Hindi ako nakatulog ng mabuti. Papaling-paling ako sa kama dahil sa kakaisip sa sinabi ni Lola.
Malapit na rin namang lumiwanag kaya't bumangon na rin ako at lumabas ng kuwarto para mag breakfast.
Dala ko pa rin ang aking phone na hanggang ngayon ay hindi ko tangkaing buksan. Nagdala rin ako ng isang libro na balak kong basahin at tapusin ngayong araw para hindi ako makapag-isip ng kung anu-ano.
Mas lumamig ang temperatura dito sa resort kaya't nagsuot ako ng medyo makapal na cover up sa ibabaw ng aking swimsuit.
Sa al fresco dining area ng resort ay kitang-kita ang unti-unting pag-akyat ng araw. Napakaganda ng pagbukang-liwayway sa beach na ito. Nakakaganang kumain lalo pa't ganito kaganda ang tanawin.
I've always wanted to show you this but I'm too afraid.
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Kurt noon, noong nasa beach kami at hawak-kamay na pinagmamasdan ang pagsikat ng araw.
Mas maganda pa rin sumikat ang araw doon kumpara dito. Siguro ay dahil sa kasama ko si Kurt noon.
I realized na ngayon kapag nakikita ko ang araw ay si Kurt na ang naiisip ko. Dahil dito ay napa-iling at napangiti ako.
Maya-maya'y na-istorbo ang lumilipad kong isipan ng mga hiyaw ng babae sa kabilang lamesa.
Kumakain ito kasama ang malamang ay nobyo nito habang marahang kinikiliti ito nito sa baywang. Napaka-sweet ng mga ito sa isa't-isa at nagsusubuan pa ito ng kani-kanilang almusal. Naroon pa ang marahang paghaplos ng lalaki sa buhok ng kasintahan nito. Sa mga titigan ng mga ito ay kitang-kita kung gaano kamahal ng mga ito ang isa't-isa.
Agad kong inubos ang aking almusal at mabilis na umalis sa dining area. Nakaramdam ako ng inggit sa nakikita ko kaya't minabuti kong pumuwesto na lang sa isa sa mga beach beds sa beach front.
Tahimik pa ang dalampasigan. Masyado pang maaga kaya't wala pang gaanong tao. Ang sarap sa pakiramdam ng tahimik na paligid at tanging alon lang ng dagat ang tanging maririnig. Dahil dito ay maitutuon ko ng mabuti ang aking isipan sa pagbabasa ng libro.
Hindi pa man ako nakaka-isang chapter ay nakarinig ako ng masasayang tawanan sa may dalampasigan. Napalingon ako at nakita ang isang babae at isang lalake na naghahabulan at nagsasabuyan ng tubig dagat sa isa't-isa. Nakakatuwang panuorin ang mga ito. Pawang mga bata na naglalaro sa tubig at walang pakialam.
Bigla kong naalala si Lola. Siguro ganoon sila ni Lolo Jaime noon.
'Nasaan kaya si Lola? Naroon kaya uli siya sa dulo?' sa isip-isip ko.
Agad akong tumayo. Bitbit ang aking mga gamit at mabilis akong tumakbo patungo sa malayong parte ng resort kung saan kami nagkausap ni Lola kahapon.
Pagdating ko doon ay wala akong nakita bukod sa magkasintahang hawak-kamay na nakahiga sa buhanginan.
"Oh my God!"
Sigaw ko.
Bigla akong nanlamig at kinilabutan sapagkat nakita ko ang sarili ko at si Kurt sa katauhan ng magkasintahang iyon.
Dahil sa napalakas ang sigaw ko ay napalingon ang dalawa sa akin.
"Uhm, sorry..."
Paumanhin ko sa dalawa saka ako tumalikod at naglakad palayo.
Habang naglalakad pabalik ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko.
'Parang kami talaga yun!' bulong ko sa sarili.
Ramdam ko ang kasiyahan ng magkasintahan na iyon kahit pa nakahiga lamang ang mga ito at nakatitig sa himpapawid.
Noong malapit na ako sa beach bed ay napatingin ako sa dalampasigan. Pumukaw ng aking pansin ang isang pulang kayak na naroon sakay ang isang babae at isang lalaki. Kahit na silhouette na lamang ang nakikita ko sa mga ito dahil sa layo ng mga ito ay alam ko at nararamdaman ko na nagmamahalan ang mga ito.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Gusto kong tanggalin ang inggit na nararamdaman ko sa mga magkakasintahang nakita ko ngayon. Mabuti pa ang mga ito, masayang magkasama at narito sila para sa isa't-isa.
'Bakit ako mag-isa?' naaawang tanong ko sa sarili.
Siguro ngayon mag-isa ako pero I can only hope na kung hindi man bukas, someday magiging masaya muli ako sa piling ng lalaking karapat-dapat sa akin. Until that day, kakantahin ko na muna ang kanta ng The Weepies dahil bagay na bagay ito sa akin ngayon.
Lovers walk two by two, doing things lovers do
They're in love, where am I?
I see them on my way home, how I hate to be alone
They're in love, where am I?I guess I have to hope that today the sun will shine
And maybe tomorrow you'll be mineUntil that day I will wait and watch the lovers on the lake
They're in love, where am I?
I walk alone on lover's land, past the kisses in the rain
They're in love, where am I?
They're in love, where am I?Malapit nang dumilim at nasa beach bed pa rin ako at nagbabasa. Bigla kong naalala si Mommy dahil hindi ko pa ito natawagan simula kaninang umaga. Dali-dali'y pumunta ako sa front desk ng resort at muling nakitawag.
"Hello Mommy?"
Sambit ko sa pag-angat ng telepono sa kabilang linya.
"Nikki? I was about to call the resort."
Pahayag nito sa medyo mataas na boses.
"Sorry, nawala sa isip ko. Anyway, I'm going back tomorrow. Do you want pasalubong?"
Sambit ko dito na may halong lambing.
"No, it's fine. How are you?"
"Okay, I guess..."
Wala akong masabi kay Mommy dahil uuwi na lamang ako bukas ay hindi pa rin nasasagot ang mga tanong na dapat kong harapin.
"Oh, by the way, Kurt just called..."
Biglang tumalon ang puso ko nang marinig ko ang pangalan ni Kurt. Kinabahan ako at hindi mapakali.
"...He was asking for you kasi hindi ka daw nagrereply sa mga texts niya and out of coverage daw ang phone mo. Akala niya may nangyari na sa'yo. I just told him na okay ka lang then binaba na niya agad yung phone."
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng disappointment nang marinig ko ang sinabi ni Mommy. Nalungkot ako na hindi man lang tinanong ni Kurt kung nasaan ako.
"Hindi niya tinanong kung nasaan ako?"
Paniniguro ko.
"Hindi. Nung sinabi ko na nag out of town ka dahil gusto mong mapag-isa nagpaalam na siya agad."
Tuluyan ng kumirot ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit umaasa ang puso ko na puntahan ako ni Kurt dito sa beach samantalang ako naman itong may gustong mapag-isa.
Pagkababa ko ng telepono ay bumalik ako sa aking kuwarto para maligo at maghanda nang matulog.
Sa huling gabi ko sa resort ay pinili kong matulog sa isa sa mga beach beds ng resort. Gusto kong langhapin sa huling pagkakataon ang masarap na simoy ng hangin na nagmumula sa dagat.
Dahil sa halos wala akong tulog kagabi ay mabilis akong dinalaw ng antok.
Ilang sandali na lang bago umakyat ang araw ay bigla akong naalimpungatan at nagulat nang nakaramdam ako na may marahang umaayos ng kumot sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
Music & Me
Fiksi RemajaFind out how Nikki, a music lover, connects every chapter of her life to songs and how these songs help her get over heartaches caused by Migs, her ex-boyfriend, and find new love in the forms of Brad, a school hottie, and Kurt, her best friend. Who...