MY SERENDIPITY (PART 2)

181 3 0
                                    

NANGUNGUNOT ang noo ko habang iniisip yung sinabi ni Sora kahit nakalipas na ng isang buwan.

Mula noong araw na iyon ay naging malmbing ay mabait siya sakin. Hindi ko alam bakit. -,-

Pero masaya ako kasi unti unti siyang nagbago o ganito na talaga siya? Nirespeto na niya yung mga magulang niya, ayun pinagalitan ko kasi.

Nalaman namin na kami pala yung irereto sa isa't isa at pumayag kaagad ako pero hindi ko alam kung bakit pumayag agad si Sora.

Palagi kaming lumalabas at ginasa yung tinatawag nila na "DATE" at si Sora naman ay palagi niya akong "HHWW", Holding Hands While Walking.

Unti unting nahuhulog ang loob namin sa isa't isa.

Nalalaman kong may mabait pala na kalooban si Sora kaya hindi ko na siya kailangan baguhin. Ano bang silbi ng misyon na ito?

At sa isang iglap...

Nahuhulog na ako sa kanya.

Alam kong hindi pwede pero hindi ko mapigilan.

Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal kahit konti nalang ang oras namin sa isa't isa.

...

Ilang araw na ang nakalipas at konting oras nalang ang natitira habang kasama ko siya, kasi nanghihiram lang ako sa katawang ito.

Biglang may umakbay saakin.

"Alam mong mahal na mahal kita diba?"

Ngumiti ako at pinahid ang luhang tumakas sa mata ko.

...

Ngayong araw ay babalik na ako kung saan ako galing.

At ngayon...

Kasal na namin.

Alam kong tinatawag itong 'Arrange Marriage' pero pakiramdam kong ito'y totoo.

Habang naglalakad ako papunta sa kanya nakita kong umiiyak siya.

Pero nakikita ko sa mga mata niya'y may halong kasiyahan at kalungkutan.

Bakit?

"YOU MAY NOW KISS THE BRIDE" announce ni father.

Nangingiyak na ako habang tumingin sa kanya.

"Mahal na mahal kita Seinna. Tandaan mo yan."

"Mahal na mahal din kita--" hindi niya ako pinatapos at hinalikan ako.

Napapikit ako at dinaramdam ang huling pagkakataong makasama ko siya.

ONE SHOT STORIES (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon