Naging successful naman ang ginanap na audition, habang naghihintay sa announcement ng mga pasok sa choir ay nilapitan naman ni Harvey si Diane.
"Hi Diane, ang galing mo kanina" bati ni Harvey
"salamat ha" ngiting tugon naman ni Diane
"after nito may gagawin ka ba mamaya?" tanong ni Harvey
"wala naman bakit?" ngiti ni Diane
"yayain sana kitang mag merienda mamaya" tugon naman ni Harvey
"sure walang problema" si Diane habang nakangiti pa din
Samantala ay inumpisahan nang i announce ni Josh ang mga nakapasa sa audition, binanggit nya lahat isa isa ang mga pasok sa choir nagpapalakpakan naman ang mga estudyante pag naririnig nilang nakapasok ang kani kanilang mga bet.
"at ang panghuling nakapasok ay si Diane" announcement ni Josh
Nagpalakpakan at naghiyawan naman ang mga estudyante nang marinig nilang nakapasok si Diane.
"wow ang galing naman pasok si Diane" habang tuwang tuwa akong kausap si Fatima
"teka Jey bat di inannounce yung pangalan mo?" Tanong nila Fatima sa akin
"ay oo nga noh" bigla akong napaisip sabay
"waaaaaaaaaaaaaa hindi ako pumasa" sigaw ko
"pano mangyayari yun eh ikaw yung pinaka magaling" sambit ni Tom
"oo nga nakakapagtaka talaga" dagdag ni Beth
Nahalata din ng mga estudyante na hindi binanggit ang aking pangalan kaya nag umpisa na ang mga bulungan sa loob ng gymnasium.
"bat kaya wala si Jey noh nakakapagtaka" wika ng isang estudyante
"oo nga eh siya naman yung pinakamagaling kanina" tugon naman nung isang estudyante
At sa mga oras na yun ay nag umpisa nang magsalita si Josh
"I know most of you are wondering why Jey is not included in our list of new members, it's simply because he auditioned for the wrong reason and for that we cannot accept him." Matigas na sambit ni Josh
At yun na nga ay nag umpisa nang maintindihan ng mga estudyante kung bakit hindi ako nakapasok, ako naman ay medyo nahihiya dahil nga sa sinabi ni Josh, patuloy naman sa pag comfort sa akin sila Fatima.
At yung closing remark ni Josh
"guys pls. welcome here on stage our new choir members pls give them a round of appluase" si Josh habang nakatayo sa stage kasama ang mga new members ng choir.
Naghiyawan at nagpalakpakan naman ang mga estudyanteng nanonood. Ako kasama sila Fatima ay nakipalakpak din pero bakas sa aking mukha ang kalungkutan.
"tama na yan Jey may next time pa naman eh" sambit ni Fatima habang hinihimas ako sa likod
Nag end na ang audition at nag umpisa nang mag uwian ang mga estudyante, niyaya ako nila Fatima na umuwi ngunit mas ginusto ko na lamang na magpa iwan muna.
Nakasalubong naman nila Fatima si Josh habang papalabas sila ng gymnasium.
"hi guys nakita nyo ba si Jey?" tanong ni Josh
"hayun sa taas sa dulong bench naka salong baba" turo nila Beth
"ahh salamat ha" tugon ni Josh
Mag isa na lamang ako sa gymnasium at malayo parin ang iniisip nang may tumabi sa akin
"galit ka ba sa akin?" tanong ni Josh
"hindi bakit naman ako magagalit" malungkot kong tugon habang nakatingin pa din sa malayo
BINABASA MO ANG
Sa Aking Paglisan
Ficção AdolescenteThis is a story of friendship. I don't own it but I love this so much. Hope you like it :)) by @firesoulstories6 Comment for reactions :) Vote if you like it :)