KBANG (Chapter 47)

54 2 0
                                    

(HITCHHIKER)
***

ELLA

"Mag se-sem break na pala ano? Hindi ko talaga napansin" wika ni Janina habang kumakain kami sa bento box na dinala ng kambal.

Ewan ko nga actually kung bakit may sem break sa university na 'to eh, karamihan kasi ng mga colleges at universities wala. Pero okay na rin siguro 'yon para maka-pag relax kami mula sa stress.

Kasalukuyan kaming nasa roof top ngayon—sa labas ng headquarters nila Chris. Naka indian sit kami sa isang malaking picnic mat habang may isang malaking payong na naka tayo sa pinaka gitna noon. Tirik na tirik ang araw pero hindi gano'n kainit, presko nga dito kung tutuusin eh.

Magkakatabi kami nina Janina, Margot at Amanda samantalang magkakatabi naman si Chris, si Nico, Dan at ang kambal sa kabilang side.

"Oo nga eh, team bahay na naman ang peg ko nito" napailing si Margot. "Nga pala kambal, sarap ng mga 'to ah? Sino ang gumawa?" takang tanong niya sa kambal sabay sakmal ng sushi.

"I did it" proud na wika ni Tyron. Sabay kindat kay Margot. Namula naman si Margot at namula ang pisngi.

"Sinungaling ka talaga kuya, si yaya nagluto ng mga 'yan. Epal ka rin eh 'no?" kontra ni Tyson sabay batok sa kuya niya.

"Excuse me? I did the garnishing! At least ako tumulong, ikaw nga kinakain mo lang 'yong mga pang garnish eh" buwelta ni Tyron saka sinakal ang kapatid niya.

"H-hey s-tguark-top it!" sinubukang kumawala ni Tyson ngunit hindi nagpapigil si Tyron.

Nagkatinginan na lang si Margot at Amanda saka natatawang tumingin sa dalawa.

"How about you guys? Magbabakasyon ba kayo?" tanong ni Dan ngunit nagkibit balikat lang kaming lahat.

Kung ako siguro, siguradong sa bahay lang rin ako tulad ni Janina as usual. Hindi ko rin naman kasi talaga afford na mamasyal sa kung saan-saan eh.

"I'm actually planning to go somewhere pero hindi pa 'yon sure" sagot ni Chris na naka tutok lang sa pag kain.

"Same with me" ani Nico na tumaas pa ang dalawang kilay.

"If that's the case, gusto ko sana kayong i-invite sa hacienda namin" nagliwanag ang mga mata ko sa narinig. "Gusto ko sana kayong ipasyal do'n. Actually, si mom ang nag suggest nito. Sabi niya sure daw siyang na-mimiss na ni Ella ang lugar na 'yon. And naisip ko it would be perfect for all us to go on a three day vacation there. Para na rin ma-relax tayo" dagdag ni Dan.

Ilang taon na rin pala akong hindi nakakauwi doon. Aaminin kong minsan, kapag naiisip ko ang lahat ng mga ala-ala ko sa lugar na 'yon, hindi ko mapigilang ma-miss 'yon. Doon na rin kasi ako pinanganak at nagkaroon ng isip.

Doon ako natutong makipag kaibigan, malaman kung ano ang totoong saysay ng buhay at pahalagahan ang lahat ng taong nagpapahalaga sa akin.

"That's... great! I would love to come there" pag-sang ayon ni Nico saka nakipag kamay pa kay Dan na parang naka pag sara siya ng isang business proposal. Natatawa akong napailing.

Napatingin ako kay Chris. Nakangiti siya at parang sang-ayon na sang-ayon siya sa suggestion ni Dan.

"Kami rin sasama!" sabay na wika ng kambal na hanggang ngayon ay nagkakagulo pa rin. Gusot na ang mga suit na suot nila pati rin ang mga buhok nila. Napailing-iling ako.

"Ikaw Ella?" baling sa akin ni Dan.

"Aba siyempre go na go ako diyan 'no! Na-miss ko na kayang mangabayo do'n" natutuwa kong sagot saka ipinatong sa mat ang bento box na ubos ko na.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon