Chapter 15

12 0 0
                                    

Grow up

"I will be your teacher in Fundamentals of Accountancy, Business and Management 2 temporarily because Ms. Sales is sick,"

Nangingiti ang mga babae kong kaklase dahil sa sinabi ni Sir. Ako lang ata ang mukhang biyernes santo ang mukha.

"Ay talaga po? Ano pong sakit nya?" kunwaring concern ng isang babae kong kaklase pero halata sa mukha nya ang galak. How bad.

Pumikit ako ng marahan at naalala ko 'yong mga araw na nasa junior high pa ako. Familiar na sa'kin ang ganitong pangyayari pero sisiguraduhin kong di na ako mapapalapit sa kanya gaya ng dati.

"Appendicitis kaya kailangan syang operahan." he said while looking at me.

Anong tinitingin tingin mo dyan, ah? Kung alam mo lang na no'n pa man pinatay na kita sa isip ko tas ngayon papakita ka? Naku pinapatay kita ulit sa isip ko habang tinitignan ka.

I looked away. Pinaglaruan ko na lang ang hawak kong earphones.

"I already have your paperworks and records. So for today we'll continue the last lesson that she have been tackled." he added.

Anong alam nya sa accounting? E parang dati lang basic math lang tinuturo nya. Wow, Alli, makabasic kala mo taas ng grado sa math.

Buong klase nya ay nakapalumbaba lang ako tila mas lalong nahirapan makinig at mututo dahil parang walang pumapasok sa utak ko.

His looks changed a lot. But for me, he's the same asshole I know. Di ko maipagkakaila na lalong lumaki ang kanyang katawan. Kahit ilang taon na ang nakalipas at ngayon na lang muli kami nagkita ay di pa rin nawawala ang galit ko sa kanya.

No'ng dinismiss na nya ang klase ay ako ang unang lumabas ng room. Nakita ko ang pagsulyap nya sa akin ng dumaan ako sa harap ng table nya. I stopped walking ng kinapa ko ang bulsa ng blouse ko pero wala 'yong earphones ko ro'n. Naiwanan ko ata sa room.

Half run akong bumalik ng classroom at sa di inaasahang pagkakataon ay naroon pa rin si Gray. Inisip ko na lang na walang tao sa classroom kaya dumiretso agad ako sa upuan ko. Nararamdaman kong nakatingin sya sa akin kaya nagpatuloy ako sa paghanap ng earphones ko at 'yon nasa ilalim ng upuan ko. Nahulog siguro.

Pagtalikod ko ay syang pagkakita ko kay Gray na nasa harap ko na at sobrang lapit.

"What the fu-" napahawak ako sa dibdib sa gulat.

Nakakunot ang kanyang noo habang tinititigan ako.

"What is it?"

Imbis na sagutin ay inirapan ko na lang sya. Kung makapagtanong kala mo walang nangyari no'n. Kung makalapit kala mo hindi nya ko sinaktan no'n.

Akmang aalis na sana ko kaso hinawakan nya ang braso ko. Napatingin ako roon na agad naman nyang binaba.

"Look. Alam kong nasaktan kita noon pero gusto ko lang sana na marinig mo ang explana-" I cut him off.

"Ang kasingungalingan mo."

Mataray ko syang tinaasan ng aking kaliwang kilay at saka humalukipkip. Lumapit ako kanya sa pamamagitan ng isang hakbang. Halata sa mukha nya ang pagkagulat sa ginawa ko kaya umayos sya sa kanyang pagkakatayo na tila ba ay di naapektuhan.

"I. Don't. Wanna. Hear. Your. Lies. Again. So don't you dare come near me or even talk to me 'cause I don't give a damn!"

Mariin ko syang tinitigan.

"Kung ako sa'yo problemahin mo kung anong magandang posisyon ang dapat nyong gawin tuwing gabi ng fiancee mo... ay mali asawa mo na pala ata...." kalmado pero may diin kong pagkakasabi.

Too Young to Love You (Young Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon