"Maglinis ka naman ng bahay! Wala ka nang ibang ginawa! Buong araw naka tutok ka diyan sa cellphone mo!" bulyaw sa akin ni papa
Binitawan ko ang cellphone ko at tumayo na. Sumunod na lang ako nang hindi manlang siya tinitignan. Naabutan ko ang tambak na hugasin.
"Di panga ako nakain and dami ko ng hugasin?" bulong ko sa sarili
"Anong sabi mo?! Hangga't nandito ka sa pamamahay ko wala kang karapatang magreklamo! Para sayo din naman yan! Ang lakas ng loob mong mag-paligaw wala ka namang alam sa gawaing bahay." sabi na naman ni papa
Naghugas na lang ako at hindi siya pinansin. Panay ang buntong hininga ko. Ang dami kong gustong sabihin pero wala akong karapatan.
Pagtapos ko sa hugasin ay bumalik ako sa kwarto at nakinig ulit sa paborito kong banda. Ito ang madalas na nagpapagaan ng loob ko. Music. I really love it when music clears up my mind. Lalo na pag sinabayan ko pa ito ng pagsusulat. Nakaka-gaan ng loob.
==========================================================================
"Mag-ahin kana." utos ni mama
Sumunod naman ako at nag-ayos na ng lamesa. Habang kumakain ay tahimik lang ako. Bukod sa tinatamad akong magsalita ngayon ay masama ang loob ko. Ikaw ba naman bulyawan ng bulyawan di sasama loob mo?
"Kelan ka magpapa-enroll?" tanong ni papa
Masaya naman talaga kami, sweet ganun. Pero may mga panahong sumasabog si papa sa galit. Tulad kanina.
"Ewan ko." sagot ko
Yeah. Walang galang. Ano pa bang magagawa ko?
"Samahan ka ng mama mo sa isang linggo. Susukatan kapa diba?"
Tango nalang ang sinagot ko. Buong araw ay ganun ang nangyari. Puro ako cellphone. Puro naman sila utos. Nakakabanas. Lalo na pag nagbabasa ako. Alas tres na ngayon at di pako tulog. Naisipan kong magsalpak nalang ng earphones at hinayaan ang sarili kong lamunin ng antok
=====================================================================================
OK HELLOOOOOOO!!!!
ay OA naman HAHAHA. Pero ayun pinost ko lang to kasi naiisip ko siya kanina. And knowing myself di matatahimik kaluluwa ko pag di ko pato inupload. Ayun lang, di ko alam kung kelan ang next upload ko for chapter 1 kasi buhay ko yan. Bago lang din sakin kaya masakit at nakaka-iyak pagtinatype ko. At wala akong pake kung hindi maganda. Buhay ko yan eh pake mo? HAHAHA charoteraaaa! joke lang....
This is based on a true story, which is my life. Of course may parts na hindi totoo at haka haka lamang. But yeah. Please keep supporting meh. Luv yuu ullll
This story is based on the imagination and life of the author. All names, places, events and all that you have seen in true life happening is pure coincidence. Except sa buhay ko ofc. hehe.
Do not steal or repost.
Plagiarism is a crime.
![](https://img.wattpad.com/cover/223069456-288-k222710.jpg)
BINABASA MO ANG
Biggest Regrets
Short StoryIstorya tungkol sa isang babaeng labing tatlong taon pa lang. Karamihan sa atin ay maiihalintulad ang buhay sa kanya. This is a story about a girl who have strict parents. She doesn't even have her own privacy. She really have a hard life. She thoug...