Kabanata 27

356 21 1
                                    

Pagkatapos ng nangyari kahapon wala na kaming ibang ginawa ni estevan kundi mailang sa isa't isa

Napansin naman ito ni aira at shina kaya naman biglang nag-aya si shina na magmovie marathon daw uli kami sa bahay nila ngayon kaya naman eto ako pinagpapawisan ng malamig dahil nasa tapat na kami ni aira sa bahay nila shina

Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit,hindi ko naman na first time pumunta sa bahay nila

Pagpasok ko ng kanilang pinto nakita ko agad si estevan sa sofa habang nag-lalaro ng gameboy

Si shina naman at aira ay kinuha ang snacks sa sala at pinaupo ako ni shina sa sofa nila katabi si estevan

Para akong tanga na hindi gumagalaw sa kinauupuan ko,ang awkward talaga sobra

"Ang tahimik naman!", sigaw ni shina para umingay naman sa paligid namin

"Kaya nga ano,parang may mga kasama tayong pipe!", sigaw din ni aira at nilapag na ang nachos sa lamesa

Tinarayan ko nalang silang dalawa at umupo sila pareho sa sahig at kaming dalawa ni estevan ang naka upo sa sofa

Dahil hindi ako sanay na hindi kami nagpipikunan lumapit ako sakaniya at tinignan ang nilalaro niya

"Ako din", kuha ko sa gameboy niya

"Hoy sandali malapit ko na matalo yung boss", kuha niya sa game boy na nasa kamay ko

"Ako na tatalo", iniiwas ko sakaniya ang gameboy niya

Nagpupumilit siyang kuhain ang gameboy sa kamay ko at pumipiglas naman ako kaya bigla kaming napahinto dahil hawak na namin ang kamay ng isa't isa

Napalunok ako habang tinitignan ang kamay niyang nasa kamay ko,ang puti ng kamay niya at ang ganda ng hugis ng mga kuko niya

Bigla naman niyang tinanggal ang kamay niya sa kamay ko dahil nakatingin na pala sa amin si aira at shina habang ngumingisi ng nakakaloko

"Ayan talo na tuloy", reklamo niya at mabilis na kinuha ang gameboy sa kamay ko

Bigla akong nahimasmasan at nakatingin pa din sa amin si shina at aira

"Sana all hawak kamay", mahinang sinabi ni aira

"Ang sweet naman nilalanggam ako",bulong ni shina kay aira

Narinig naman namin ito agad ni estevan kaya lumayo kami sa isa't isa at nanuod na ako

"Tara laro tayo uno cards", aya sa amin ni shina

Sumang-ayon naman kaming lahat at nagsimula na sa paglalaro

"Uno!", sigaw ni aira dahil isa nalang ang card na hawak niya

Tatlo pa ang akin at dalawa kay estevan at shina

Nilapag ko ang color blue no.3 na card at nilapag naman ni aira ang nag-iisa niyang card at nakita kong +4 ito,naglapag din si shina ng +4, at ganun din si estevan,tinignan ko ang hawak kong cards at wala akong panlaban kaya sa huli ako ang talo

"Hehe sorry portia", sabi ni shina at pinitik ang tenga ko

"Beshie mahal kita pero talo ka e hihi", pinitik din ako ni aira sa tenga

Si estevan nalang ang hindi gumagawa ng parusa kaya naman lumapit ako sakaniya para magpa-pitik ng tenga

Nakatingin lang si aira at shina kung paano ako pipitikin ni estevan

Naka-pikit na ako dahil panigurado masakit ito,pero nagulat nalang ako dahil parang wala akong naramdaman sa ginawa niya sa tenga ko

"Ang daya!", sigaw pareho ni shina at aira

"Baka sumakit lang daliri ko", paliwanag ni estevan

"Nako ayaw mo lang kamo saktan si portia", sambit ni shina

"Hindi pa ba sapat yung malakas niyong pitik?", reklamo ko sakanilang dalawa

Nagbangayan lang kami ni aira at shina dahil sa pitik ni estevan at nagulat nalang kami dahil binuksan ni estevan ang youtube at nagpatugtog

"Ayun ang gusto ko", sumayaw sayaw sa gitna si shina habang nakikinig ng kanta

Sanctuary? ngayon ko lang napakinggan ito ah

Sabay pa silang kumanta ni estevan

"If you've been waitin' for fallin' in love
Babe, you don't have to wait on me
'Cause I've been aimin' for Heaven above
But an angel ain't what I need", tumatalon talon pa sila habang kinakanta ito at nakatingin lang kaming dalawa ni aira sakanila dahil hindi kami maka-relate

Aaminin kong ang ganda ng kanta kaya napapakanta din ako at hindi ko nalang namalayan sunod sunod na kanta ni Joji ang pinakinggan namin

Sikat na singer pala siya ngayon at pinanuod namin ang dati niyang mga video at tawang tawa kami

Ang weird ng lalaking ito pero ang ganda ng boses niya

Parang si estevan

Pinagmamasdan ko lang si estevan kung gaano siya ka-hyper ngayon,first time ko siyang makita na tuwang tuwa.

Ang ironic ng sitwasyon ko ngayon,dati siya ang palaging naka-tingin sa akin at pinagmamasdan ang mga galaw ko,ngayon ako na ang gumagawa

Nakangiti lang ako habang pinapanuod siya,napatingin siya sa akin at napahinto bigla

Napaayos naman ako ng upo dahil baka nailang siya sa pag-tingin ko sakaniya,tumingin uli ako sakaniya at ngumiti din siya sa akin

Ang bilis,ang bilis bilis ng tibok ng puso ko

Pakiramdam ko nagwawala na ang mga paruparo sa tiyan ko

May gusto na ba ako kay estevan?

Pakiusap portia hindi 'to maaari.

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon