DON'T MESS WITH KILLERS

9 2 0
                                    

Habang nags-scroll ako sa newsfeed ko, may nakita akong pamilyar na post.

Story 'yon. Pero bakit hindi ito mula sa Writer na si Vladimir?

[Chad]

Hindi naman ito ang nagsulat nito? This is Plagiarism!

Agad ko itong ini-screen shot at kasabay nito na nagcomment ako sa post no'ng Chad, naka-one name siya.

"Plagirizer," comment ko sa post nito.

Agad akong nagpost ukol dito.

"Look at this, plagiarized ang story ng favorite kong manunulat. Magnanakaw ka pala, ang pangit mo."

Naka-caption iyan sa post ko. Famous? Oo, fame ako. Ah, kilala lang siguro nakakahiya baka masabihan akong hambog.

Kilala lang ang pangalan ko. Manunulat din kasi ako kagaya ni Vladimir Piernavieja. Kilala rin kagaya niya.

Nagulat ako nang wala pang minuto ay umabot na ito ng hundred reacts, comments and shares?! Iba talaga kapag mahal ka ng madla.

"Plagiarism is a crime!"

"Ano ba 'yan? Dapat d'yan nirereport e?!"

"Mention niyo si kuya Vlad!"

"Nireport na nga lahat-lahat e? Siguro kaya siya nirereport kasi inaagaw stories niya?!"

Sari-saring komento ang nababasa ko nang mahagilap ng mata ko ang isang komento mula sa isang tao. It's Chad.

"PA-FAME! SIPSIP KA LANG! HINDI KA NAMAN SIKAT! AKALA MO KUNG SINO!"

Nagsitayuan lahat ng balahibo ko. Wow ha, sinong pa-fame? Ich-chat ko na sana si Chad ng biglang may nagshare ng post ko, si Vladimir!

Vladimir Piernavieja shared your post.

Sino bang uunahin ko sa dalawang ito?

Kaya ito, chinat ko na muna si Chad. Alam ko namang malawak ang pangunawang isip ni Vlad e.

"Chad, plagiarizer huh?" Ako na unang nag-msg. Mabilis naman siyang nagreply.

"Plagiarizer? Sino?"

"Ikaw," sagot ko.

"Kausap mo?" Hambog pala 'to e?

"Alam mo bang masama 'yang ginagawa mo. Pagnanakaw 'yan!"

"Pakielam ko? Saka wala rin namang nakahalata no'ng 'di ka pa nagco-comment e."

"So, hinihintay mo pang makita ng nakakakilala kay Vlad?"

"Wala akong pakielam. Ano bang pinaglalaban mo?"

"Kasi nagnakaw ka ng storya!"

"Ingay mo, hindi naman sayo 'yong story?"

"Kahit na. Co-writer ko siya."

"Pabibo ka masyado. Attention seeker. Sipsip. Malandi at higit sa lahat pakilamera! Hindi naman maganda works mo! Pa-fame! Kapit lang!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DON'T MESS WITH KILLERS (One-shotWhere stories live. Discover now