Uno

2 0 0
                                    

"Bakit naman ako magkakagusto dun? Probinsyano sya, may girlfriend, mas mayaman ako at weirdo at medyo may pagka-jejemon pa."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Papanik na ko papunta sa kwarto ko nung kunin ni daddy yung atensyon ko. Kami nalang ang naiwan dahil si mommy at mga kapatid ko ay nasa taas na at patulog na. 

"Tala, halika may sasabihin ako." sabi ni daddy

"Yes dy, ano yun?" sabi ko. "Maghanda ka ha, dito muna magsstay si Sinag dahil bakasyon din sya ngayon." 

Nabigla ako, kasi hello okay naman kami pero ang weird naman na dito siya titira. 

"Ha? Bakit? Gaano katagal dy?" 

"Isang buwan daw, sabi ng mommy mo. Umayos ka ng kilos ha. Lalaki yun at dalaga kana. Wag kang magpakita ng katamaran mo at mahiya kadin." 

Napairap nalang ako. Here he goes again with his speech about my so called katamaran. 

"Yes dad, panik na ko." at bumeso nalang ako as a sign of respect and departure. 

Nung nasa kwarto na ko, nahiga ako at napatitig sa kisame. My gosh, hindi nanaman ako kumportableng makakakilos kasi may ibang tao nanaman dito sa bahay. Sanay na sanay pa naman akong humiga at mag cellphone maghapon. 

Agad akong bumangon ng maisipang mag rant sa bestfriend ko, si Amanda. 

Pagkalaan lang ng ilang ring ay sinagot nya na agad ang videocall ko. 

"Girl! OMG! Nakakainis nanaman dito sa bahay. Ayoko na dito. Gusto ko nalang magpasukan at magstay sa dorm mag isa, peacefully!!!" 

"Bakit naman Tala? Ang saya kaya sa bahay! Mas gusto ko talaga dito kesa sa dorm na nakakabaliw!" ani ni Amanda

Umirap nalang uli ako sakanya bago nya ko tinawanan. Samin kasing dalawa, siya ang mas outgoing at friendly sa lugar namin. Madami syang kaibigan at halos araw araw nasa galaan o inuman kasama ang ibat ibang kaibigan. Kaya gusto nya na nasa bahay kasi ganyan, samantalang ako laging nasa bahay at ilap sa mga tao. 

"Girl naman kasi! Dito daw magststay for one month si Sinag! Tanda mo ba yun? Yung taga Bicol?" 

"Ay oo! Nakita ko yan nung birthday ng kapatid mo. Bakit dyan sya magststay? Saka ang tagal ha!" sabi ni Amanda

"Eh unfortunately isang school calendar lang ang sinusundan natin so since bakasyon natin, bakasyon din nila. Naiirita ako kasi di ako makakakilos freely dito sa bahay." 

"Gaga ka! Diba sabi mo naman mabait yang pinsan mo na yan?" sabi ni Amanda

"Tangek ka! Di ko nga sabi to pinsan. Ang weird lang din kasi alam mo yun? Ka-age natin!" sabi ko naman

Tinawanan nya nalang ako hanggang sa naiba ang usapan at napunta sa plano namin sa college. Ilang buwan nalang din ay tutungtong na ko sa kolehiyo. 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

After one week, dumating na si Sinag. Sinundo siya ni daddy dun sa Pasay kasi dun yung dating ng bus from Bicol. Infairness naman dito, fit talaga ang katawan ha. 

Binati nya ako nung nagkita kami. 

"Hello Tala." sabi nya ng nahihiya

Tumango at ngumiti nalang ako sabay sabing "hello" sakanya. 

Hindi naman kasi kami close, at hindi din naman kami magkagalit. Pero kasi ang weird na naging crush ko din sya at some point of my life. E kung tutuusin, para nadin kaming mag pinsan. Well not technically dahil hindi ko naman sya kadugo pero parang ganon nadin. 

Dumaan yung mga araw at medyo mas nakakapag usap na kami dito sa bahay. Lagi kaming nagkakasundo sa pantitrip sa isa ko pang kapatid hanggang sa umiyak ito. 


Ilang linggo pa ay tuluyan nadin syang hinatid ni daddy sa Pasay pabalik ng Bicol. Nag paalam lang sya ng pormal at ganun din naman ako. 

Feeling ko din sinusubukan nya naman talaga makipag kaibigan sakin, pero ako lang tong may wall. Kasi para sakin, ang weird talagang ituring na pinsan sya e hindi nga kami magkadugo. 


Author's Note:

Hope you like this short patikim! Sana din ay suportahan nyo ako sa pamamagitan ng pag vote at comment. Maraming salamat! 




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High & Mighty-ishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon