Hi, I'm Zeph Alvarez. Main character of this story, obviously. I'm just another random guy who fell in love with bestfriend. Cliche, right? Hey, for you what is forever? Haha. Out of the blue ba? Yan kasi yung tanong na pinakanahihirapan akong sagutin. Hindi naman sa wala akong maisagot, may idea naman ako eh. Yung forever kasi para sakin is yung habambuhay kayong magsasama ng pinakamamahal mo. Pag ba naging akin na yung bestfriend ko, may forever na kami? Di ko rin alam ee.
—————-
"Zeph!" nagulat ako nang may biglang yumakap sakin. Amoy palang niya, alam kong siya na 'to. Bwiset! Andito nanaman tong pakiramdam na to.
"Oh, bakit?" tanung ko na lang baka mamaya, may mahalata pa siya. Bumitaw naman siya sa yakap.
"Ayaw mo?" tanung pa niya sabay taas ng kilay. Nagtataray nanaman.
"Hindi nama—" bigla naman niya akong niyakap ng pagkahigpit-higpit.
"Hindi naman pala eh." then she giggled. Niyakap ko na lang rin siya pabalik. Haay Starr, kung naririnig mo lang kung gaano kalakas ang tibok ng pusok ko.... bumuntong hininga na lang ako.
"Zeph, may problema ka?" tanong niya na mukhang nahalata yung pgabuntong hininga ko.
"Oo eh."
"Huh? Ano yun?"
"Pinoproblema ko kasi kung paano ko sasabihin sayo na mahal kita." yes, sinabi ko yan.
Nagsmile siya.
"Sus! To naman. Wag mo nang problemahin. Alam ko naman na eh. Mahal rin kita noh." sabi pa niya sabay smile. Nagsmile na lang rin ako at niyakap siya ulit. Alam ko namang may kasunod yan eh....
"Mahal na mahal na mahal kita, alam mo ba yun?" tanong ko pa.
I felt her nod. "Alam ko. Mahal na mahal na mahal rin kita," mas humigpit ang yakap niya.
"diba nga, ang magbestfriends dapat nagmamahalan." dagdag pa niya. Harayku </3 She separated from the hug then pinched my nose.
"Ang cute cute mo talaga." nanggigil niyang sabi.
"Gwapo ako. Hindi cute." sabi ko.
"Sus! Pareho lang yun." nagsmile na lang ako.
Hindi naman ako torpe ah. Ilang beses na akong nagco-confess sakanya but then, she always sees it the other way around. Akala niya mahal ko lang siya bilang bestfriend. Pero hindi eh. Mahal ko siya higit pa sa kaibigan. Mahal ko si Starr Lim, ang bestfriend ko since 10 years old. Mahal na mahal na mahal.
—-
Niyaya niya akong mag mall. Imi-meet niya raw kasi yung classmate niya. Sumama na lang ako. Pagdating namin sa mall, dumiretso kami sa 2nd floor, sa may food court. Dun daw kasi yung tagpuan nila eh.
"Waaaah! Zeph! Ang bangooo! Libre mo'ko dali!" at hinila niya ako.
"Ayan! Umandar nanaman yang katakawan mo." sabi ko pa.
"Ako nanaman nakita mo. -,- Ang sabihin mo, ayaw mo lang manlibre. Psh. Makakauwi ka na." pagtataray niya pa. Inakbayan ko siya. Di ko to matiis eh.
"Sus. Kahit bilhin mo pa lahat yan, ako magbabayad." sabi ko naman na siyang nag patawa sakanya.
"Baliw. Hahaha." -siya. Yeah. Baliw na baliw sayo—Fck. San galing yun? Ang baduy :3 Nagulat ako nang bigla niyang ilagay yung kamay niya sa waist ko. Gets niyo position namin? Ako naka-akbay sakanya then siya nakapalibot yung kamay sa waist ko. Mahilig siya sa ganitong pose. Kaya nga laging napagkakamalng kami. Fuuu~ how I wish.