I turned off the tv when I saw a cliché scene. Mag eeffort yung lalaki then boom the girl will say yes. And they will live a happily ever after.
Bitter.
--
(Play media on the side.)
Second year college ako nung nakilala ko siya.
Nung una ayoko sa kanya dahil may pagkamayabang yung image niya. Englisero kasi.
Pero hindi naman pala in fact sobrang gentleman niya and mabait. Napatunayan ko yun nang maging partner ko siya sa isang project namin, parehas kasi kami ng class number dahil parehas ang initials ng surname namin.
Nagsimula ko siyang magustuhan ng minsang ipinagluto niya ako. Isa kasi sa gusto ko sa lalaki ang magaling magluto. Boyfriend material kumbaga.
Lumipas ang ilang buwan ng aminin niyang may gusto siya sakin natotorpe lang daw siyang magsabi. Medyo natawa pa nga ako nung sabihin niya yun, hindi kasi halatang torpe siya dahil medyo maangas nga siyang tignan.
Sobrang sweet niya sakin. He never failed to surprise me. Para akong nagkaroon ng bestfriend. We treated each other as lovers but act like bestfriends.
September 24, 20** nang nagdecide akong sagutin siya. Naaalala ko pa noon yung itsura niya sobrang epic. Para kasi siyang nanalo sa lotto. Kung sweet siya sakin dati mas lalo na ngayong sinagot ko siya.
Minsan ay nagkakaroon kami ng tampuhan pero siya lagi ang nangsusuyo kahit kung minsan ay ako ang may kasalanan. May pagka selosa at childish kasi ako.
Every monthsary ata namin may surprise siya sakin eh. Super maeffort siya kung tutuusin.
Masyado akong dumepende sakanya. Kaya tuloy hirap na hirap ako ngayon. Iniwan niya na kasi ako. Iniwan na ko ng taong mahal na mahal ko.
Nag give up kasi siya sakin. Hindi niya natagalan yung katigasan ng ulo ko pati ka immaturan ko. Isang beses nag away kami ng sobra at syempre ako pa rin may kasalanan, nagselos kasi ako dun sa babaeng lapit ng lapit sa kanya. Ni hindi ko siya pinagexplain. Ilang araw ko siyang hindi kinausap, pinaandar ko yung pagkataas taas kong pride. Tapos ayun na bigla siyang nakipag usap sakin. Ayaw na daw niya. Pagod na daw siya.
2 months na ang lumipas nang maghiwalay kami. Sabi nga nung kaklase ko mag move on na daw ako dahil meron naman na daw iba yung ex ko. Hindi agad ako naniwala kaya ang ginawa ko inistalk ko siya after dismissal at nakita ko nga siyang may hinahatid na babae.
Yung ngiti niya. Sakin lang dati yun eh. Ako lang nagpapangiti sa kanya. Ako lang yun.. Sakin lang.
Tinary kong mag reach out sa kanya para makapag usap kami. Buti na lang pumayag siya.
Nandito ako ngayon sa isang park kung saan unang beses niya akong sinurprise para sa aming monthsary. Hanggang ngayon pag naaalala ko yun kinikilig pa rin ako.
"What do you want to talk about?"
Andyan na pala siya.
"Pwede bang kumain muna tayo?"
"Can we end this fast, Meg?"
"Bakit ka ba nagmamadali? Siguro pupuntahan mo yung bago mo no?"
Wala na. Umiiyak na ko sa harapan niya.
"Shh. If you think that I don't love you anymore, you're wrong." He said while hugging me.
"Kung ganon bakit iniiwan mo na ko? Promise hindi na ko magiging immature. Please, James. Come back to me."
"We're still young, Meg. Madami ka pang mas mamahalin kaysa sa akin."
"No. Ayoko. Ikaw lang gusto ko. Please, James. Please."
Humahagulgol na ata ako.
"We are not meant for each other. I know there will be someone out there who will love you more than I do. I'm sorry baby. Sorry for hurting you. We can still be friends though"
You can never be 'just friends' with someone you fell inlove with, James.
--
Pinunasan ko yung luha ko pagkatapos kong basahin yung diary ko.
Hanggang ngayon ang sakit pa rin. Miss na miss ko na kasi siya. Miss ko na yung mga yakap niya sakin kapag naglalambing siya. Miss ko na yung mga halik niya sa noo ko na nagpapakita kung paano niya ako nirerespeto. Miss ko na yung kakulitan niya.
Napatigil ako sa pagmumuni muni ko nang mag vibrate ang cellphone ko.
From: James
I hope you can make it. Its my wedding day bud. I can't take no for an answer and you know it.
Ikakasal na siya and then there's me who haven't move on yet.
Tell me, do I deserve this so much pain?
BINABASA MO ANG
Kasalanan ko
Short StoryNgayong wala na siya sa buhay mo, hininiling mo na sana one day maging sayo ulit siya pero paano kung hindi na pala pwede? He did everything just to be a perfect man for you but you ruined it and now its time for you to regret things.