4 (unedited)

28 4 0
                                    

[Yuri]

"Bagong renovate na'rin ito katulad ng sinend mong mga designs, pinalinis ko na din ito sa housekeeper kanina kaya wala kanang ibang gagawin kundi ang mag-ayos na lang ng mga gamit mo." Nakangiti at masayang paliwanag ni Tita Lisa–I tried to call her Ma'am earlier but she insisted na Tita Lisa na lang daw ang itawag ko sa kanya.

Nandito ako ngayon sa apartment na tutuluyan ko habang nag-aaral ako sa SSU. I decided na sa labas na lang ng university tumira kaysa sa mga dormitory doon sa loob, alam ko kasing mas magiging kumportable ako dito sa labas malayo sa ibang mga estudyante.

And besides, ang parents ko din naman ang nag-desisyon na sa isang condominium unit na lang ako tumira, though I rejected their offer dahil masyado itong malayo sa university kaya they suggested this apartment instead—The Laxford Apartment. 20 minutes lang ang layo nito mula sa university, depende na lang kung public transportation ang sasakyan mo, but in my case na halos lahat ng pangangailangan ko ay inayos at ini-handa na ng parents ko bago pa man nila mapag-desisyunan na dito na lang ako pag-aralin. Pagpasok ko pa nga lang sa kwarto ng hotel na tutuluyan ko two days ago ay bumungad na agad sa akin ang isang susi ng kotse na nakalagay sa ibabaw ng kama ko. There were also a piece of paper saying that my car is already in the parking area of the hotel. Hindi ko lang talaga alam kung matutuwa ba ako dahil binigyan nila ako ng bagong kotse or malulungkot because I don't have my driver's license yet, and I didn't even know how to drive!

So after that, I decided na sa taxi na lang muna ako sasakay kapag papasok ng school or may pupuntahan akong lugar. Mag-e-enrol na lang ako sa pinaka-malapit na driving school kapag nakapag-adjust na ako at may libre nang oras para matutong mag-drive.

"Ah sige po, thank you po t-tita Lisa." Medyo awkward kong sagot dito habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng unit.

Tama nga ang sinabi niya na tapos na itong i-renovate, I immediately started to make a tour. The cream-tiled floor is definitely complimenting the light-grey wall and the white-colored ceiling. Maluwang din ang kwarto compared to any ordinary apartments na matatagpuan malapit sa university, alam ko'rin naman na hindi ito ire-recommend ng parents ko if hindi ganito kaayos at kaganda ang magiging kwarto ko.

Pagpasok ng pintuan ay bubungad agad ang isang mini hallway na sa tingin ko ay may lapad na mahigit three meters at may haba namang eight meters, mapapansin din ang mga paintings and other art materials na nakasabit sa pader nito.

"Nandito lang sa bungad yung comfort room," Dugtong pa ni tita Lisa at saka binuksan ang pintuan sa right side bago lumagpas sa mini hallway.

I peeked inside and my jaw almost literally dropped when I saw the entire 'comfort room'. Muka yatang napasobra sila ng renovation dito because it looks very classy just to be a comfort room. It was rectangular in shape and coated with a roughed and grey-colored tiles. The ceiling has similar color to the outside but the wall was painted in white. There were a fixed cabinet in the left side followed by a white circular sink with a large rectangular mirror on the wall and mini hanging cabinets. Sa bandang dulo ay nandoon naman yung shower area na pina-ikutan ng glass wall. The wall was divided into two part, the blurry part and the clear part. Obviously yung blurry part ay mula sa ibaba hanggang sa shoulder level na sinundan naman ng clear part from shoulder level up to the ceiling. And by just looking at this, pakiramdam ko ay mawawala agad lahat ng pagod ko kapag ginamit at pinag-paliguan ko na ito mamaya.

Matapos silipin ang comfort room ay sumalubong naman sa akin ang living area na nasa may gawing kanan pagka-lagpas lamang ng mini hallway, nasa taas na part naman nito ang isang split-type airconditioned unit. Katapat nito ang isang king size bed na nasa may gawing kaliwa naman. May bed-side table din sa gilid nito na sinundan naman ng study table at book shelves sa pinaka-dulong bahagi ng kwarto.

SOLVING YURi (Boys Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon