Panaginip

18 1 0
                                    


"Tulong! Tulong! Tulongan mo 'ko!" 

Sabi ng batang babae na naka-angat ang gitna ng ulo samantalang nakalubog ang ibabang bahagi nang kanyang ulo sa tubig pati katawan nito. Ito palagi yung napapanaginipan ko gabi-gabi. Isang babaeng nakasuot ng puting bistida na sinusubokan kong abutin ang mga kamay nya habang ako ay nakapatong sa maliit na kahoy na parang pantalan. 

"Sino ka nga ba? Bakit ako?" tanong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga mata ko.

Sabi nila ang panaginip daw ay may maraming kahulugan. Isa na rito ang babala at pagkakaroon ng mga bagay sa panaginip na walang koneksyon sayo. Ewan ko ba kung bakit palagi nalang yun yung napapaginipan ko, di ko naman kilala yun. Siguro dahil lang sa pagod at stress to. Bakit ba kasi sumama pa ko sa pagtitipon na 'to. Di naman ako nag-eenjoy. Aksaya lang talaga sa oras.

"Bro, nagising ka ba namin?" sabi ni Boogey na papalapit sa 'kin habang may dalang baso. Isa siya sa mga napakasipag na taong kakilala ko sa kompanyang tinatrabahoan ko. Napakagalang at medyo napaka-babaerong tao. Magkasing-edad lang ata kami pero mas matanda akong isang buwan sa pagkaka-alam ko.

"Di naman, tol. Naalimpungatan lang." sagot ko sa kanya habang binibigay nya ang baso, "ano to?" kahit na alam ko na kung ano ang laman dahil sa tapang ng amoy na para bang iniinganyo akong uminom, tinanong ko parin sya. Tsaka, kailangan ko na din ng kausap. 

"Beer, pre. You know you can join us, dun." Pagtuturo nya sa mga taong nakapalibot sa napakalaking bonfire na ginawa nila nang kahaponan. Talagang napuyat ako sa tatlong araw na bakasyon at isang magdamagang biyahe kaya di ko na sila masyado naka-usap.

Hindi naman talaga kami close ng mga taong andun. Napasama lang ako dahil sa Team Building na libre ng kompanya namin at pagpipilit ng Manager ko, 'tas si Boogey naman gusto makasama yung si Caitlin na parang insik na trip nya. Siya lang ata kaibigan ko sa kompanya. "Introvert" ika nga nila. Di kasi ako nagsasasama sa mga walang ka-kwenta-kwentang mga bagay. Pano ba naman, dagdag gastos lang to.

"Salamat" habang inaabot yung baso na bigay sakin ni Boogey. "Uh, last day ko naman na ngayon kaya 'wag nalang, maaga pako aalis bukas. Tas mas kailangan nyo yan sa team." pagdadagdag ko.

"Sige, pre." pagkuha nya sa baso at akmang paalis na, sinabayan ko nang "okay" sign.

Sa kalagitnaan ng gabi habang nagkakasiyahan silang nag-iinuman sa may dagat, kinuha ko yung cellphone ko sa kwarto para maghanap ng signal sa likod ng cottage na tinutulogan ko. Taenang lugar naman kasi to, walang signal. Sabi ko naman kasi sa di masyadong liblib na lugar. Pero in fairness sa lugar na to, maganda naman at malinis kaya okay na rin.

"Come on!" Pagpukpok ko sa cellphone.

"Alam mo, di gagana yang ganyang ritwal." sabi ng boses na nasa likod ko. Si Miss Kelly pala, yung manager ko na sobrang bait. Napakaganda, mukhang may ibang lahi yung dugo. Matangos ang ilong at hindi suplada.

"Haha. I'm just trying to see if it works." 'ka ko.

"Like what? Like 2007 edition of vintage phones? You're making me laugh again." patawa nyang sabi.

"Shouldn't you be enjoying the night with them, Miss?" tanong ko sa kanya habang kinakamot ko ang ulo ko.

"I just—" napatigil sya habang nililingon yung mga tao na naliligo malapit sa bonfire. Mukhang high tide na kasi kaya medyo nag-eenjoy na sila.

"—Aaaaaaah"

Tili yun ni Caitlin. Dali-dali kaming pumunta sa kinatatayuan ng mga ka-grupo nya kahit hawak-hawak ko ang kamay ng manager ko na hawak pa din ang cellphone ko. Napatingin sya sa 'kin habang binibigay nya ito. Pagdating namin, nakita ko na nakaupo nalang si Caitlin habang yakap ang bote ng red wine na iniinom nila. Imposible naman kasing nalasing sila sa red wine.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Babae Sa TubigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon