Sa mga nagdaang araw at buwan ay palagi lang kaming nagba-bonding nila aira at sa araw-araw na iyon palagi lang akong binabadtrip ni estevan
"Beshie tikman mo nga", pina-tikim ko kay aira ang chocolate na ginagawa ko dahil bukas ay Valentine's Day na
"Ang sarap beshie,baka si estevan lang bigyan mo ah", pang-aasar niya sa akin
"Pwede ba kahit isang araw lang tigilan mo ako sa kakaasar sa lalaking yon", pinahiran ko siya ng chocolate sa mukha at tumakbo palayo sakaniya
"Ang gamol mo!", narinig kong sigaw niya sa kusina
Binalot ko na ang mga ibibigay ko na chocolates sa mga classmate at kaibigan ko para bukas ganun na din sa mga teachers namin
Maaga akong gumising para dito at sa bahay natulog si aira kaya sabay kaming pumasok sa school
"Beshie alam mo ba si kristoff lang ginawan ko ng malaki hehe", kinikilig niyang sinabi
"Oo tapos yung kaibigan mo na since birth mong kasama hindi mo man lang naisipan", pangk-kj ko sakaniya
"Hoy ginawan din kita no",umalma siya sa sinabi ko
Habang papalapit na kami sa school kumakaway na sa amin si shina at nasa likod niya lang si estevan habang humihikab
Tumatakbo ang mga babae sa school namin para bigyan ng mga chocolate ang mga lalaking nagugustuhan nila
Meron ding bigla nalang huminto sa harap namin at binigyan kaming dalawa ni aira ng bulaklak
Inamoy ko ito at napakabango, ang babait naman pala ng mga tao ngayon
"Wow kilala niyo ang mga yon?", tanong ni shina sa amin
"Hinde",sabay naming sagot ni aira
Tinarayan naman kami ni estevan,wow ano nanaman kayang nakain nito ngayon
"Pero buti nalang at hindi ito sunflower kundi ibabato ko talaga to sa mukha niya",nandidiring sinabi ni aira
Tahimik lang si estevan sa isang gilid kaya naman nilabas ko na ang mga chocolates sa bag ko para ibigay kay shina at aira
Tumingin lang siya sa amin at umaasang bibigyan ko siya pero wala akong binigay sakaniya
"Thank you portia", tuwang tuwa na sinabi ni shina
"Bakit pig yung itsura ng chocolate ko", reklamo ni aira sa akin kaya tinawanan ko lang siya
Lumapit ako kay estevan at binigay sakaniya ang chocolate na ginawa ko para sakaniya
"Yuck", tanggi niya
"Hoy napaka-arte mo ah!",kumunot ang noo ko at hindi na ito binigay sakaniya
Pinag-hirapan ko pa man din tong gawin tapos tatanggihan lang niya, bahala ka sa buhay mo
"Hoy ano bang nasa isip mo at sinabi mo yon,alam mo bang buong araw yan ginawa ni portia", pabulong na sinabi ni aira
"Wala ka talagang puso", bulong din sakaniya ni shina
Bigla nalang lumapit sa akin si estevan at kinuha ang chocolate sa kamay ko at umalis na sa harap namin
"Ano bang problema nun?", tanong ko sakanila
"Baka nireregla", biro ni aira
"First time lang kasi niya bigyan ng chocolate sa Valentine's Day,kaya siguro nahiya bigla", paliwanag ni shina
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Teen FictionNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...