After that night, I realised that Kuya Alonzo and I somehow break a thick ice that's been dividing us. I have so many realisations and learnings from his sermons and small talks.
I even heard a part of him that I know he wouldn't dare to tell just to anybody. He's a man of silence. He doesn't talk a lot, but he always make sense!
Dumapa ako sa kama at mariing ipinikit ang mata. It's past twelve, pero di parin ako dinadalaw ng antok.
Bumaba ako ng hagdan ng makarinig ng ilang kalampag at tunog ng sasakyan na nagmumula sa labas.
Nasa gitna ako ng hagdan nang matanaw ko si Kuya Alonzo na bagong ligo at bihis na bihis. He's wearing a dark blue jeans, black polo shirt and white rubber shoes. His usual manly scent attacked my senses. The marathoner got active.
Ala una pa lang ng madaling araw, a? Nagtataka ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. May hawak siyang susi ng sasakyan at itim na hoodie jacket.
"Paalis ka?" di ko napigilang tanong.
Humakbang ako pababa, mukha namang hinihintay din niya akong mag abot kami sa unang baitang nang hagdan.
"May pasok ako today." He said huskily.
"Ah.." lumapit ako ng mabagal sa kanya at huminto na may isang metro ang layo sa kanya. He towered my small frame.
Napatango tango ako. May pasok pa nga pala ang college ngayon. I'm a high school student kaya nakabakasyon kami ngayon. Samantalang sila, sa June pa, kung kailan na start nang pasukan namin.
"Babalik ako sa friday.. and I might text you to check on you.." He looked at me and shifted his weight.
Namilog ang mata ko. Shocked that we can actually exchange messages.
"S-sige." Nautal kong sagot. My heart is at it again. Stretching and bending.
"Yung bilin ko sayo.."
"Huh?"
"Wag kang pupunta sa sementeryo ng mag isa.."
Tumango ako.
"Pero pwede naman akong pumunta kapag may kasama di ba? Say, available si Belat?"
He nodded.
"At tigilan mo ang laging pagmumukmok..I'll try to bring you somewhere sa pagbalik ko. Can you wait until then?"
I nodded. Anim agad na sunod-sunod! I need to control my excitement it's always surfacing.
"Be a good girl. Wag mong bigyan ng sakit ng ulo si mama. Tama na dapat na ako na lang." The side of his lips rose.
"Si Sam, wag mo na lang patulan sa mga pang-iinis. Mabait naman 'yun, pilya lang talaga." bilin pa niya.
Umasim ang mood ko.
"Sayo mabait, sa akin hindi." banat ko.
"Oh, son. Ready kana ba? Yung laptop mo nilagay ko na sa kotse." Nabitin si ninang sa sinasabi ng makita ako sa harap ni Kuya Alonzo. "Agap mong magising Summer, a!" then she smiled and walked beside me.
"Nakarinig lang po ng ingay sa baba kaya bumangon po ako." ngumiti ako kay ninang.
He catched my eyes. I looked down.
"Oh, tara na sa labas. Summer, halika ihatid natin sa gate ang kuya Alonzo mo." at sabay sabay kaming pumunta sa garahe.
"Son, will you please call pagdating mo sa Lucban? I'm always worried about you."
"Yes, mama." he said at pinatunog ang car keys.
"Ingat ka anak." Ninang hugged him and kissed his cheek. Kuya Alonzo did the same.
BINABASA MO ANG
A Rain In My Summer
ChickLitSummer Valencia Alvarez is the sweet, full of life and innocent girl of Quezon. She is so loved by her grandmother. At a very young age she has learned about the tale of the first rain in May through the bedtime stories of her lola. "Apo, darating...