Eli's POV
7:00 am na ako nagising. Masyado kasi akong napuyat sa biyahe kagabi. Hindi ako gaano nakatulog dahil naninibago pa ako. Alam niyo na first time makapunta sa maynila. Kaya di ko namalayan ang oras at mga 9:30 na kami nakarating ni Ninang sa ZB hotel. Grabe naman kasi ang dulot ng traffic. E kung makikipag-karerahan ata ang pagong kesa sa mga sasakyan dito, mas mauuna pa sila.
Well anyway hindi naman nila kami napansin, magaling ata magsinungaling este mag-palusot si Ninang. Hahaha...
"Pag-butihin mo ang trabaho Eli, lagi kang makikinig sa iba nating kasamahan" tumango ako. "Isa pa kapag tapos ka na sa mga trabahong naka-assign sayo kailangan mag-hanap ka ng bagong gawain, hindi pwedeng tutunga-tunganga dito habang hindi pa call time, malinaw??"
"Opo Ninang" sagot ko.
"Sige start na tayo" sabi ni Ninang saka umalis na siya at ganon din ako. Sa pool area ako naka-assign. Kaya kinuha ko muna yung mga gamit na gagamitin don. Pag-katapos kong kuhanin ay tumungo na agad ako sa pool area 1.
Napanganga agad ako sa view ng makita ko yon.
Ang laki... At ang ganda napakarefreshing ng view.
Mga kalahating oras ng matapos akong mag-linis don. Pag-katapos sa next pool area naman ako, ang pool area 2, 3 at 4. Siguro mga mga dalawang oras naman ang tinagal ko sa pag-lilinis sa mga yon.
Pawis na pawis na ako at pagod na din.
12:17 pm na. Oras sa relo ko, medyo nagugutom na din ako. Kanina pa nga nag-wawala ang tiyan ko sa gutom. Mga one o'clock pm pa naman ang call namin para sa lunch.
Matawagan muna si nanay.
["Nay"] sabi ko.
["Eli anak!!!"] Grabe to si nanay kung makatili. ["kamusta ka dyan??"]
["Ako nga po dapat ang mag-tanong sayo niyan nay eh, kamusta po kayo inaalagaan po ba kayo dyan nila Angie at Angeline???"]
["Oo anak huwag kang mag-alala"]
["Mabuti naman po"]
["Ikaw ba kamusta ka dyan, maganda ba dyan sa maynila?? Di ba pangarap mong makapunta dyan?? Maganda ba anak??] Tanong ni nanay.
["Maayos naman po ako nay, at opo nay maganda po dito sa maynila pero mas maganda nay kung nandito din po sana kayo"] Bigla naman akong nalungkot. Isang araw palang pero grabe miss na miss ko na si nanay.
["Miss na kita anak"] sabi niya.
["Kayo din nay, miss na kita agad"] sabi ko.
["Basta tandaan mo anak, palagi kang mag-iingat diyan ah, wag mag-pakapagod kapag ayaw mo na uwi ka lang ha"] narinig ko naman ang mahihinang hikbi sa kabilang linya. Kahit itago ni nanay yon alam ko malungkot siya ngayon.
["Sige nay, tinatawag na po ako, may gagawin pa po kasi kami"] pag-sisinungaling ko.
["Ganon ba?? O sige yung bilin ko ah"]
["Opo, I love you nay"]
["I love you too anak, ingat"] sabay baba ko na ng linya.
Alam kong masama mag-sinungaling pero ginawa ko yon kasi alam kong umiiyak na si nanay habang kinakausap ako. Halata ko siya kahit itago niya sakin yon. Masama yon sa kalusugan niya dahil may sakit siya sa puso. Bawal masobrahan sa iyak at sa kahit ano pang emosyon, kaya mas mabuti ng putulin ko ang linya.
Mga hapon na ng mag-simula ang event sa hotel. Ang ganda nga ng set-up at motif eh. Eleganteng elegante ang dating. Buti na lang isa ako sa napili na maging servant ng event. Tamang tama sa plano ko.
BINABASA MO ANG
Till my heartache's end
Teen FictionMaling pag-ibig na hindi napigilan, hanggang sa umusbong ang isang buhay na di inaasahan. Isang araw pangarap at pangako ay hindi napanindigan. Lungkot at luha ang laging nararamdaman. Hanggang kailan nga ba ang mga ngiti sa labi ay masisilayan. Til...