Chapter 1: Last Day In Girl's School

16 0 0
                                    


"Mom, Dad! I'm going" paalam ko sa kanila at tumakbo na palabas, ngunit agad akong napaupo sa sahig ng maramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko. Na gulat ako ng biglang may humawak sa magkabilaang braso ko at inalalayan ako patayo.

"Bakit ka tumatakbo? It's too early para magmadali ka." Tanong ni Yukiro habang bakas ang pag-alala. Napasimangot ako at dumistansya sa kanya ng maramdaman ko ang pagbalik ng lakas mula sa mga tuhod ko. "Huwag kang tatakbo, mamaya makita ka nila Mommy. Mag-aalala na naman sila" dugtong pa ni Yukiro.

"May usapan kasi kami nila Tiffany, I don't want to be late. This is my last day with them remember?" sagot ko kay Yukiro, pinitik naman nito ang noo ko. Kaya agad ko siyang pinanlinsikan ng mata! Medyo mapanakit din kasi itong si Yukiro.

"This is your last day in your school, but not last day with being them" pagtatama ng twin brother ko sa akin "You can be with them kahit pa sa ibang school kana mag-aaral. They can visit you here, or you can visit them or plan for a date to hangout" asik nito at iniwan ako. Napabuga na lamang ako ng hangin at nag-umpisa ng maglakad. Lakad na sakto lang ang lakas na kakailanganin, Lakad na malumanay. Hindi nagmamadali, sakto lang. At hindi ako sanay sa ganito.. I loved to run! Or even when I'm walked it's a little bit fast. But now? In my situation I can't do that.

Nang makarating ako sa kotse namin ay naka upo na roon ang Kapatid ko, Agad akong tumabi sa kanya.

"Kuya, pwede medyo pabilisan yung pagdadrive. Nagmamadali kasi itong prinsesa natin" Usal ni Yukiro sa family driver namin. Napalingon ako sa kanya ngunit kinindatan lang ako nito. Lihim akong napangiti at sumandal sa balikat nya. Ramdam ko na gustong ibalik ni Yukiro kung gaano kami ka-close noon, pero dahil sa sakit ko. Naging ilag sya sa bawat gagawin nya. At iyon ang mas nagbibigay ng lungkot sa pagkatao ko.

"Yukiro?"

"Kuya, Remember. Na una akong lumabas sayo. Hindi mo na talaga ako ginalang" asik nito sa akin at sinabayan pa ng arteng nagdadrama. Natawa naman ako at napailing-iling.

"Ayoko nga! I prefer to call you by your name. Yukiro and Yuriko is so cute names, That's why I will call you Yukiro because I love your name like how I love my name. And we're twins so it's okay" mahabang sagot ko sa kanya na may halong paglalambing.

"Ow.. I'm touch!" sambit nito at pinisil ang pisngi ko. "By the way, why are you calling me?" Biglang tanong nito at sumeryoso. Nanatili akong nakasandal sa balikat nya saka hinawakan ang kamay nito.

"Sorry Yukiro" umpisa ko, naramdaman kung magsasalita sana ito kaya mabilis akong nagsalita muli. "I know like me, may mga kaibigan kana sa school mo. And I know like me, mahirap para sayo na malayo sa kanila. Sorry because of me itatransfer ka rin nila. Sorry kasi you need to look at me.. Sorry kas--"

"Stop saying sorry" Putol ni Yukiro sa sinasabi ko. Inilalayan nya ang mukha ko paharap sa kanya. "You don't need to say sorry, I'm your twin brother. I need to take care of you, I need to look at you. It's my job as your brother okay. So, Stop thinking too much and stop saying sorry. I love you Sis, remember that always" usal ni Yukiro sa akin.. Halos tuloy tuloy na ang pag-agos ng luha sa mga mata ko dahil sa mga sinabi ni Yukiro. Niyakap naman ako nito at hinagod ang likod ko. "Wag ka ng umiyak, ang panget mo pa naman. Kamukha mo si Fiona pag umiiyak ka" pang-aasar nito sa akin. Kinurot ko sya sa tagiliran ng maalala ko kung sinong Fiona iyon 'yung nasa palabas na shrek'. Lumayo na ako mula sa pagkakasandal sa kanya habang iyong kamay ko ay nasa tagiliran nya pa rin. "Aarayyyy!" sigaw nito dahil sa sakit, binitawan ko naman sya ng makuntento ako sa pagkakakurot ko. "Ang sakit! siguradong may sugat ito, wala ka talagang patawad! sayang pagmamahal ko sayo, Buset ka!" Asik ni Yukiro habang masama ang tingin sa akin. Natawa na lang ako sa kanya. Magsasalita sana ako ng huminto na ang sasakyan, sumilip ako sa labas at nakitang nasa tapat na kami ng school ko. Humarap ako kay Yukiro at dinilaan lang ito.

I'll Swallow The PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon