Kakatapos lang ng meeting namin para sa research at hindi pa tapos sila aira kaya naman kinailangan ko munang magpahangin sa labas dahil sobrang pagod nanaman ang utak ko
Ako kasi ang leader ng group at hindi ko masyadong alam kung kaya ko bang mag-handle ng isang grupo
Pero may tiwala naman ako sa sarili ko kaya tinatry ko pa din ang best ko kahit na nahihirapan na ako
Sobrang pagod talaga ang utak ko ngayon,bumili muna ako ng juice sa canteen at napag-isipan kong pumunta nalang muna sa rooftop ng school
Pagkabukas ko ng pinto ay huminga agad ako ng malalim at ang sarap sa pakiramdam na humahaplos sa balat ko ang malakas na hangin
"Hays", singhap ko
"Hay nako", biglang may nag-salita sa gilid ko at hindi na ako magtataka kung sino ito
"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko sakaniya
"Ikaw lang ba may karapatang pumunta dito?", tanong niya
"Nagca-cut ka ng classes no?", tanong ko sakaniya
"Vacant ko na",tinarayan niya ako bigla at natawa ako sa ginawa niya
Napaka-bading
Pumunta lang ako sa dulo ng rooftop at tinanaw ang mga nasa baba
Tumingin naman ako sa itaas at pinagmasdan ang mga ulap
"May problema ka ba?", tanong niya sa akin
Nabigla naman ako sakaniya dahil nasa tabi ko na pala siya
"Wala pagod lang", matipid kong sagot
"Dahil?", tanong niya
"Basta", sambit ko
"Alam ko namang kaya mo yan",ngumiti siya bigla
"Sus",asar ko sakaniya
"Portia", mahinang sinabi ni estevan
Kinabahan ako bigla sa kung ano ang sasabihin niya dahil seryoso ang mukha niya
"B-bakit?", tanong ko
"Bakit kaya tayo pinagtatagpo no?", tanong niya sa akin habang nakatingin sa kalangitan
"Ewan ko nga din eh", natatawa kong sinabi
"Pero masaya ako tuwing nakikita ka portia",tumingin siya sa akin at pumupungay ang kaniyang mga mata
Lumakas ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay magkakaheart attack na ako
Napalunok ako sa sinabi niya at nag-salita
"Syempre masaya ka dahil may nauurat ka",tinarayan ko siya at umiwas ng tingin dahil naiilang ako
"Masaya ako kasi yung matagal ko ng crush,nakakasama ko na", seryoso niyang sinabi
Napakunot naman ang noo ko at agad na tumingin sakaniya at kitang kita ko sa kaniyang mga mata na totoo ang sinasabi niya
"A-anong ibig mong sabihin estevan, please enlighten me",namumula kong sinabi sakaniya
"Portia,gusto kita", ayun pa lamang ang nasasabi niya ay nanghina na ang mga tuhod ko
Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil nagwawala na ang mga paruparo sa tiyan ko at ang bilis bilis na ng tibok ng puso ko
"And hindi ko na kayang ilihim pa ito sayo,simula elementary tayo hindi nagbago ang tingin ko sayo,hanggang ngayon gusto pa din kita portia", naisip ko ang mga sinabi sa akin ni shina
Tama nga siya,gusto pa din ako ni estevan
"Hindi ko to sinasabi para maguluhan ka or para magustuhan mo din ako.Gusto ko lang sabihin sayo ang matagal ko ng itinatago sa puso ko", ngumiti siya at hinawakan niya ang pisnge ko
"Gumaan na ang pakiramdam ko portia", tinanggal niya din ang pagkahawak niya sa pisnge ko at nginitian lang ako
Hindi na ako nakapagsalita dahil hindi pa din mag sink in sa utak ko ang mga sinabi niya
Umalis na siya sa harap ko at pagkasara niya ng pinto ay napa-upo agad ako sa sahig
Nanlambot ang mga binte ko at ang lakas pa din ng tibok ng puso ko
Ang saya saya ko,sobrang saya ko
Kinikilig ako,sobrang kinikilig ako
Ayun lamang ang nararamdaman ko ngayon,pero....
Pero natatakot ako...
Natatakot ako na baka maulit ang nakaraan...
Dahil sa pagmamahal...
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Genç KurguNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...