12. Lyca Valderon [Part 2]

4.4K 49 5
                                    

WARNING: THIS STORY IS "NOT EDITED" AND REPRODUCED EXPLICIT MATURE THEME! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!!!!

"READ AT YOUR OWN RISK!"


12. Lyca Valderon [Part 2]


Umiiwas? I wanted to laugh at his question just to cover my real feelings. Ngunit siguro ganoon talaga, may mga bagay na hindi natin makakalimutan sa isang tao kahit gaano na natin ito huling nakasama. Lexus knows when or I'm not pissed off. Sa tinagal man ng panahon, hindi ko masasabi na malaki ang nagbago sa akin. Because even on my own self, I think nothing really change about my attitude. Maliban sa panlabas na anyo, ganoon pa rin ako tulad ng dati. I haven't had a longer boyfriend after Lexus. Mayroon man ay kagaya din niya na on and off relationship dahil sa aking pag-aaral.

"I heard, you'll be the next President of your company. Is that why you're always busy?" pagsubok niya pa ng tanong sa akin.

I really wanted to don't talk to him. Ngunit narealize ko ay ano nga ba ang ipinaglalaban ko? I want my Dad to be happy anyway. Kung nagkataon man na ang Mommy ni Lexus ang nakilala niya ay wala na akong magagawa sa liit ng mundo. Biruhin mo na nasa ibang bansa na sila ay nagawa pang bumalik dito dahil kay Dad. I heard Lexus grown up with a broken family. Iyon ang sinabi niya sa akin noon. Walang masyadong interes dahil parehong bata pa. Hindi ko na itinanong pa kung bakit at paanong naghiwalay ang kanyang mga magulang.

"I guess so." I simply said as I drank my hot tea.

Hindi na nagsalita pa. Tahimik akong kumain ng breakfast doon dahil balak ko na tapusin pa ang ilang papeles na pipirmahan ko upang tuloy ang pahinga ko para mamayang hapon. Although it's my day off, may mga kaunting bagay pa rin na kailangan gawin na kagaya ni Dad ay sa bahay nalang ginagawa.

Saktong alas siyete ng bumaba si Daddy kasama si Alexandra na nakasuot pa ng silk bathrobe. Nakasalubong ko sila ng paakyat na ako sa grand staircase. I haven't seen Lexus also tried to go upstairs.

"Lyca!" Dad sweetly called my name as I hug him and kiss his cheeks. Napansin ko pa ang pagngiti ni Alexandra at bumati din sa akin.

"Good morning, Lyca." aniya na halatang nahihiya pa kung ano ang sasabihin. "Kumain kana ba? kung hindi pa ay sabay sabay na tayo."

Daddy looks so happy with Alexandra's suddenly idea. Ngunit mariin ko ng sinabi sa kanila na tapos na ako. Alexandra still wanted to let me take breakfast with them. Kung hindi lang nagsalita si Lexus na nasa likod ko pa pala.

"Mom, Tito Rico, I'm sorry but I think Lyca's right. Nakita ko pa kasi siya na kakatapos lang mag breakfast sa poolside." he said and I look behind my back.

Nakita ko ang pagyuko niya at narinig na lamang ang tila dismayadong tinig ni Alexandra.

"Okay, maybe next time then? Maaga akong gigising para ipagluto ka. I didn't know that it's your rest day today." Alexandra tried to smile and I nod.

Halatang natuwa pa si Dad doon at nagpasensya na hindi daw agad sinabi na off ko today sa work. Kasabay si Lexus na umakyat sa second floor ng Mansion. Halos magkatabi lang ang room ko at ang guest room na inuukupahan niya. Nauna ang sa akin kaya kita ko ang paglampas niya sa akin.

"I'm sorry about my Mom." bigla ay aniya ng akmang pipihitin ko na ang door knob. Napakunot noo at nagtatakang bumaling sa kanya.

Kapansin pansin ang malungkot na ngiti sa mukha niya. Lexus breath deeply as he slightly nod at me. Hindi ko tuloy maiwasan ang mailang bigla. Parang ang hirap parin paniwalaan? Kailan lang ay kami pa tapos ngayon si Dad at Mommy na niya. Isn't weird? ano kaya ang mararamdaman ng iba kapag sila ang nasa ganitong situation?

Caging Fire (R-18 COLLECTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon