Kung nakamamatay lang siguro ang tingin ay kanina pa nakahilata tong si nikki. Sabay silang tumatawa ni yoongi habang papunta sa mga upuan nila, eto namang si nikki napakaharot may pag palo pa ng mahina sa braso ni yoongi.
"Hahahaha CHAT YOU LATER yoongi!" pagdidiin ni nikki habang nakangising lumingon pa saakin. Tumango naman si yoongi at nagsuot ng earphone.
"Kung ako yan gianna sinampolan ko na yan" mahinang bulong ni jack. Kung pwede lang eh. Naiimagine ko tuloy na umupo sa likod ni nikki at patagong gupitan siya ng buhok.
"Yung research title kaya natin baka gusto mong sampolan din?" Pandidilat ni julia kay jack.
"Sus title lang ba pinoproblema eto ngang si gianna inayawan ni yoon-" bago pa man matuloy yung sasabihin ni jack ay tinakpan ko na ang bibig niya at sinamaan ng tingin. Napakadaldal talaga!
Lumingon naman si nikki saakin habang pinipigilan tumawa. Sasabunutan ko na sana siya kaso tinapik ako ni jimin.
"Oo nga pala gianna sorry I forgot about our research. Okay lang ba tomorrow sabay tayo umuwi? I know a good coffee shop dun nalang natin gawin?" Pangiimbita ni jimin. Siguro kung di lang ako inofferan ni jimin maging partner panigurado babagsak na ako neto because I need to do my research all by myself.
"Talaga? Oh sige! I'll bring my laptop tomorrow!"
"Uy sama naman kami" paniniko ni jack
"Hay nako jack pag sumama tayo panigurado di tayo makakagawa dahil pagkain lang aatupagin mo" busangot ni julia. Medyo naiingit tuloy ako sa kanila. Pefect partners sila, si julia di katalinuhan pero responsible. Si jack naman may katalinuhan kaso tamad naman. Eh kami kaya ni jimin? Haay bahala na I trust him on this naman.
Napalingon ako kay yoongi na hanggang ngayon ay nakaearphone at nakatingin na naman si bintana niya. I can't blame him kung bat lagi siya nakaearphone eh kung si nikki ba naman katabi mo. Kinakausap niya ngayon with her high-pitched voice yung mga friends niya na na nasa harap naman namin na seat ni jimin.
Thursday na ngayon at bukas ay defense na namin para sa research title. Kahapon ay nanggaling kami sa coffee shop dito sa BGC and guess what kung anong nangyare? Ayun pinagsisisihan namin ni jimin kung bakit pa ba namin sinama tong si jack. Pano ba naman kasi nagdala pa ng uno cards, jenga and monopoly. Basically naubos lang oras namin kakalaro kaysa gumawa ng research title and powerpoint presentation para sa defense. Kaya in the end parehas kaming wala pang nagagawa. Galing diba?
Pagkadating ko sa school ay dumiretso na ako sa lockers para kunin yung mga books ko. Napahinto ako nang makitang nakatayo si yoongi sa harap ko. Nadamdaman niya sigurong may nakatingin sakanya kaya napalingon siya sakin. Umiwas nama agad ako ng tingin at kunwaring hindi siya napansin. Nilagpasan ko siya at binuksan na ang locker ko. Nasa right side ko siya at may isang metro ang layo namin sa isa't isa. Kaming dalawa lang ang nasa locker ngayon kaya naman nakakabingi ang katahimikan. Alam kong wala siyang pake pero galit pa rin ako at di niya ako piniling maging partner lalo pa nung makita kong magkasama sila ni nikki nung isang araw na nagtatawanan.
Maya maya ay nararamdaman kong may tumatapik sa sakin pero di ko nililingon. Ngunit pa rin niya magpaawat at tinapik ako ng mas malakas kaya naman padabog ko nang nilingon.
"ANO BA SABI YOONG-" nanlaki ang mata ko nang makaharap ko na siya.
"Si jimin to sorry nagulat ba kita?" Gulat na tanong ni jimin. Napalingon naman ako sa right side ko kung nasaan si yoongi. Nakasmirk siya habang sinasara yung locker niya.
NAKAKAHIYA KA ANG ASSUMING MO GIANNA!
Umarte naman ako na walang nangyare at taas noong hinarap ulit si jimin.

BINABASA MO ANG
How To Get Your Crush To Like You Back / Min Yoongi Fanfic
RomanceHow to Get Your Crush to Like You Back / Min Yoongi Fanfic