Chapter 2: Too Much Pain

20 0 0
                                    

"Tita, Saan pong school lilipat si Yuriko?" tanong ni Tiffany kay Mommy, nandito ito ngayon sa bahay. Matapos naming mamasyal sa Mall.

"Sa Lourenz University" Sagot naman ni Mommy sa kanya. Napangiwi ako, 'saan kaya iyong Lourenz University na iyon?' Napasulyap naman ako kay Tiffany at nakita ko itong nakaharap sa akin.

"Bakit?" Takang tanong ko. Bigla naman humaba ang nguso nito na parang nagpapansin na ewan, Tiffany talaga!

"Alam ko naman iyong reason kung bakit ka lilipat, pero bakit ganoon. Ayoko na pumasok sa monday kasi wala ka" usal nito na parang nag-tatantrams na. Napangiwi naman ako, habang si Mommy ay napakunot noo.

"Reason?" Singit ni Mommy sa aming dalawa ni Tiffany. Tumango naman si Tiffany kaya sumulyap sa akin si Mommy, pero pilit na ngiti lang ang itinugon ko sa kanya at marahang pag-iling.

"Aishhh! Gusto kita kasama" biglang usal ni Tiffany na parang batang nagmumukmok, na pailing naman si Mommy sa kanya. Habang ako naman ay naka ngiwi lang. "Magpalipat din kaya ako, Kung saan ka mag-aaral" dagdag na sabi nito na ikinagulat ko, napanganga pa nga ako eh!

"L-loka kaba? Paano sila Ysabelle at Loisa?" Inis na tanong ko. "Alam mo bang ayoko naman talaga lumipat ng school." dagdag ko pa. Bigla naman dumating si Tita Ellis na may bitbit na tray, nilapag nya iyon sa center table dito sa sala.

"Kumain ka muna Tiffany" sambit ni Tita, napatingin ako sa laman ng tray. Orange juice at cookies. Kumuha naman ako ng isang cookies.

"Salamat Tita" usal ni Tiffany at kumuha ng isang baso ng juice.

"Yuriko, hindi naman ikaw ang gusto nyang makasama eh. Ako, kaya gusto nya magpalipat" biglang singit ni Yukiro habang nakaupo sa tabi ni Mommy. Napalingon kami ni Tiffany kay Yukiro, hindi namin namalayan ang pagdating nya dito sa sala. Napangiwi naman ako ng makita kung matalim ang tingin ni Tiffany kay Yukiro.

"What do you mean? Atsaka anong gustong makasama? Diko nga alam na pati ikaw lilipat eh. Ang kapal uy! Pasalamat ka kapatid ka nitong kaibigan ko. Kung hindi tiniris na kita!" asar na usal ni Tiffany.

"Let me correct you, Kambal nya ako Tiffany babe hindi basta kapatid lang" pang-aasar ni Yukiro, hindi na maipinta ang mukha ni Tiffany dahil sa inis nito sa kakambal ko.

"Yukiro, wag mo na ngang pag tripan si Tiffany, obvious na may gusto ka kay Tiffany eh" sita ni Tita sa kanila na ikinagulat ng kakambal nya. Habang si Tiffany naman ay bigla na lamang namula ang mukha. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa reaction nilang dalawa eh.

"Yak! gusto? Ang pangit pangit nyan eh." tanging sambit ng Kakambal kung siraulo at iniwan kami sa sala. Natawa na lamang si Mommy at Tita, habang si Tiffany ay namumula pa rin ang mukha.

'I know you Tif, may crush ka kaya kay Yukiro, akala mo hindi ko alam aa' ani ng isip ko at na pangiti pa.

"Ahm.. Tita, uuwe na din po ako" biglang sabi ni Tiffany. Napatayo naman ako.

"Hatid na kita" usal ko. Tumango naman si Tiffany, kaya humarap ako kila Mommy "Mom, Ta, hatid ko lang ito" paalam ko sa kanila.

"Mag-ingat, wag ng magtagal aa" sambit ni Mommy.

I'll Swallow The PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon