KBANG (Chapter 46)

38 4 0
                                    

(HIS NAME)
***

ELLA

"Anak maiwan muna kayo ng mga kapatid mo dito, may babalikan lang kami ng papa niyo sa bahay. Sabihan mo na lang ang mga kapatid mo pag dating nila " wika ni mama sabay tanggal ng suot niyang apron. Kasalukuyan kami ngayong nasa puwesto dito sa palengke. Sabado ngayon ng umaga, dagsaan ang mga tao pero matumal ang benta ngayon ng mga gulay at isda dahil taas presyo talaga lahat ng mga bilihin.

"Sige po ma, ako nang bahala dito" wika ko habang naka-upo at pinapaypayan ng plastik ang mga benta naming bangus na naka-display para layuan ng langaw.

"O sige, sige. Kikitain ko na ang papa niyo sa labasan. Bilangin mo ng maigi 'yong ibabarya mo, wag kang magpapabudol" paalala ni mama saka naglakad palayo.

"Bye ma!"

Papabudol talaga? Ano namang mabubudol nila sa akin dito? Itong bangus o itong mga talong? Napailing-iling ako.

Minsan talaga ang OA rin ni mama eh no?

"Isda gulay kayo diyan! Fresh pa po ang lahat ng mga 'to! Bili na kayo!" paulit-ulit akong sumigaw pero halos wala talagang lumalapit sa puwesto namin.

Nakakainis naman! Kelan ba may bibili dito?

Napagdesisyonan ko na lang na wasik-wasikan ng tubig ang benta naming mga pechay at kung ano pang mga dahong gulay para hindi kaagad na malanta. Mahirap na, baka mamaya lupaypay na ang mga 'to tapos hindi mabenta, malulugi kami no'n.

"Miss magkano sa tilapia?" wika ng babaeng siguro nasa mid-thirties na.

Sa wakas, mag bibili na rin bago pa ako mabulok dito. Napangiti ako.

"140 po isang kilo ate" magalang kong sagot na naka-ngiti pa.

"Ang mahal naman miss, wala na bang tawad do'n?" kunot noo nitong tanong sabay ayos sa hawak nitong mamahaling bag. Napatingin ako sa kabuuan niya. May gold bracelet siya sa palapulsuhan at may gold ding kuwintas, meron din siyang dalawang naglalakihang hikaw sa tainga at naka blonde ang buhok.

"Pasensiya na po ate, tapat na po 'yon eh. Isa pa hindi pa po kami nakakabuena mano ng benta" napakamot ako sa ulo.

"130?"

Nakangiti akong umiling.

Ang yaman-yaman ang barat naman!

"Hay naku sige na nga lang, wala na kasi akong makitang buhay diyan sa ibang mga tindahan eh. Iba rin kasi talaga ang lasa kapag fresh mong bibilhin 'yong isda" nilabas niya ang malaki niyang pitaka.

"Ilang kilo po ate?" inihanda ko na ang planganang ginagamit para sa kilohan.

"Dalawa lang miss"

"Papalinis pa po ba rito?"

"Ay hindi na miss, sa bahay na lang" sagot niya.

Pagkatapos kong makilo ang isda ay agad kong sinilid 'yon sa dobleng sando bag saka ko inabot sa kaniya. Ibinigay niya sa 'kin ang saktong bayad saka siya naglakad palayo.

"Ang yaman-yaman napaka-kuripot? Tatawad pa ng sampo edi kami pa nalugi noon?" mahina kong bulong saka nagpatuloy sa pagpapaypay.

Ilang saglit pa ay dumating na sila kuya Joaquin at Zach. Kapwa sila nakahubad habang may malaking batsang naka patong sa mga balikat nila. Ibinagsak nila 'yon ng magkasunod sa harap saka pinunasan ang nagkikintaban nilang pawis sa malalaki nilang katawan.

Napatingin ako sa paligid at nakitang pinagmamasdan na pala sila ng mga babae at mga bading na nagbibenta at napapadaan.

"Magdamit nga kayong dalawa!" winisikan ko sila ng tubig.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon