Prinsesa Flora
"Sa ilalim ng aking kapangyarihan ay inuutusan kita na itarak sa iyan sa aking dibdib." Nanlaki ang mga mata ni Arman sa kaniyang mga narinig. Labis ang katahimikan sa paligid at biglang natawa ang Hari."Ano? Ako ba iyong susundin o hindi?" ang tanong muli ng Hari.
"Ngunit Kamahalan.. Hindi ko iyon maaaring gawin. Mas nanaisin ko pa na kitilin ang aking buhay kaysa sa sugatan ang Hari." ang tugon naman ni Arman at muling natawa si Haring Ramon.
"Ano ka ba? Ako ay nagbibiro lamang.. Masyado kang seryoso, hindi totoo ang aking mga sinabi. At kung mawala man ako ay sino na ang magiging Hari ninyo?" at tumawa muli ang Hari at napangiti na lamang si Arman habang pinipilit nito na matawa din. Biglang tumalikod ang Hari at nag-iba ang emosyon nito.
"Wala nang saysay ang pagiging Hari ko sa inyo, kung ngayon ay wala na ang Reyna ko.." ang mahinang sinabi ng Hari sa kaniyang sarili. Muntik na itong narinig ni Arman at pinaulit sa Hari ang kaniyang mga sinabi.
"Wala iyon, huwag mo na akong pansinin. Ngunit teka, nais ko na magpasalamat sa iyong ginawa.. Sa dinami-dami ng mga kawal noong gabi na iyon ay ikaw lamang ang tumulong sa amin. Dahil sa iyong kadakilaan ay ika'y aking gagantimpalaan." ang tungon naman ng Hari ngunit ipinagpipilitan ni Arman na huwag na ito mag-abala dahil ginagawa lamang niya ang tungkulin niya.
Tinanong ni Haring Ramon kung mayroon ba itong pamilya at tumango na lamang si Roman.
"Mabuti. Hindi lamang para sa iyo ang gantimpala na aking ibibigay.. Gamitin mo ito para sa kinabukasan ng iyong pamilya. At hindi ko nanaisin na malaman pa ang iyong pangalan, sapat na sa akin na ikaw ay aking makita at makilala."
At muling bumalik si Haring Ramon sa loob ng Palasyo, siya'y mayroong iniiisip na plano.
Ngunit nangangamba kung tama ba ito dahil lahat naman ng pagkakamali ang nangyayari sa dulo. Inutusan ng Hari na magburda si Senada at Mawrin ng isang kulay bughaw na kasuotan at ibigay ito sa Prinsesa.
Sa ika-23 ng Nobyembre ay kanilang sasalubungin ang ika pitong kaarawan ni Prinsesa Flora. At ang bughaw na damit ay ang regalo nila.
Isang linggo bago ang kaarawan ng Prinsesa ay nagtungo ang Hari sa aklatan, at sumulat sa kulay lila na libro. Dito niya isinulat ang lahat ng kaniyang galit at paghihiganti.
"Ako si Ramon Fabio Eorpienta ang Hari ng Lupain ng mga Arselana sa Heratalya. Aking isinusumpa ang aking Reyna, na sa susunod na buhay ay hindi niya na muling magiging ang Prinsesa. Magbabago ang buhay ko at ang buhay ni Flora.
Hindi na kami ang kaniyang mga magiging magulang, matatapos na ang kaniyang kalungkutan. Ang kalungkutan na aking nararamdaman. Hindi naging sapat sa Reyna ang aking pag-ibig na walang hanggan, mas pinili niya na mamatay at ipagpatuloy ang kaniyang kataksilan.
At ang kawal na si Roman, hindi na muling makalalasap ng pag-ibig galing sa sinuman, Ito ay habang buhay niyang pagsisisihan. Ito ang aking sumpa, Sumpa na ang kaniyang buhay ay matatapos lamang sa kalungkutan."
Naiiyak sa galit ang Hari habang ito ay kaniyang isinusulat. Ngunit biglang dumating si Prinsesa Flora at siya'y kinamusta.
"Ama, ano ang iyong ginagawa dito? Maayos na ba talaga ang iyong pakiramdam?" ang tanong ng Prinsesa at hinawakan ng Hari ang mga kamay niya.
"Anak, mahal kong prinsesa. Aking hinihiling na sana ay mapatawad mo ako sa aking gagawin. Sa iyong kaarawan ay magaganap ang isang mithiin, at ako'y sigurado na magagalit ka sa akin" nagtataka naman ang Prinsesa sa sinasabi ng kaniyang Ama at tinanong kung ano ang ibig sabihin nito.
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...