Ang bilis nga ng panahon dahil parang kakatapos lang ng graduation namin at dumaan naman ang bakasyon at ngayon nga ay nasa kalagitnaan na kami ng unang taon namin sa highschool.
When I turned thirteen, I feel like a real teenager now. May mga nagtatangkang manligaw mula sa mas matataas na antas ngunit hindi ko naman binibigyang pansin. Bukod sa nahaharangan ni Kuya Linc ay wala rin naman akong paki dahil iisa lang ang taong gusto ko.
Huling taon na niya sa kolehiyo at sa susunod na taon ay hindi ko na siya makikita rito sa loob ng campus ng SIU. Nakakalungkot pero ayos lang dahil makikita ko pa din naman siya pag-uwi ng bahay.
Mas madalas na kasi kaming hindi nagpapang-abot dahil sa club na sinalihan namin. I joined the glee club together with Yara and Maple. Pare-pareho kaming mahilig kumanta at tumugtog kaya iyon na lang ang sinalihan namin.
Gusto ko sana sa dance club din dahil magaling din akong sumayaw, ang kaso ayaw naman ng dalawa kaya hindi na ako tumuloy. But I joined the Highschool cheering squad and we are currently practicing for the cheer dance competition next week.
Maglalaban laban ang bawat departamento at makakalaban namin ang departamento ng Business Management na kung saan naroon sina Kuya Linc at mga barkada niya, at pati na si Decks.
Mas lalo kong pinag-iigihan ang pag-eensayo dahil kasali rin si Clarissa at makakalaban namin siya dahil isa siya sa magre-represent sa College ng Business Management.
"Break muna tayo." Sigaw ng cheer captain naming si Ate Tara na kapatid ni Yara.
"Ate, kailangan ko pang i-rehearse yung back flip ko at yung dance routine ko sa ending." Sabi ko nang lumapit ako kay Ate Tara.
"Kuha mo naman na yun, Niks. Di mo dapat pinapagod nang husto yung katawan mo dahil baka mamaya masobrahan ka at magka-injure pa kung kelan malapit na ang laban." Saka uminom sa hawak niyang bote ng mineral water.
"I just want to perfect my routine, ayokong magkamali at mapahiya." At saka uminom na din ng tubig.
"Bakit kasi manonood si Decks?"
Halos lahat ata sa Campus ay alam ang buhay pag-ibig ko. Hindi ko rin naman kasi itinatanggi kapag may nagtatanong sa kung sino ang gusto ko. I'm proud to say that it's him.
Kaso nga lang ay mas lalo namang naaasar siya sakin kapag sa tuwing ipinagsisigawan ko ang nararamdaman ko sa kanya. Dapat daw ay mahiya naman daw ako kahit kaunti dahil siya mismo ang nahihiya sa mga pinaggagagawa ko.
"I doubt kung manonood yun noh! Hindi yun mahilig sa mga ganito na non-academic activities." Paliwanag ko habang umuupo sa sahig. "I just want to out stand Clarissa, you know how I hate her, right?"
"I know, and it's because of Deckard again. Seriously, Niks, lahat na lang ba ng gagawin mo ay tungkol kay Decks? Pano naman yung para lang sayo?" Umupo na rin siya sa tabi ko.
Napa-isip ako sa tanong ni Ate Tara. Lahat nga ba ng ginagawa ko ay para sa lalaking mahal ko? Kung Oo man ang maging sagot ko, mali ba yun? Hindi ba ganoon naman talaga kapag may mahal ka? Lahat gagawin mo, lahat ibibigay mo. I love him and that is why everything is definitely about him. That's what love means to me.
"Eh siya naman ang para sa akin kaya okay lang." Pabiro kong sagot na tinawanan lang din niya at inilingan.
"You're still too young to even understand what you are doing to yourself. Pagtanda natin, saka lang naman natin malalaman kung may mali o wala sa mga ginagawa natin eh. Kaya hinay-hinay ka lang din muna Niks."
Ngumiti na lang ako sa kanya at hindi na kumontra pa. I understand that she's just concerned about me and I really appreciate it.
Maya-maya pa ay may dumating na mga lalaking mukhang nagbabalak na maglaro ng basketball. Nasa loob kasi kami ng school gymnasium at ang alam namin, walang naka-schedule ngayon kundi kami lang para magpraktis.
BINABASA MO ANG
This Time, it's Forever
Fiksi Umum"Yes, I still love him. There is no point in denying it now. I never stopped loving him and if the only way to be with him is to do this deal with him, then I am willing to risk it all. I will marry him."