Same
"Hay nako, hindi na talaga uso ang gentleman,"
Halos takpan ko na ang tainga ko dahil sa pagka-rindi sa babaeng kanina pa nagpaparinig dito sa bus.
Umirap pa sya sa lalakeng nakaupo sa harap niya.
"Kalalaking tao, di na nahiya, may babaeng nakatayo sa tapat niya," pagdidiin niya habang nilalakihan ng mata ang kaharap.
"Ano ba naman yung ipaubaya niya na lang yung upuan niya-"
"Ate, pwede ba?" sabat ko nang hindi na makapagpigil. "Tao lang tayong lahat dito, pare-parehong napapagod sa buhay. Kahit lalaki yan si Kuya may karapatan yang umupo at magpahinga kung gusto niya."
Tumayo ako sa upuan ko. "Oh, umupo ka rito kung gusto mo. Tutal malapit naman na kong bumaba," pabalang na sabi ko.
Tinaasan niya ko ng kilay. The bitch really did pass by me to take my seat. Nasagi niya pa ang braso ko.
Napailing-iling na lang ako habang umuusog sa pwesto niya kanina para makatayo nang ayos.
"Miss, dito ka na lang umupo."
Nagulat ako nang ilahad nung lalaking pinaparinggan nung babae kanina ang upuan niya.
Winagayway ko ang kamay para tanggihan. "Ay, hindi na po. Mukhang puyat kayo, Kuya eh. Ayos lang po yan para maka-idlip kayo,"
Napakamot siya sa batok. "Pasensya na, overnight kasi ang shift ko sa trabaho kaya medyo inaantok ako. Pauwi pa lang kasi at wala pang tulog,"
I gave him a reassuring smile. "Wala pong problema. Hindi niyo naman obligasyong ibigay ang upuan niyo dahil lang lalaki kayo. Nauna naman kayong sumakay kaya may karapatan ka dyan,"
Ngumiti rin siya nang tipid at nagpasalamat pa. Maya-maya ay nagulat ako nang ialok na rin ng iba ang upuan nila.
"Dito ka na lang, Miss oh. Hindi naman ako pagod kaya ayos lang," ngisi ng isang lalaki.
Tinanggihan ko lang ang mga naglahad ng upuan nila dahil totoong pababa na rin naman ako.
Hindi ko lang talaga natiis na sawayin ang babae kanina dahil parang wala na siyang balak tumigil sa pagpaparinig hangga't hindi siya napagbibigyan. Nakakainis. Kaya hindi pa rin mabigyan ng pantay na pagtingin ang mga babae dahil may ilan pa ring feeling entitled na laging naghahangad ng special treatment.
"Oh, PCAST, PCAST, may bababa ba?"
"Meron po, Kuya!" sigaw ko habang dire-diretso ang lapit patungo sa pintuan.
"Salamat po!" magiliw na sabi ko nang makababa.
Malapad na ang ngiti ko habang tumatawid pa lang at nakikita ang labas ng malaking unibersidad. Pinasada ko ang tingin sa nakasulat sa taas kung nasaan ang arko nito.
Philippine College of Aeronautics, Science, and Technology
Hindi naman ito ang unang tapak ko rito ngunit mas matindi lang talaga ang excitement dahil ito ang opisyal na pagbubukas ng academic year. Bagama't hindi pa magsisimula ang klase ay ramdam na ramdam na dahil suot na namin ang uniporme.
Bumagsak ang tingin ko sa suot. Ang pantaas na puting-puting polo ay naka-tuck in sa itim na slacks na hapit sa katawan. Sa balikat na bahagi ng damit ay may itim na telang may nakatahing dilaw na stripes. Naka-itim na sinturon at sapatos din ako habang ang buhok ay maayos na nakapusod. Napangisi ako. Pakiramdam ko'y ngayon pa lang ay piloto na talaga ko.
BINABASA MO ANG
Every Flight Counts
RomanceSIS (Social Issue Series) #3: Gender Inequality Men and women in the 21st Century still aren't able to totally get free from the socially defined roles. They are expected to act in certain ways just because they are male and female. Lalake ka raw ka...