Chapter 5: Shoes
BUMALIK ulit ako sa library para tingnan ang estado ng lalaking iyon. Ano kaya ang itsura niya ngayon? Pagod na pagod siguro kalilinis lahat ng mga libro? Buti nga sa kaniya! Magpawis siya hanggang maubos lahat ng tubig sa katawan niya! Nakaiinis ang taong iyon!
Napangisi ako sa naisip. May mga estudyante pang nakatingin sa akin dahil sa ginagawa ko. Siguro ang nasa isip nila'y may baliw na nakapasok sa Leehinton. Baliw sa kagandahan kamo.
Ngingisi-ngisi akong lumapit at napasilip sa may bintana ng marating ang library, ngunit nawala iyon na parang bula at napalitan nang nakalukot na mukha.
Ang haring 'yon ay prenteng nakaupo lang sa isang sulok, subo-subo ang isang lollipop habang nagse-cellphone. Napadako ang tingin ko sa mga nakahelerang bookshelf at halos may mas ikalulukot pa ang mukha ko dahil ang mga gumagawa nang parusa niya ay ang mga babae rito ng Leehinton!
P*nyetang lalaking 'yon! Nagpapakasarap siya sa buhay samantalang nagpapakapagod 'yong mga nauto niyang babae? Sa inis ko ay padabog akong napapasok sa entrada ng library. Gumawa iyon ng ingay kaya napatingin sa akin ang lahat ng nasa loob.
Ngunit hindi iyon naging dahilan para maalis ang tingin ni Dave sa cellphone niya. Patuloy pa rin ito sa kapipindot sa screen, tila walang pakialam sa nangyayari sa paligid.
Ang sarap niyang tadyakan sa hotdog niya! Para naman madala! May pasungit-sungit pang nalalaman noong nabangga ko noon. Akala mo kapitag-pitagan, kagalang-galangang anak ng nanay niya! Kabaliktaran naman pala! Bwisit!
Napalingon ako kung saan nakaupo palagi ang librarian pero wala akong mahagilap kahit anino niya. Kaya pala ang lakas ng loob ipasa ang parusa niya sa mga babaeng uto-uto na 'to!
Sa inis ko ay hinubad ko ang isang sapatos at walang pag-aalinlangang ibinato iyon sa direksiyon niya.
Hindi ko alam kung nakikiayon nga ba talaga sa akin ang tadhana ngayon dahil nasapol siya ng sapatos ko.
"What the f*ck?" gulat na sigaw nito na may halong inis. Napatayo pa ito at nabitawan ang cellphone na ayaw pakawalan.
Sapul sa mukha.
Napayuko siya at tiningnan ang sapatos saka lumingon sa direksyon ko. Agad ko siya nginisihan para mas lalong asarin. Buti nga!
Lukot ang mukha nitong kinuha ang cellphone na nakasadlak na sa sahig saka mabibigat na paang nagmartsa siyang papunta sa akin, hawak-hawak ang sapatos ko sa kabipang kamay at sa kabila naman ay cellphone nito.
"You did that?" hindi makapaniwalang aniya.
Tinuro ko ang sarili at kunwaring gulat sa sinabi. "Ha? Alin? Wala akong ginagawa ah, kararating ko lang, e."
"Alam kong ikaw ang gumawa no'n. Hinding-hindi nila gagawin 'yon." Tinuro niya ang mga babaeng naglilinis.
Alam niya naman pala, bakit pa ako tatanungin? Saan utak nito? Sa hotdog niya? Lakas naman ng apog nito sa sarili. Napaismid ako sa sinabi niyang iyon.
"E, ano naman kung ako? Ikaw dapat ang naglilinis niyan at hindi sila! Napakatamad mo! Akin na nga 'yan!" Inagaw ko ang sapatos kong nasa kaliwang kamay niya pero mabilis lang nitong iniwas ang kamay para hindi ko maabot. Nahihilo na ako kakahabol no'n dahil pinapaikot-ikot nito sa dalawa niyang kamay. "Ano ba! Ibigay mo nga 'yan!" Sa inis ko ay inapakan ko ang paa nito. Ano na naman bang kalokohan ito? Bakit ko pa kasi binato 'yong sapatos ko sa kanya?! Peste!
"Aray! Bakit ka nang-aapak? Walang ganyanan." Akala ko ay maiinis ito pero mas lalo lamang itong ngumisi sa akin.
Nang-aasar ba siya? Letseng lalaking ito! Ako 'yong na-aasar sa kanya, imbis na siya ang maasar sa ginawa ko. Ang bilis naman ng karma kong ito.
BINABASA MO ANG
Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1)
Fiksi Remaja(COMPLETED) Leehinton Boys #1 "Hindi ko naman siya kilala noong una, akala ko santo pa, iyon pala anak ni satanas! Letseng hari 'yon!" #1 in filipino teen fiction #1 in campus king