Dear Lucas,

24 2 0
                                    

Dear Lucas,
One-shot

Today is the first day of summer and our family decided to spent our summer vacation in my grandmother's place. Everybody is busy packing while me? Of course I am already done. Nung isang araw pa nga eh. Mamayang hapon ang alis namin pero ang mga tao sa bahay ngayon pa naisipang mag-empake.

"Eme!" I rolled my eyes when I heard my brother called my nickname.

"What?!" I shouted back.

"Where's my socks?"

"In your closet, below your belts!" inis na sigaw ko.

"Idiot." bulong ko. Napakababoy kasi kahit medyas niya hindi niya mahanap. Palibhasa ako lagi ang naglilinis. Mabuti nalang at isa akong ulirang kapatid at anak. Mabuti na lang at maganda ako. Anong konek? Siyempre wala, gusto ko lang sabihin eh.

Kinuha ko ang diary ko at binuklat ito para mag-sulat ng entry para ngayong araw. Actually hindi ito normal na diary, ito kasi ay naglalaman ng mga gusto kong sabihin sa future husband ko. I know it's too early cause I'm just seventeen--turning eighteen in a few days...but who cares? I will do what I want.

Ilang taon na rin simula ng umpisahan ko itong sulatan. Malapit na ring maubos ang mga pahina kaya siguro dapat ko na itong palitan. Pero sa ngayon magsusulat muna ako.

Dear Lucas,

Yes. Kay Lucas ako sumusulat. Wanna know who Lucas is? He's my the one a.k.a my husband.

Kumusta ka na? Maayos ka lang ba? Mahirap ba ang trabaho mo? Okay lang yan, magpakatatag ka para naman yan sa future natin hindi ba?^▁^Magpapatayo pa tayo ng bahay at mamumuhay ng masaya kasama ang mga anak--teka? Ilang anak ba ang gusto mo? Dalawa? Tatlo? Basta wag ng lumampas ng anim ha? Masakit manganak atsaka ayokong magmukhang inahing baboy. π_π

Siya nga pala magbabakasyon kami ngayon kina lola. Makikita ko na naman ang mga pangit kong pinsan. Hmp! Kala nila magaganda sila? Neknek nila! Mas maganda ako diba?

Hay Lucas. Kailan pa kaya kita makikita? Magpakilala ka na naman sa akin oh. Kailan ka pa kaya dadating sa buhay ko?(╭╮)

"Emerald! Bumaba ka muna dito! Kakain na!"

"Opo!" sigaw ko at tiniklop ang diary ko. Bago ito itago ulit ay hinalikan ko muna ito at niyakap.

"Mamaya naman ah? Kakain muna ako," paalam ko at itinago ulit siya pagkatapos ay bumaba na.

Lucas is my ideal man. Noong nag-start kasi akong magsulat ng diary ay nao-awkwardan ako kapag dear diary lang ang sinusulat ko kaya I decided to give him a name. I came up wih the name Lucas. Sinasabi ni kuya na hindi daw totoo na may taong kagaya ni Lucas kaya madalas kaming mag-away. Naniniwala kasi akong magkakatagpo rin kami soon....or maybe sooner. I gigled on that thought.

Dear Lucas, (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon