa.

"Ahhhh!" ako na papatumba na hanggang sa na feel ko  na may sumalo sakin. si Mayor!!!!!

"Okay kalang hija?" tanong nya.

"Opo, ?mayor." ako na hanggang ngayon ay nakakatitig parin sa sobrang gwapo nya lalo na't malapitan! Hoooy! Mukhang aatakehin na ako sa sobrang kilig!

Gusto kong sabihing.

'I love you, mayor!'







Pagkatapos nang activity/klase, pumunta na kami ng bestie kong si Celine sa canteen dahil pinahintulutan kami ng second instructor namin na bumili muna ng makakain at maiinom dahil baka nagutom kami sa pinaggagagawa samin ni Mayor kanina.

"Ang swerte mo fren ha! Kinilig ako dun!" sabi ni Celine

"Oo nga eh- " sabi ko nang makita ko ang pamilyar na sasakyan palabas. Si Mayor! Ngunit papasok na sya nang sasakyan nya. Walang anu-ano'y kumaripas na ako ng takbo upang makapagpaalam. Sumunod naman sakin si Celine kaya nahingal din sya . HAHAHA

"Mayor!" sigaw ko na nagpalingon sa kanya. Diyos ko po! Ba't ang gwapo nya parin pag nakatalikod lalong lalo na pag papaharap na.

"Oh, jiha. bakit?" sabi nya.

"Goodbye po!" sagot ko.

"Ah,, sige. goodbye!" sabi nya habang papasok na sya sa sasakyan.

"Mayor!" ako na kinikilig na kanina pa.

"Yes. may kailangan ka pa?" sabi naman nya.

"I love you!" ako na bahagyang napatawa na parang na-a-awkward. At si mayor naman ay napangiti at pumasok na sa sasakyan at maya-maya pa'y nakaalis na nga.








"Huy friend. Bilib talaga ako sa fighting spirit mo, ha" sabi sakin ni Celine.

"Alam mo fren? Nangyari talaga kanina ang nasa panaginip ko." sabi ko habang nakangiti na parang ewan HAHAHA

"talaga?!"

"Ang ibig sabihin ba nito ay,.   Destiny?" sabi ko habang nakangiti't kinikilig.













The man in my dreams (ONE-SHOT, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon